For those wo haven't read, I suggest your read my oneshot entitled "Friends or Lovers?" para po may background kayo about this short story since sequel lang po ito.. Oneshot po yung original story pero magiging short story yung sequel.. and, click niyo lang sa external link para mabasa ang pinakaumpisa ng story :)
Gets niyo ba? haha XD kung may mga katanungan po kayo, feel free to comment or kung nahihiya kayo just send me a message, okay? :)
Enjoy reading! XD
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bakit ba nananakit ng damdamin ang mga tao? Alam naman nila kung ano pakiramdam ng nasasaktan diba? Oo, hindi magandang pakiramdam yun, pero bakit patuloy ang mga tao sa pananakit?
Pwede bang sabihin na hindi sinasadyang makasakit? Para sa akin hindi eh, kasi kahit paano, maiisip mo rin na may masasaktan sa mga desisyon mo. Eh yung mga taong sinadyang maksakit? Bakit ba nila ginagawa yun? Kung sila naman ang sasaktan, di rin naman nila gugustuhin yun diba? Pero bakit patuloy parin sila sa pananakit?
Hayy... ayoko na mag-isip. Ang sakit sa ulo eh. Tsaka past is past. Nakaraan na yun. Nangyari na. Wala na. Tapos na. Di na mababago pa...
Di na mababago pa magpakailanman.
Pero bakit ganito? Paulit-ulit parin sa utak ko yung mga nangyari? Nakakainis na ha, gusto ko na makalimot eh. Aish! Si JR at yung girl na niligawan niya or whatsoever? Ayun, buhay pa naman sa kasamaang palad. Awang awa siguro si Lord kaya ayun, kahit paano eh sila parin...leche!
Uwian na pero ayoko ko pang umuwi. Gusto kong magliwaliw.. maglibang.. o kahit ano para lang hindi ko maisip ang mga bagay na di na dapat iniisip, pero...
wala pala akong kasama 'OTL Ah basta ayoko munang umuwi! Pupunta nalang ako ng park, final na yun. Hahanap nalang ako ng kasama, may mga kaibigan pa naman ako bukod kay ex-bestfriend eh.
Naghanap ako ng kasama pero wala, busy daw sila, yung iba may mga lakad na. Bale, mag-isa ko nalang talaga ngayon... ang lungkot naman. Dapat may kasama ako sa mga ganitong panahon diba? Di bale nalang,
kaya ko naman mag-isa.
**********
Konti lang tao ngayon dito sa park, buti nalang. Wala kasi ako sa mood makipagsiksikan eh.
"Hi miss, pwede makipagkilala?" Bati sa akin ng isang lalaking di ko kilala. Sa totoo lang, wala ako sa mood makipag-usap sa kahit na sino pero wala rin naman ako sa posisyon para magsungit diba? Lalo pa't di ko alam 'tong lugar na to, hindi ito yung park na madalas kong pinupuntahan... bahala na.
"Sorry pero hindi ho ako interesado" Buti nalang umalis siya. Wala ako sa mood makipag-usap sa mga estranghero. Napatingin ako sa direksyon ng lalaki kanina, may mga kasama pala siya. Nakatingin rin sila sa akin at tila tinatawanan yung kumausap sa akin kanina. Sana lang di sila bumalik dito.
BINABASA MO ANG
The Bet: Love or Break [short story]
Teen Fiction[sequel ng Friends or Lovers? as requested] REVENGE... tama bang maghinganti sa taong nakasakit sa iyo? Paano mo naman ipaghihiganti sarili mo? Sasaktan mo rin ba siya gaya ng pananakit niya sa iyo? Kung ganon, wala ka ring pinagkaiba sa kanya diba...