Chapter 3:
"A friend?" Tanong ko kay Zack na kumukuha ng pagkain sa tray na puno ng pagkain.
"Hmm." Tango niya. "Ayaw mo ba?" Sabay kagat sa burger. Napanguso ako sa nadinig ko. Hindi nalang ako sumagot.
Hindi man lang tumingin sakin. Tss..
"Oh! Oh! I smell something eggsy!" Sabay kaming napatingin ni Zack kay Harvey na nakaturo sa aming dalawa at ang laki ng ngiti.
Shoot!
Binato kasi ni Zack yung crumpled na plastic mula sa burger na kinain niya!
"Hahahaha!" Malakas na tawa ko. Si Zack naman ay nakangisi lang kay Harvey na mukang pinipigilan yung tawa.
"Dude!" Singhal ni Harvey ngunit patawa. "I said, smell something eggsy! Anong masama doon? May egg kasi yung kinakain ko!"
"Whatever, dude." Sabi ni Zack at nakangiwi.
Ang gwapo niya sa part na pagngiwi niya!
"Baka naman matunaw na si Zack niyan, Kate hahahahaha!" Bulong sa'kin ni Harvey!
Ayy shet!
"Tss, natulala lang ako sa upuan e." Dahilan ko dahil sa katabing upuan ni Zack na walang nakaupo.
"Hahahahahahaha, baka naman gusto mo na pinsan ko, ikaw Kate ah!" Bulong niyang muli sa akin!
Tinignan ko muna si Zack na busy sa pagkain habang nakikinig ng music sa ipod niya! Aba buti naman!
"Hindi ko siya gusto!" Sabi ko at pinalo siya sa braso.
"Oy Kate 'wag kang brutal hahahahaha! Pero eto bilang kaibigan mo, sinasabi ko na sa'yo huwag kay Zack." Sabi ni Harvey at tila sumeryoso ang aura.
"H-ha? Bakit naman?" Nacurious kong tanong.
"Masasaktan ka lang.. Ops! Kain na! Malapit na magtime!" Sabi ni Harvey at lumingon na sa pagkain niya.
Ako, masasaktan? 'Pag pinagpatuloy ko ang feelings ko sa kanya? Bakit? Anong meron? Bawal ba 'kong magkagusto kay Zack?
Tila kumirot ang puso ko nang marealized ko na hindi ako magugustuhan ni Zack. Ewan ko kung bakit ko ito biglang naisip.
Nabother ako masyado non. Hindi ko matanggal sa isip ko ang sinabi ni Harvey at tila parang may boses pa din ito habang sinasabi sa isip ko.
"Kate, We've been calling you for so many times.. Eat up.." Sabi ni Zack!
"Kate, 3 minutes na lang magtatime na. Tapos na kami kumain oh?" Sabi ni Harvey at lumapit sa akin.
"A-ah, busog pa kasi ako e. S-sa'yo na lang? Gusto mo?" Sabi ko at kinuha ang bag ko at handa na tumayo.
"Eat it. 'Wag mo ibigay yan kay Harvey. Wala pang laman ang tyan mo. Hindi tayo aalis until you finish your food." Ani Zack.
Dude, the butterflies in my stomach's awake!
Mabilis kong kinain ang burger saka uminom ng tubig.
"I'm done.." Sabi ko.
Nilingon ko si Harvey na may kausap palang babae sa gilid. Si Zack naman ay kakalingon lang sa akin.
"Let's go..." Sabi ni Zack. Pansin ko na kakaunti na lang ang tao sa canteen.
Binilisan ko na ang aking lakad nang marakating na sa aming classroom.
BINABASA MO ANG
Us Versus Hindrances
Non-FictionEvery love story has an hindrance.. Not all love story was perfect. But you know at the end, It's worth it.