CHAPTER 2

38 3 10
                                    

Chapter 2

Nakatunganga ako hanggang sa pag-uwi. Nakastereo kami nila ate kaya hindi tahimik ang aming . Kaso lang puro Kpop naman ang tugtog. Aba? Ewan? Wala naman siyang maintindihan.. Si kuya ay ihahatid si ate Freya sa kanila at magcocommute pag-uwi. Heto si Karl, naglalaro lang nang psp ulet.

"Kateeeeee, let's eat muna kaya? I'm hungry na e. What do you think, Karl?" Sabay sulyap kay Karl na nakafocus pa din sa laro.

"Ask ate Kate. I'm fine. Just do whatever you want. I just want french fries and ummm, a drink.." Sabi ni Karl na ngayon ay humilig sa aking balikat. "Ate Kate, are you okay na ba? Does your fert still hurts?" Tanong niya nang hindi lumilingon sa akin.

"Yes, baby boy. I'm fine.. So... How's your first day?"

Sasagot na sana siya nang iniba ni ate ang tugtog at nagulantang si Karl.. Pati ako..

Boltau----what!?

"Ate Katey! Ano ba yan! Ang ingay naman! Ugh! I died!" Iritableng ani Karl at tumingin na lamang sa labas.

"Hehe! Sorry dears! Nagulat ba kayo? We're here! Ako na lang ang oorder!" Sabi niya at lumabas na.

Lumipat muna ako sa harapan at nilipat ang kanta sa medyo relaxing. Kahit na puro Kpop ang kanta ay, may relaxing pa din naman... Gaya ng... Ano nga ba title neto? Let go ata? Aba ewan. Kay ate ko lang naman nakuha ito. Sumandal ako nang nailipat ko na ang kanta at naghintay.

Si Karl ay tahimik lang at baka umidlip muna.

Nainip ako at luminga-linga muna...

Si Harvey!... At Zack!

Bigla akong napaayos ng upo at tumingin sa salamin at nag-ayos.

"Ate, are you alright?" Biglang salita ni Karl.

Tumango lang ako at nginitian siya. Muli ko namang sinundan ng tingin ang dalawa. May mga kasama silang lalaki. At dalawang babae. Sino kaya 'yon? May girlfriend na ba siya?

Binaba ko ang salamin para mas makita ko sila. Saktong lumingon si Harvey sa akin. Tumingin agad ako sa gilid ko at binuksan ang cellphone ko para kunyari ay may ginagawa ako. Dahil baka mamaya ay paghinalaan niya ako. Nakakahiya kapag nangyari iyon.

Kahit na nakakahiya ay ginawa kong magpicture..

"Ate, can I join?" Ani Karl at lumapit sa akin. Ngumiwi naman siya.. "Ate, wacky.." Sabi niya at nagwacky. Nagwacky din ako at Pinindot ko ang shutter ng dalawang beses. Tumingin ako ng palihim sa kanila. Pagawi na sila dito!

Katabi kasi namin ang hagdanan sa take out ng Mcdo. Paakyat sila! Siguro dito sila kakain? Who knows? Hindi ko namalayan na napatitig ako sa kanila kaya.....

"Oh! Kate! Hello! You're here.. Sinong kasama mo?" Ani Harvey na nakangisi at nakadungaw na ngayon sa bintana.

"A-ahh, si Karl.. Karl, this is kuya Harvey. My classmate, friend.. Harvey, this is Karl my b----." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Harvey..

"Boyfriend mo!? Ang bata. Hehe.." Sabi niya.. Nagsitawanan naman ang mga kasama niya.

"No! He's my lil' brother.." Sabi ko at sumulyap kay Karl na nakatingin lang kay Har--- hindi pala.. Kay Zack pala.

"Hi.." Tipid na ngiting ani Karl at sumandal.

"Hiiiiiii!!!!" Sigaw ni ate! Haist!!

Nandito na pala siya...

"Hi Katey! Oo nga pala, this is Zack.." Sabay turo sa kanyang pinsan.. "This is Lorenz, Simon, Theodore, and Kieffer.. Kaibigan namin ni Zack, pinsan ko.." Sabi niya at ngumiti..

Us Versus HindrancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon