Jasmine's POV
Geez! Si ABC ang nakabanggaan ko. Paktay talaga ku neto. -___-
"Sorry! ^___^V" Ako.
"Matutuyo ba ako ng sorry mo ha? Nagpapacute kapa, e di ka naman cute. Tsk!" Si ABC. Salubong ang kilay.
Tssk! Nasabi ko ba sa chapt.1 na mabait sya? Pwes! Binabawi ko na! PakaAntipatiko pala ng lalaking tu. tsss!
"Aba.. Antipatiko!" bulong ko.
"Anong sabi mo?" siya.
"Ang sabi ko, kung tumitingin ka din sana sa dinadaan mo ehdi sana nkaiwas ka." sagot ko
"So, ako pa ngayon ang may kasalanan? Kung hindi ka naman kasi tatanga-tanga." sabi nya.
"Abat! Namumuro ka na ah!" sigaw ko.
"Tss! Nonsense!" sabi nya sabay alis.
"Hoy! Bastos! Walang modo! Antipatiko!" sigaw ko kaso hindi nya ako pinansin. Hay! Makapunta na nga kay Bespleng.
*@SP*
"Besplen! SORRY!!" sigaw ko pagkakita ko kay JY at patakbong lumapit sa kanya.
"BAKIT NGAYON KA LANG?!" sigaw sakin ni JY nang makalapit nako sa kanya.
"Dumating sa buhay ko, pilit binubuksan ang sarado kong puso. At sya ba'y ----" binatukan nya ako kaya napatigil ako sa pagkanta. -___-"
"Walanjo naman! 2hrs. akong naghintay sayo BESTFRIEND! Hindi ko na nga pinasukan first subject ko at nagkataong Major class ko pa, mahintay ka lang. Tas gaganyanin mo pako?! NakakaHB ka!" litanya po ni sister JY. Makapagsabi sya ng hndi nkapasok ih pareho lang naman kami. Classmate ko kaya sya. Loka-loka talaga tu. XD
"Na-e-HB ka? Di nga? Tara pacheck-up kita." Ako.
"Ewan ko sayu. Pakawalang kwenta mong kausap!" sabi nya sabay alis.
"WALANJO NAMAN JANELLA YVONNE PELLOSIS! KAMAG-ANAK MO BA SI ABC?! PAREHONG-PAREHO KAYO NG EKSENA EH!" sigaw ko. Napatigil sya sa pag-lalakad at ilang sandali pa'y nagsimula syang maglakad paatras pabalik sakin. Iba talaga ang mga magaganda, Binabalikan! HAHAHA XD
"ANO?! NAGKAUSAP KAYO NI ABC?! KWENTO MO SAKIN! DALI!" nae-excite nyang sabi nang makalapit sya habang niyuyugyog ang magkabilang balikat ko.
"Teka nga,teka nga Bespren. Magkaliwanagan nga tayo, sino bang may crush kay ABC? Ikaw ba o Ako?" tanong ko sakanya at hinila sya paupo sa bench.
"Syempre ikaw nuh. Excited lang ako sa Lovestory mo. Selos ka naman agad.Hahaha" natatawang sabi niya.
"Mabuti na yung malinaw. Pero mukhang malabo ang Lovestory namin ih." ako
"Ha? Pano mo naman nasabi?" tanong nya
"Antipatiko e. Masungit! Walang modo!" sagot ko
"Baka may nagawa ka naman?" sya
"Eh kse ganito yun, makinig ka. wag kang magsalita 'gat di ako natatapos." at kinwento ko na nga sakanya ang moment namin ni ABC.
"Kaya naman pala ih. Syempre magagalit yung tao, ikaw ba naman matapunan ng milktea?" sabi ni JY pagkatapos kong magkwento.
"Nagsorry naman ako, diba? Pero mali din naman yung sinabi nya ah." sagot ko
"Kase nga galit sya kaya nya nasabi yun." sabi nya
"Sandali nga, sino bang bestfriend mo? Siya o Ako?" tanong ko kay JY.
"Ikaw." sagot nya
"Yun naman pala e, bat sya kinakampihan mo?" tanong ko ulit
"Hay! Ewan ko sayu. Tara na nga, pasok na tayo." sabi nya sabay hila sakin.
"Bye bee." sabi nya at nagbeso sakin, hindi ko sya classmate ngayon. English subject nya samantalang ako Algebra. Bagsak ko kase ang subject natu kaya binabalikan ko ngayon. Ewan ko ba, when it comes to numbers ang bobo ko.
Pumasok nako ng room at umupo nako sa upuan ko. Wala akong masyadong kausap dito kase kasisimula pa lang ng pasukan. Saka choosy mga estudyante sa klaseng tu. Kung hindi ka nila kalevel, hindi ka nila kakausapin. Since ako lang ang 2nd year dito at 1st year silang lahat, talagang wala akong makakasundo.
Dumating na yung prof. namim,umayos ako ng upo. Kahit diko maintidihan kinig at nagsusulat parin ako. Explain here, explain there ang eksena ng prof. namin 'gang sa matapos ang klase namin sakanya.
Inayos ang mga gamit ko at umalis na.
Patungo akong likod para kumain ng lunch, diko makakasabay si JY kase may klase pa sya. Hindi kase kami pareho ng oras pag minor subject eh, sa mga major subject lang kami magkaklase.
Malapit nako sa peburit kong fast food chain nang makita ko ang isang bata na nakatingala sa isang puno at umiiyak.
"Mimi baba kana dyan." *sobs* at itinaas nya ang isang tila lata ng cat food. "May dala akong food for you. Please baba kana. Bilis na."
Nilapitan ko sya at nakita ko ang isang pusa na parang nahihintakutang nakakapit lang sa malaking sanga ng puno. Panay ang meow nito. Lumingon ako sa pligid kaso walang ibang taong pwedeng tumulong dito.
"Bata, anong nangyari?" tanong ko.
"Naglalaro lang kami kanina tapos biglang hindi na sya makababa." *sobs* sagot ng bata.
"Ah bata, hawakan mo muna itong bag ko." Tinantya ko ang puno. Umakyat nako.
"Here, mimi. Come here, girl." Sinubukan kong abutin ang pusa pero lalo lang nag-ingay ito. "May food ako rito. Yum-yum! Come on, I know you like this." sabi ko sa pusa.
"Hey! What in the world are you doing up there?" Napatingin ako sa ibaba nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun. Kunot ang noo ni ABC habang nakatingala sakin. At sa taranta ko ay nadulas ang isang paa ko at tuluyan nakong nahulog. The next thing I knew, I was in ABC's strong arms.
itutuloy...
-- Ano na kaya? Eto na ba ang simula ng Lovestory nila?
Abangan po sa next update ko. :)
Salamat sa nagvote at nagbabasa na ng story ko. Mwa. <3
BINABASA MO ANG
My Love, My Hero [SLOW-UPDATE]
Teen FictionAng story na 'to ay tungkol sa babaeng puro kamalasan. At dahil sa kamalasan niya ay natagpuan niya ang tunay na magmamahal sa kanya. This is my first story and this is a work of fiction. Any resemblance to any person and event are purely coincident...