Kissing Dating Goodbye

276 15 2
                                    


Synopsis: DJ si Thea na ang segment sa radyo ay magbigay ng relationship advice. Ang mga payo niya ay hango sa libro ni Jade called "Dating Her 101". But in reality, kinasusuklaman ni Thea ang libro dahil sinunod niya iyon religiously once upon a time but nag-fail ang relationship niya. Magsusulat si Thea ng sarili niyang libro called "Kissing Dating Goodbye" countering Jade's book. Thea and Jade will cross paths not knowing na sila ang sumulat ng mag-kontrapelong libro. Macha-challenge ang prinsipyo at paniniwala nila sa isa't-isa.

Genre: RomCom

Status: Tubig pinagbanlawan labo draft - not complete
-------------------------------------------------

Emergency meeting. Naungusan na ng rival station ang radio station nina Thea. Mapagkakasunduang magkaroon ng "relationship advice" program sa gabi. Ma-assign si Thea. Reluctant si Thea pero tatanggapin niya ang offer dahil chance na niya magkaroon ng sariling show.

May bubog si Thea. She's turned bitter and cynical sa pag-ibig dahil paulit-ulit na siyang nasaktan. Her first love cheated on her. Her second love fell out of love from her. All other potential love interests, hindi nagpo-prosper. Lagi siyang mag-isa sa uli. Fan siya ni Jade noon. Jade uses the pen name Zoey V. and is the author of the best selling book "Dating Her 101" Sinunod ni Thea ang tips and advice sa libro ni Jade noon only to find out her relationships will fail. Madi-dissappoint si Thea sa libro at author nito.

Magpapanggap si Thea na "love guru" sa radio program niya, but ang totoo ay galing ang mga payo niya sa libro ni Jade na nahagilap niya sa baul sa bahay niya. Papatok si Thea sa mga listeners. Off-air Thea doesn't believe at all sa mga payong binibigay niya.

Magiging listener ni Thea si Jade. Maiintriga si Jade sa kanya. Mapapansin si Jade na pamilyar ang advice na binibigay ni Thea. Tatawag si Jade sa programa ni Thea asking for love advice. Magiging komplilado ang mga tanong ni Jade. Thea will have to come up with an original answer. Magpa-panic si Thea. Ang mabibigay na sagot ni Thea would be one of her cynical views na contradictory sa nilalaman ng book ni Jade.

Ma-uuso ang self help books dahil sa radio show ni Thea. Sisikat uli ang libro ni Jade. Maiinis si Thea. One, dahil mababawasan ang listeners niya. Two, dahil sukang-suka na siya sa usapang pag-ibig.

Thea will have the bright idea na sumulat ng sarili niyang libro with about her personal experiences to counter Jade's book. She will use a pen name para hindi mabisto ng radio listeners. Papatok ang libro. Matatalo nito ang sales ng libro ni Jade. Maaalarma si Jade.

Thea will be invited to host an event. Mame-meet niya doon si Jade na guest speaker. Maiiwan ni Thea ang ID niya sa CR. Makukuha iyon ni Jade.

Mananawagan si Thea on-air tungkol sa nawawalang ID. Ipapaalam ni Jade na nasa kanya ang ID ni Thea. Magkikita ang dalawa para isauli ang ID.

Thea will treat Jade for dinner para magpasalamat. They will be acquainted.

Thea will invite Jade sa concert dahil may sobrang tickets na give away sa radio station. Jade will decline dahil may date siya sa araw na iyon.

Epic fail ang date ni Jade. Tatawag siya sa programa ni Thea. Makikilala siya ni Thea. I-invite uli ni Thea si Jade sa concert para sumaya ito. Papayag si Jade.

May magpapa-autograph kay Jade sa concert. Malalaman ni Thea na si Jade ay si Zoey V. Magiging awkward si Thea but sobrang ma-eenjoy niya ang company ni Jade.

Lilipas ang araw. Magiging close ang dalawa. They will talk about relationships. Magko-kontrapelo sila but they will agree to disagree. Nevertheless, they will enjoy each other's company.

Mahuhulog si Jade kay Thea. Pipigilan ni Thea ang damdamin niya dahil nadala na siya sa nakaraan.

Bababa and ratings ng segment ni Thea. Maca-cancel ang programa ni Thea. Magbabakasyon si Thea sa  beach para magmuni-muni. Mare-realize ni Thea na wala siyang dapat ikatakot sumubok mamahal uli.

Magtatapat si Thea na mahal niya si Jade. Accidentally, malalaman ni Jade na si Thea ang author ng librong kumukutya sa gawa niya. Iispin ni Jade na ginagamit lang siya ni Thea. Masasaktan si Jade. Lalayo si Jade kay Thea.

Manghihingi ng tawad si Thea ngunit bibigayan niya ng space si Jade to figure out what she wants.

Jade will think na walang pakialam sa kanya si Thea. Thea will think na lalong magagalit sa kanya si Jade kung kukulitin niya ito. Maghihintayan ang dalawa.

Magiging cynical si Jade. Magiging hopeful naman si Thea. Magkakapalit sila ng paniniwala.

Ma-iinvite ang dalawa sa isang book event. A-attend sila pareho. They will act civil. Thea will come clean sa audience na sinulat niya ang libro out of angst. Ipagtatapat niya na lumiwanag ang paniniwala niya mula nang makilala si Jade. Hahanga si Jade sa humility ni Thea. Magtatapat din si Jade na madami siyang mabuting na-discover mula nang makilala si Thea. Mata-touch si Thea. Matatapos ang cold war ng dalawa. Magiging close uli si Thea at Jade.

Magkakaroon ng bagong radio show si Thea. Tatawag si Jade for a song request. Mangingiti si Thea 'cause Jade asked for their song. Mage-gets niyang naiinip na si Jade. Marereveal na first year anniversary na nila as a couple and naghihintay na si Jade sa labas for their date. 

***** I don't know what happens next.


Unfinished Stories (RaStro Fanfic Drafts)Where stories live. Discover now