Unang Kabanata
Noong bata ako, kapag may nakikita akong inaaway..
Feeling ko ay kailangan ko siyang ipagtanggol.
Specifically,
Ayokong may nakikita akong batang babae na umiiyak, dahil binubully o inaaway siya ng mas malaki sa kanya.
---
6 years old ako noon, Grade 1..
Alam kong sa ganoong edad ang isip ng bata ay gusto niya maglaro lang.
Inosente pa tayo sa maraming bagay.
Tulad ng.. Kung ano yung Pag-ibig?
Pero malinaw na sa akin kung alin ang tama at mali.
Dahil sa paulit-ulit akong pinagsasabihan ng mommy at daddy ko.
Maliit na bata lang ako noon, payat,
pero malaki ang adhikain kong tulungan ang mga naaapi. ^___^
Tama ka sa iniisip mo!!
Feeling ko ay superhero ako noon.
Akala ko nga dati ay may ganoong trabaho.
Wala man akong maalalang superhero ng mga panahong iyon,
pero tandang-tanda ko pa kung paano ko ipagtanggol ang isang batang babae.
---
Isang Lunes ng Hunyo,
may ilang araw nadin akong pumapasok..
Sarado pa yung classroom namin, kaya nasa labas lang kami.
Takda:
Gumupit ng mga larawan na nagsisimula sa titik A.
Si Apol, isa siya sa mga classmate ko, pero hindi ko pa siya ka-close noon.
Inilabas ng mga classmate ko yung mga assignment nila at inilabas din ni Apol ang kanya.
Madami siyang larawan na ginupit,
kaya nga lang puro Apple, apat na apple yun at kinulayan niya ng green.
Pinagtawanan nila si Apol..
"Ako may A-so"
"Hahaha Apple lang kay Apol!"
"Mali yung asayament mo kasi kulay green!"
"Hahaha may Apple bang kulay green?"
"Hahaha"
Umiyak siya, yung typical na iyak ng Grade 1.
Saka pinunit niya yung assignment niya.
Nakita ko ang lahat ng nangyari, kung paano nila pinagtawanan at pinaiyak si Apol.
Feeling ko tuloy ay kailangan ko siyang ipagtanggol.
Tutal paubos naman na yung kinakaen kong ice candy!
BINABASA MO ANG
Promises Are Made To Be Broken! (One Shot Tagalog Story) by juanderboy
Teen Fiction"Simula ngayon, ako na ang magtatanggol sayo ha! Sumbong mo sa'kin kung may mang-aaway sayo at humanda sila sa akin."