So yun na nga.
Nagtapat na kame to each other.Sobramg thankful ko kay God kase nakilala ko ang babaeng katulad ni Wine.Dahil sa kaniya kolang naramdaman na,meron pa palang taong nakakakita sa mga efforts ko,tsaka siya lang yung babaeng gusto ko na naging kaclose kopa.Hays sobra sobrang blessing na yung binigay saken ni God!Wooh!!! Araw-araw kameng naguusap,nag vivideo call,parehas pa kameng mahilig mantrip ng mga kaibigan.Kaya hindi ako OP kapag kasama ko siya.Kaya naglakas loob nako.Balak konang ligawan si Wine.Alam kong mahirap makipag usap sa magulang niya,kase strikto sila.Pero alam kong paghihirapan ko muna ang lahat,"Magandang umaga po tita.May sasabihin lang po ako sa inyo,matagal kona pong kilala si Wine.Hindi kopo alam kung baket pero kapag kasama kopo siya,ang saya kopo palagi,alam kopong bata pa kame,kung pede kopo bang ligawan ang anak niyo? Handa po akong maghintay." Paalam ko sa mommy ni Wine.Sa sobrang kaba ko,nanlalamig na yung kamay ko at sobrang pasmado.Sa totoo lang,ngayon lang ako nakapagpaalam sa magulang ng ganto.Ganto pala ang feeling wooh!
"Alam mo Cedrick,ikaw lang yung naglakas loob na kausapin ako ng ganto,ibang iba ka sa mga kabataang lalake ngayon.Ikaw lang yung lalakeng nakilala ko na pormal na nanliligaw sa anak ko.Kaya naman payag ako na ligawan mo si Wine.May tiwala ako sayo." Sagot ni tita.Napatalon nalang ako sa sobrang tuwa."Maraming salamat po tita! Iingatan kopo si Wine.Hahatid-sundo kopo siya para hindi po kayo magalala sa kaniya.maraming salamat po talaga.Hindi hindi kopo sasayangin yung pagtitiwala niyo saken." Pasasalamat ko.
Sa sobrang tuwa ko,gumawa nalang ako ng tula para kay Wine.Nung pinabasa ko kay Wine yung tula ko,
"Pwede nabang ligawan ka?"
Gulat na gulat si Wine nung mabasa niya yung tula ko,"Liligawan mona ako Cedrick?!?" Tanong niya."Oo naman.Nagpaalam nako kay Tita,pinayagan nga ako eh,tsaka pinayuhan pako ng daddy mo hehehe." Sagot ko.Sobrang saya ko kase nagpaligaw naman si Wine.3 moths ko siyang niligawan,at hindi ako nagkamaling minahal ko siya.Nung bakasyon,palagi akong pumupunta sa kanila,hindi ko alam pero ang komportable ng pakiramdam ko kapag nandun ako sa bahay nila,halos pink kase yung color ng bahay nila.Pink kase yung favorite color ko.Kase "Pink symbolizes men.".Pag pumupunta den ako kina Wine,lagi akong pinapakain n Tita ng BANANAQUE ALA HERERRA.Sobrang sarap ng luto ni tita.
Kapag nasa campus kame,andameng nagtitinginan samen ni Wine."Cedrick! Kayo naba ni Wine?Ayieee!! Sila na!" Sigaw ni Franz.Natatawa nalang kame ni Wine kay Franz kase siya pa yung kinikilig ng sobra.
Few weeks later again...
100 na yung kidlat ng messenger namen. 100 days in a row na kameng naguusap. 100 days kona siyang nililigawan. Kaya hindi kona sasayangin ang oras nato.Nagpaalam ako sa mommy ni Wine na kung pwede ko siyang idate,50-50 yung chance na payagan siya,pero thank God kase pinayagan siya.basta daw before 8:00pm nakauwe na siya at kailangan konsiyang ihatid sa kanila.Siyempre! Kelan ko hindi hinatid ai Wine pauwe? Kumain kame sa sikat na kainan dito sa Cavite."Jobilee" What a amazing name! Pero ang sarap ng mga pagkain dito. Kaya dito ko pinunta si Wine. Ngayon ko lang siya naidate. Ang sarap niyang titigan habang kumakain.
At nung nakasakay na kame ng jeep,nagulat nalang ako nang bigla niyang hawakan ng mahigpit yung kamay ko."Susulitin kona kasama kita ngayon." Bulong niya.Sobrang kilig na kilig ako non.Hanggang sa pagbaba namen ng jeep,nakahawak paden siya sa kamay ko ng mahigpit."May babasahin pala akong tula para sayo Wine." Sabe ko sa kaniya. Habang binabasa ko sa kaniya yung gawa kong tula,unti unting tumutulo ang mga luha ko,kase sa buong buhay ko,ngayon kolang yon nagawa sa babaeng pinakamamahal ko.
"Wine,pwede nabang maging tayo?"
Tumigil yung paligid ko,tanging hinihintay konalang yung sagot ni Wine.Hanggang sa bumuka na ang bibig niya at sinabing,
"Oo.Tayo na."
BOOM! Sa sobrang tuwa ko,talon ako ng talon na parang batang nanalo ng sisiw."YES!! Kame na ni Wine Hererra! At ako,Si Cedrick Bautista ang maswerteng lalake na nakamit ang matamis na oo ni Wine Hererra!" Hindi maalis sa muka ko ang ngiting bihira konalang magawa.
'Wooh! Akalain mo yon? Kame na ni Wine? Thank God! Sisiguraduhin kong magtatagal kame at magiging masaya kame habambuhay! At maraming hindi na magbabago itong nararamdaman ko.'
WAKAS.