Chapter 6: Don't Tease Me
Mimi's POV
Magdadalang linggo na akong wala sa puder ni Daddy. It was August 6, Daddy's birthday, when I decided to leave him with his fiancee.
And that also means na magdadalawang linggo na rin akong nakatira kasama ang Manila Killers. Sa loob ng dalawang linggo, masasabi kong wala pa rin akong progress sa gawaing bahay.
I'm doing household chores at the Manila Killers camp. That was the condition of their GM and Coach Berto. They'd only let me stay if I sleep in Nanay Lyds room and do household chores for them! Ginawa akong personal yaya ng team!
But I have no choice. If I wanted to stay in a safe place, I have to retract my claws a little and do what they say.
I remember the night Dylan and his teammates saved me from dying in the streets of Makati. Thank God for my five knights in shining jerseys!
Nanay Lyds was the first person who ran to us when we reached the camp. As soon we jumped off Nathan's car, she was all over me, hovering like a true mother hen!
"Diyos ko, Mimi! Ayos ka lang ba?" salubong sa akin ni Nanay Lyds. Dylan was carrying me and my movements are limited because the only thing that covering me is a jacket. I also cou;dn't respond because my throat was already aching."Inaapoy po siya ng lagnat, Nanay Lyds," Dylan answered her for me.
She waved for us to come inside immediately and they brought me to the nearest couch. I was lying down and Dylan placed a throw pillow underneath my head and he made sure the jacket was covering my private bits."Gusto mo ako na ang magpaliwanag para sa'yo?" he whispered to me.
I nodded. "But don't tell them na naglayas ako, please." I'm sure they will ask who is my father and they will bring me to him tomorrow right away. I know how much of a hardass their Coach and their GM. Tsaka I'm gonna die if they learn that I'm the daughter of Romualdo Ibanez! Baka sila mismo magsumbong ng mga kalokohan ko.
Pumikit na ako matapos niyang tumango.
"Sinabi mo kaninang walang matitirahan si Mimi," narinig kong sabi ng General Manager nila na tinatawag nilang Sir Gardo minsan.
"Yes, sir. Turns out umalis siya sa tinitirahan niya dahil nagka-conflict siya with her uhm, roommates," pagsisinungaling ni Dylan. "Umalis siya sa kanila bigla-bigla, wala man lang siyang perang dala."
"Pero hindi na natin problema iyon. Meron tayong ibang dapat isipin ngayon. Nakakalimutan niyo bang naglalaro kayo sa PBA at kailangan niyong manalo sa lahat ng games niyo?"Shit. Mukhang hindi na siya maaawa sa akin this time.
"Gardo!" narinig kong pagsita ni Nanay Lyds.
"Alam niyong patakaran dito sa training camp na bawal ang babae dito except for your Nanay Lyds. Bawal ang nanay, kamag-anak na babae, kaibigan niyong babae at higit sa lahat, asawa niyo o girlfriends niyo," galit na pagpapaalala pa nito.
"Asawa ni Coach si Nanay Lyds," mabilis na pambabara ni Dylan sa kanya.
"Oo nga! Unfair, kahit na ba sabihin mong nutritionist namin si Nanay Lyds, asawa mo pa rin siya, Coach!" walang takot na pagsabat pa ni JJ. Nandyan pa rin pala siya.
"Pwede namang mag-hire kayo ng lalaking nutritionist at ipalinis niyo itong bahay kapag nasa training kami. Bakit asawa mo pa, Coach?" tanong ni Nathan. "No offense, Nanay Lyds," nahihiyang dagdag pa nito.
"Pinagtutulungan niyo ba ako?"
"May punto sila. Nag-iimplement ka ng rules pero ikaw sa sarili mo hindi mo masunod," narinig kong sabi ni Nanay Lyds. Hala, baka mag-away pa sila dahil sa akin.
Tatayo sana ako nang hinawakan ni Dylan yung ulo ko. Parang alam niyang tatayo ako para pigilan silang magsagutan dahil sa akin. I sighed and just relaxed lying on the couch."At isa pa, I also need help here! Hindi ko na kayang kumilos ng mag-isa dito, hindi biro ang mga inuutos niyo sa akin dito na hindi naman saklaw ng job description ko. It's about time na magdagdag ng tao dito and my vote is Mimi." Shit. Nanay Lyds means business. Walang gustong makasagutan siya.
But her husband, Coach asked her still. "Ano bang gusto mong iparating, Lydia?"
"Pumapayag akong tumira dito si Mimi. Pero sa kondisyong tutulong siya sa gawaing bahay. Yung food and lodging, dapat niyang pagtrabahuhan."
BINABASA MO ANG
The Bastard of Disaster (TMLK#1)
General Fiction1st installment of The Manila Lady-Killers. What will happen when the Spoiled Heiress meets the Bastard of Disaster? Dylan Romero, also known as the notorious bad boy of the hardcourt, never loses his footing when he plays ball. But when he meets...