Chapter 3. Wednesday. :">
"Kunin mo na yang bag mo Fia, para makababa na tayo" Sabi ni Janine habang nag-aayos ng bag. Andito pala kami ngayon sa classroom ni Janine.
Si Cathy absent, bukas pa siya makakapasok kasi 2days yung car raising nila ng daddy niya. So eto kami ngayon naglalakad papunta canteen.
"so kamusta naman yung mga activities na pinagawa sayo?" tanong ko kay Janine habang naglalakad parin kami.
"Ayun, okay naman. Keri ko parin. Hahaha. Kaso nakaka-stress na eh. Tapos meron pa tayong up-coming na projects. San ka pa? Diba bongga." sabi niya sabay tadyad sa mga bato. Hahaha. Ang cute niya.
"Ang cute mo palang ma-stress girl, tinatadyakan yung mga cute cute na bato." and andito na kami sa canteen. Finally, hungry tummy na kami
"Sus, pati bato pinag-distikatan, oh ano oorderin natin girl?"
"Carbonara nalang. At shopao." sabi ko. At sinabi ni Janine na siya na daw ang bibili at humanap nalang daw ako ng mauupuan namin. At marami namang vacant tables eh. Umaga palang kasi, wala kaming 1st and 2nd subject. Kaya 3 hours vacant. Saya dibaaa?
Habang nakaupo at hinihintay si Janine. May hindi ako inaasahang makikita ko pala dito. Wow! Mapag-biro ba talaga ang tadhana? Umagang-umaga palang, siya ang makikita ko. Ang ex ko. Ang gagong si Renzo Abellera. Ayokong umiyak, ayokong maalala. Ayokong balikan ang nakaraan. Ang kapal talaga ng pag-mumuka niya. Ibang babae nanaman ang kasama niya. Ang sama sama talaga niya! Nagulat naman ako nung anjan na pala si Janine.