Naranasan niyo na bang mainggit sa mga kaibigan mo, dahil ikaw napang ang natitirang single? Kung oo...I feel youKasalukuyan kong kasama ang mga kaibigan ko upang kumain sa cafeteria, but then kasama nila ang mga jowa nila so ako, eto tahimik lang na nakain habang pinapanuod ang mga paglalambingan nila
Hayst. Bakit ba wala man lang nanliligaw sakin? Maganda naman daw ako sabi ng mommy ko and ng mga kaibigan ko.
Hayst. Life nga naman...Ang unfair
"Guys. Mauna na ako" I said pero walang pumansin sakin dahil lahat sila ay busy sa pakikipaglandian
Napairap nalang ako at umalis na para magpunta sa school garden.
I grab a book from my bag then I started reading it
It's about a girl who's desperate to have a boyfriend kaya nagkunwari siyang may boyfriend sa harap ng maraming tao. But then at the end nalaman nila na imaginary lang ito.
the girl in the story is just like me. Hayst. Ang ganda rin ng strategy niya na magkaroon ng fake boyfriend sa harap ng maraming tao. Itry ko kaya? Just for fun lang naman
•••
Kinabukasan bago pumasok, kinuha ko muna yung isa ko pang phone at nilagyan yun ng sim card. Gagawin ko ang plano ko about sa imaginary boyfriend. It's just for fun lang naman eh, after ng mga ilang weeks sasabihin ko sakanila na break na kami
"Bes Cristina!" I saw my friends waving at me kaya pumunta na ako sakanila
"Hi girls goodmorning!" I said
"Saan ka pala pumunta nung lunch? Nakita namin na wala ka na"
"Umalis ako. Nagpaalam ako sainyo pero you were all to busy flirting with your boyfriends" sabi ko
They we're busy talking with each other nang maisip kong gawin yung plan ko.
Kinuha ko yung isa kong phone then tinawagan ko yung isa ko pang phone. "Ay hala. Excuse me girls I need to take this call"
lumayo ako ng kunti then I pretend na may kausap ako sa phone. After a minute ay bumalik na ako sa kanila
"Sino yun?" One of my friend ask
"Boyfriend ko" I said
"BOYFRIEND?! May boyfriend ka na?" Tey ask
"Yes kahapon lang naging kami"
"Gosh I'm so proud of you girl! What's his name pala?" Said Nicola, one of my friends
"His name is third" I said
"WAAAAAAAAH WE'RE SO PROUD OF YOUUUUUU"
"Asan pala siya ngayon? Can we meet him?"—Kylene
"Taga ibang school siya eh. And he's busy with his studies" I reasoned out
•••
Sa mga nakaraang linggo ay ganun lang lagi ang ginagawa ko. Tinatawagan at tinetext ko ang sarili ko.
Pero really, I'm getting tired of this. Nakakapagod rin at nagmumukga na akong tanga. Bukas na bukas ay gagawa na ako ng paraan. Hayst
Ng makarating ako sa school ay pumunta muna ako sa cr. Umiyak muna ako dun para magmukhang namamaga yung eyes ko. Ng makuntento na ay lumabas ako at pinuntahan ang mga kaibigan ko
"Wth? Cristina! Anong nangyare at bakit magang maga ang mata mo?!"
"Si T-third...Si third. W-wala na s-siya. P-patay na siya" Sabi ko sabay iyak
Gosh. Buti nalang at magaling ako umacting
"Ano?! Paano nangyari yun?"
"N-nabangga yung s-sinasakyan niyang k-kotse. Wala na siya...W-wala na" I said
Naniwala naman ang mga kaibigan ko and they we're all very sad about sa nangyari. Well hindi naman talaga siya totoo pero sa mga mata ng kaibigan ko ay totoo siya
Hapon na and pauwi na ako ng madaanan ko ang park. Umupo ako sa isa sa mga bench at nagmuni muni ng may marinig akong ingay sa katabi kong bench. Merong lalakeng nakaupo dun habang umiiyak. Umusog ako ng unti para marinig sana ang sinasabi niya
"Third bro...Bakit ka nagpabaya? Bakit mo kami iniwan? Sabi mo gusto mong hanapin yung babaeng laging nasa isip mo. Sabi mo gusto mong hanapin si Cristina. Pero paano mo na siya mahahanap ngayon? Ang tigas rin kasi ng ulo mo eh. Sabi ko sasamahan na kita kaso ayaw mo. Tingnan mo ang nangyari. Nadisgrasya ka. Bakit? Bakit mo kami iniwan"
Nanlaki ang mata ko sa narinig...wth?! This can't be real....
Note: So ayun po! Shout out sa friend kong si Cristina! I'm sorry kung ginamit ko yung name mo at yung name ni ano mo. Yun lang I hope nagustuhan niyo guys. Saranghaeeeeee
YOU ARE READING
[ONE SHOT] Imaginary Boyfriend
FanficWhat if your imaginary boyfriend came to life?