Pasensya! It took so long before I posted this part... Sorey. Haha! Limang araw kayang brownout samin! Kaya, Jaja, wag na manadtad ha? XD
~~~
Mikoy's POV //
Pagkapasok namin sa aking kwarto, inilapag ko ang gamit ko sa study table ko... Sya naman ay mahinhin na umupo sa kama ko. Sinarado ko agad ang pinto.
Tumayo ako ng tuwid. Hinawakan ko ang aking braso gamit ang aking kanang palad na parehong nasa aking likuran. At naglakad lakad ako sa kanyang harapan.
"Unang una, ayoko sa lahat, yung makulit. Pinayagan kitang magstay dito ngayong gabi kasi, hindi dahil naaawa ako sayo,"
Huminto ako sa paglakad at tinitigan ko sya.
"Kundi, wala lang talaga akong choice.."
Nagpatuloy ako sa paglakad.
"Sino ba naman kasing matinong tao na taga Muntinlupa ang dadayo dito sa Laguna para magtanong lang ng isang walang ka-kwenta kwentang tanong? Ni hindi ko nga alam kung paano mo nalaman kung saan ako nag-aaral at kung saan ako nakatira."
Huminto ulit ako sa paglakad at tinitigan ko ulit sya.
"Sagutin mo nga ako..."
"...Stalker ka ba? Spy? Sino nagbayad sayo? Magkano binayad sayo para sundan ako?"
"Grabe naman po! Wala naman po ako sa nabanggit! Diba pwedeng... bisita lang?" Sagot nya habang nilalaro laro yung kamay nya.
"Bisita? Ni hindi nga kita kilala eh! Ang sabi mo lang sakin kanina, ikaw si @ilovenickycalderon sa wattpad. Tapos inabangan mo yung paglabas ko sa last subject ko na 7:30pm para lang itanong kung ako si MikoyTee."
Naglakad-lakad ulit ako.
"Nung sagutin ko yung tanong mo, sinabayan mo ko sa paglakad at nagtanong pa ng kung anu-ano. Nasagot ko naman lahat ng kaya kong sagutin. Then pagkadating natin sa gate ng bahay namin, bigla mong sasabihing makikitulog ka samin?"
"Eh diba nga, sabi ko sayo kanina, hindi naman talaga ako pumunta dito para sadyain ka eh... Nagkataon lang naman kasi may binisita kami dito... Eh naiwan nga nila ako diba?"
"Alam mo, if you're trying to make stories, wag mo na lang sabihin sa akin. Dapat ipost mo na lang sa account mo dahil napaghahalataang fiction ang kinukwento mo... May kasama ka pala, tas bigla silang aalis ng di ka kasama? Hindi to movie or something na ganun katang---.... Haaayy naku!" Umupo na ako sa swivel chair sa may study table ko.
"Basta... Bukas, maaga ang pasok ko. Meron pa akong report. Kaya please, wag ka munang maingay, o wag ka munang magtanong tanong kasi marami pa akong kailangang tapusin."
"Aahh... Last na..."
Napapikit na lang ako ng madiin at huminga ng malalim saka ako tumingin sa kanya... Kainis naman! Di ako makapag concentrate!
"San yung CR nyo?" Nakangiwi nyang sabi.
Itinuro ko iyon gamit ang paglingon sa pintuan ng cr ko pero agad ko ring ibinalik yung tingin ko sa kanya. Para malaman nyang naiinis na ko! Hayyyss!!!
Grabe naman! Unang POV ko sa storya na to, badtrip agad ako! Tsk!
Ginawa ko na lang yung usual kong ginagawa pag badtrip ako... Kinuha ko yung picture frame na nasa mesa ko.
Tinitigan ko yun...
Marami nanaman akong naalala...
Mama, konti na lang... Matutupad ko na yung promise ko sayo...
Picture namin ni Mama yun. Eksaktong 7 years old ako nung kunan yung picture na yun dahil birthday ko yun.
Dalawang linggo bago mangyari ang aksidenteng yon.
~~~
PS. Peace tayo @ilovenickycalderon :D
YOU ARE READING
A World Without Strangers [Slow Updates]
Teen Fiction"@TheUnitedQuad: Kilala mo ang ng lahat, pag nandito ka sa Wattpad." A World that accepts everyone... A WORLD WITHOUT STRANGERS.