Just A Kiss

370 12 11
                                    

A/N: uunahan ko na kayo... BITIN! haha pagpasensyahan niyo nalang po XD

Comment kayo and vote pleeease?

Dedicated to: KrazyHeart :) dedicated sa kanya kasi naaliw ako sa kanya haha XD nagustuhan niya oneshot ko ^____________^ sorry pala kung natagalan yung sequel ^___^v

Yung kanta jan sa gilid, honestly walang kinalaman sa chapter na to haha pareho lang sila ng title XD tara magsoundtrip! hahahaha

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Papayag ba ako o hindi?

Sabi nila, everyone deserves a second chance pero... hindi pa ako handang magbigay ng pangalawang pagkakataon. Ayoko. Takot ako. Natatakot ako na kapag binigyan ko siya ng isa pang pagkakataon, masasaktan lang ulit ako.

Pero paano na? Ano na ba ang gagawin ko? Naiiyak na talaga ako. Hindi ko na kaya.

Bago pa man pumatak ang luha ko, may narinig akong mga yapak papalapit sa amin

"Uhmm, sorry bro pero may lakad kami ni Mika." narinig kong sabi ni Tristan. Hindi nagsalita agad si JR, hindi ko rin alam kung anong nangyayari. Basta ang alam ko lang, ayokong tumingin kay JR, gusto ko na rin makaalis dito.

"And by the way, ako nga pala si Tristan...

 

...boyfriend ni Mika"

Nagulat ako sa ginawang yon ni Tristan.. hindi ko alam na sasabihin niya iyon. Biglang nag-iba pakiramdam ko, kinakabahan ako sobra. Bakit ako kinakabahan? Ang bilis ng tibok ng puso ko, ang lakas ng pagpintig nito, nakakabingi.

"Importante lang kasi uhhm Tristan. Please? Kahit ngayon lang, saglit lang kami mag-uusap" Hindi ko alam kung anong iniisip ni JR, kung bakit niya ito ginagawa at kung bakit ngayon pa. Sa sinabi niyang iyon, lalong kumirot yung puso ko. Tama na, pwede?

Bago pa man pumatak luha ko, may nagtakip na sa mga mata ko... si Tristan siguro. "Sorry talaga pero makakahintay naman yung sasabihin mo. May importante pa kasi kaming pupuntahan." At pagkasabi niya nun, hinila ako ni Tristan paalis. At doon ko naramdamang pumatak ang mga luha ko.

Lakad lang kami ng lakad, medyo mabilis pa nga kung tutuusin. Pero kahit masyadong mabils ang paglakad ni Tristan, di ko na pinansin. May mga nabangga ata kami kasi naririnig ko si Tristan na nagsosorry pero diretso parin kami sa paglalakad. Hindi ko rin alam kung nasaan na kami, hindi pa kasi niya tinatanggal yung kamay niyang nakatakip sa mga mata ko. Hindi ko rin ito pinilit o sinubukan man lang na tanggalin.

Maya maya tumigil na siya sa paglakad. Gaano na kaya kami kalayo sa school? Nasaan kaya kami? Bago ko pa man ito maitanong kay Tristan, tinanggal niya yung kamay niyang nakatakip sa mga mata ko.

Nanlalabo mata ko, hindi ko maaninag kung nasaan kami. Pinaupo niya ako saka tumabi sa akin. Nasa park pala kami. Alam ko kung anong park ito... dito ako nanggaling nung araw na iyon. Yung araw kung saan narinig ko ang lahat.

The Bet: Love or Break [short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon