Jasmine's POV
Napadilat ako at nagtama ang mga mata. Tumigil ang ikot ng aking mundo. Dahan-dahang lumapit ang mukha nya sa mukha ko. Palapit ng palapit, napigil ko pati ang aking paghinga dahil sa sobrang kaba. Palapit ng palapit ang mukha nya hanggang sa magkadikit ang aming ilong at... at... at... naghinang ang aming mga labi. KYAAAAAHHH!! HINALIKAN NIYA AKO!! HINALIKAN NIYA AKO!! HINALIKAN NIYA AKO!! HAHHAHA!!
At syempre hindi totoo yan. XD Imahinasyon ko lang yan. ;D Alam nyo naman ako, Ilusyunada. HAHHA (Buti alam mo?) Tumigil ka dyan otor a. Panira ka ng moment! (HAHHA)
Eto talaga ang nangyari, pagkasalo nya sakin. Nang naitapak ko na ang aking mga paa ay dahan-dahan siyang bumitaw sabay sabing...
"Next time bago ka tumulong tantiyahin mo muna kung kaya mo talaga. Kung hindi mo kaya humingi ka na lang ng tulong sa iba. Hindi yung tumulong ka nga, ikaw naman ang madidisgrasya." mahaba niyang sabi at tumango-tango lang ako habang nakatitig sa mukha niya.
"Miss, okay ka lang?" tango lang ako ulit sa tanong nya at nakatitig pa rin.
"Miss?? Hoy?!" at tinapik nya ako ng mahina sa pisngi.
"Ha? Aaa...Eee...Iii----"
"Tinatanong ko kung okay ka lang ba?" tanong nya na ikinaputol ng pagkautal ko.
"Ha? Oo, okay lang ako. Salamat a." sabi ko.
"No prob." sagot nya at ngumiti ako nang tumunog ang phone niya.
"Excuse me. Sagutin ko lang." sabi nya, tumango lang ako at tumalikod na siya.
"Oh Blue? Bat ka napatawag?" rinig kong tanong nya.
"Ha? Osge. Pupunta nako dyan." sabay end ng call. At humarap siya sakin.
"Ah sge miss, alis nako. Nice meeting you nalang." sabi nya.
"Aalis kana agad? Lunch muna tayo. My treat. Pasasalamat ko lang sayo." sabi ko at ngumiti.
"Some other time nalang. Sige alis nako." Sabi nya at umalis na. Lakad-takbo niya, importante nga siguro ang pupuntahan niya.
Naglakad-lakad nalang ako, nawalan na din kasi ako ng ganang kumain ih. Ikaw ba naman matanggihan ng crush mo? -___-
Nakakainis! Sayang! Getting-To-Know-Each-Other na sana moment namin kung wala Lang umepal! Ms.Otor! Ayusin mo nga tung story mo! Pabitin ka naman ih! (Tumigil kanga! Pasalamat ka nga, binigyan kita ng moment sa kanya kahit sandali.) Blah blah blah! Fine! Salamat Ms.Otor ah! Hayshh!
Sa paglalakad ko may nasipa akong bato. Nang makalapit ako ulit dun sa bato, pinulot ko yung bato at binato ko patalikod, hindi lang basta bato ha? Medyo malakas para maibsan ang inis na nararamdaman ko.
"Arayyy!" sigaw ng isang lalaki sa may likuran ko.
Napalingon agad ako. Nakita ko yung lalaking nakaupo sapo-sapo ang noo. Hala lagot! Dumudugo
pa ata? Patakbo akong lumapit sa kanya at umupo sa harap niya.
"Hala, sorry. Hindi ko sinasadya." sabi ko pero nakapikit lang siya at hindi ako sinagot.
"Kuya, oy! Ano? Okay lang ba?" tanong ko.
"Sa tingin mo?! Okay ba ako?! Kung Ikaw kaya batuhin ko?!" sagot niya sakin habang nakapikit parin. Ibang klase din ang lalaking 'tu ih nuh? Dumugo na nga ang noo nya lahat-lahat, nagagawa pa rin niyang magsungit. Mukhang kilala ko ang lalaking ito a, kaya napatitig ako sa kanya, gwapo siya a, kahit na nag-abot ang kilay niya, masakit nga siguro yung pagkabato ko sa kanya. Matangos ang ilong, maputi din. Mahaba ang buhok, may bangs ang bruho te! Bumagay naman sa kanya. Malakas ang dating, hindi ko alam kung ba't bigla akong kinilig. HAHHA!
BINABASA MO ANG
My Love, My Hero [SLOW-UPDATE]
Fiksi RemajaAng story na 'to ay tungkol sa babaeng puro kamalasan. At dahil sa kamalasan niya ay natagpuan niya ang tunay na magmamahal sa kanya. This is my first story and this is a work of fiction. Any resemblance to any person and event are purely coincident...