My 1st anniversary of 07.14

10 0 0
                                    

07/14/14

1st Anniversary ng aking 1st time na pagka-holdap sa aking 1st android cp.

Noong 07/14/13 Gabi ng linggo bandang 9pm.

May lakas pa ako maglakad para makauwi sa aming bahay at hindi na ako sumakay ng jeep.

Kaya naman confident ako na makarating ng ligtas at ako'y hindi inaasahan at maling akala.

May sumusunod na pala sa akin at lumiko ako sa para makapasok sa aming barangay malapit nadon ang aking paaralan dati. 

Na biglang may balak mag snatch pero hindi siya nag tagumpay naglakad lang ako ng mabilis at hindi nakatakbo dahil sa kaba at iniisip na makahinge ng tulong.

May napansin ako may isa pa na inuunahan niya ako at naka-abang na sa harapan ko.

Bigla niya sinabi na aking na ang cp mo pre.

Balak ko na sana siyang sipain at patumbahin pero biglang pumasok sa aking isipan ang imahe ng aking "INA" sa madaling salita bigla akong napatigil at kinabahan kaya naman wala akong nagawa kundi ibigay ang aking cp at hirit pa nito pera pa daw at agad ko naman ipinakita ang barya kong pera as in tig-limang piso at ang kanyang reaction ay nga-nga...

Ang ang sabi niya OK! na ito.

Minamadali niya ako at sumasabay naman ang kanyang kasama na tara na pare at ang sabi naman nito bilisan mo PAPATAYIN KITA! 

Ang kanyang hawak lang na sandata ay chopstick.

Pagkakuha niya sa akin ng cp agad silang tumakbo at ako na ay naiwang tulala at kabado na hindi mapakali at wala sa sarili dahil at bigay sa akin ng kuya ko na cp ay bigla lang ninakaw na muntik ipalit ay buhay.

Ako ay napauwi ng wala sa sarili at natutulog ng takot na takot at nilalamig sa nangyari sa akin.

Anong oras na dumating ang aking ina mga bandang alas dose na at gusto ko siyang yakapin noon sa bahay ang kaso may inaayos lang sila sa negosyo namin kaya naman tiniis ko ito.

Bandang umaga ay nakarinig ako sa T.V. ng isang balita na may nangholdap kagabi lang at agad ako natakot baka ako yun pero iba pa pala yun.

Pareho sa nangyari sa akin.

Mga kabataan na ang gumagawa ng maagang krimen.

Alam na kung bakit? Sa nangyari sa akin?

Ayaw ko na maulit pa dahil iba na ang panahon ngayon.

Ngayon hindi ka lang kukunin kung ano man ang iyong pag mamaari kundi na rin ang buhay mo.

Salamat kay Lord, kahit natatakot pa rin ako sa aking nakaraan.

Kahit gusto ko gumanti.Bahala na po siya sa ating buhay.

Aking kasabihan nga at paborito.

"Hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas o ngayon?"

J.B.M.B.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My 1st anniversary of 07.14Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon