CHRIS
Hanggang ngayon ay nandito parin kami ni Kuya at ni Sue.Kanina pa sila nag ku-kuwentuhan.Naiirita na nga ako na parang ang op ko na dito.Parang wala silang kasama dito na parang sa kanila lang ang mundo?
"Una na ako." Sabi ko sabay alis sa upuan.
Pumunta ako sa pool area kung saan ang fave na pwesto ko kundi ay sa isang sulok na madilim na merong upuan.
Umupo ako dun at nag yosi.Minsan-minsan ko lang to ginagawa.Nag vibrate ang cellphone ko.Baka nanaman text yun ni Faith.Kinukulit nya akong magyaya papunta sa beach na may bagong resort sila.Pero hindi ako pumayag dahil utos ni mom na wag akong aalis dito sa mansion habang kasama ko si Kuya at si Sue.
Nakakainis lang no?parang grounded na ako dito na bawal akong lumabas na parang bata ako.
Bakit ba kase naisipan nilang dito muna tumuloy si Sue?e kaya naman nyang mag isa sa mansion nila?ano nanaman kayang napasok sa pag iisip nila at ganun din ako ay naiwan?samantalang sina Shae, Jessie at Layne nakapag bakasyon sila sa Baguio.Ang free naman nila sa labas.Ang unfair lang naman.
Bigla kong naisipang tumingin muna sa gallery.Tinitignan ko isa-isa ang mga pictures nung ako ay nasa highschool at ngayon ay college. Yung mga picture namin ni Faith. Tapos,picture din namin kasama ko ang mga sira-ulo.Nung grumaduate kami ng 4rth year.Nung manext ko ang susunod na picture,natigilan ako.
Malapad ang magandang ngiti,nakabuhaghag,magulo,maputi,singkit,nakapikit ang isang mata na parang kinikindatan ka.Tapos ako naman ay nakatingin sa kanya.
Miss ko na ang dating Sue Luciano ang nakilala ko.Tahimik,mabait,masaya siyang kasama,tapos naging slave ko siya at siya naman ay fake bf nya ako. Tapos,minsan masungit,pag tuwing nakikita nya si Henry, nanghihina ang mga tuhod nya,tulala,at nasakanya ang attention.
Ang saya lang ibalik sa nakaraan.Pero malabo mangyari yun.Iba na siya ngayon.Maganda,maingay,suplada,iba ang aura,parang nawala ang bait,basta madaming nagbago.
Habang pinapakiramdam ko ang hangin,napansin ko na may dumating.Kaya naman napaayos ako ng upo.Nakatalikod ito.Malapit lang siya kaunti sa akin dahil malapit lang din ako sa pinto.
Kita ko din ang sideview nya.Nakablack T-shirt, tapos parang fitted ang pants nya kaya pagtinitignan mo ito,lumalabas ang kasexy-han nya.All fitted ang suot nya,tapos naging layer na ang buhok nya na hanggang pagitan ng baba sa balikat nya.Dati ay mahaba ang buhok nya naging maikli na ito konti.Basta andaming nagbago sa kanya.Lalo siyang gumanda.Light brown ang color ng hair.
Dinidiscribe ko ba siya?
Well,totoo naman kase.Makapagsalita kaba kung ang nakilala mo dati ay lahat nagbago?
Nakita ko na umupo siya sa sahig ng naka angel seat kaharap ang pool.Kahit nakaside view siya,nakikita ko ang mukha nya kung ano ang emotion nya.Napansin ko namay bandage ito sa kaliwa.Oo nga pala nasa kaliwa ako nakapwesto.Ngayon ko lang na-notice na may sugat pala siya sa braso?ano naman kaya nangyari sa kanya nung nasa hospital siya?....arrggg!oo nga pala,sabi ko pala nun,wala akong pake sa kanya.
Habang minamasdan ko siya,napatingala siya at pumikit para ramdamin ang simoy ng hangin."Kailan ka ba nagbago?"bigla akong na-curious sa sinabi nya.Sino kaya tinutukoy nya?
"Hay,hindi ko alam kung ano magagawa ko.Kainis naman kase si Mama e!bakit ba naman kase ako iniwan dito?gusto ko na ngang mameet ang tatay ko.Parang wala lang ako sa kanila.Gusto ko nang umapak kung san ako bansang iniluwa ni Mom.THIS IS SO UNFAIR!" may iritang pagkasabi nya nun.So?katulad ko din siya kung bakit siya nandito?
"Musta nakaya sina Nanay at tatay?parang gusto kong bisitahin sila sa Molina.Nakakamiss din ang nakaraan ko dun." Ngayun naman may kahalong lungkot.Ganun din ako namiss ko ang lugar nayun nung nag pretend ako na nililigawan ko si Sue noon dahil sa kontrata ko sa kanya at ang pabor nya sa akin.
"Kamusta na din kaya si Henry? Mukhang pagod na siya sa trabaho nya." May trabaho na si Henry? Himala.
bakit di nya ako napansin dito?Kanina pa ako nakikinig kung ano-ano ang pinagsasabi nya dyan sa sarili nya."At kailan kaya tayo magka ayos?"bigla akong natigil sa sinabi nya.Mukhang parang ako na ang tinatanong nya?
"Isang taon na tayo pero hindi pa tayo nag ka ayos.Kahit may galit ako sayo,sana naman mawala yun pero,Hindi ko sure kung mawawala bayun ng kadali?Mahirap kalimutan ang masasakit na natanggap ko pero siguro naman nakalimutan mo yun.Nagbago man ang anyo ko dahil lang yun sa natanggap ko na sobrang nasaktan ako.Hindi parin maalis sa pakiramdam at sa isip.Gusto ko kalimutan pero,hindi madali gawin yun."
That hit me..Kung hindi mo lang din ako niloko,Edi sana hanggang ngayon mag-ka ayos tayo at natuluyang naging tayo pero,nagawa mo na e.Nasaktan mo din ako hindi lang ikaw.
"K-kanina ka pa nandyan?" Bigla ako natigil sa pag iisip.Napatingin ako sa kanya.Nakatayo na siya sa harapan ko.Napansin nya ako dito sa madilim na sulok?
Tinignan ko lang siya.Pero bat nakaramdam ako ng inis at galit tuwing humaharap siya sa akin?
Tumayo ako na parang wala akong nakitang tao.Tapos dire-diretso lang ako papasok.Iniwan ko lang siyang nakatayo.
To be Continued...
Sorry sa short update.Next time hahabaan ko na siya.
Wag nyong kalimutan na mag comment kayo kung ano ang masasabi nyo sa story na ito at i-vote nyo kung nagustuhan nyo ang chapter na ito at share nyo na din ito para may makakabasa na din ito.Thank you and I love you all.

YOU ARE READING
WHO WILL I CHOOSE? -BOOK1
AkčníThe woman is confused as to who she chooses,what she loves or who cares for her? She always worries her mind that she loved one has come, but she cares about not knowing how she feels for her.