Revealing Secrets

281 10 7
                                    

THANK YOU NG MARAMI zZBlackDiamondszZ 

Dear people, I suggest you read her stories also. Dedicated tong chapter na to sa kanya kasi tinulungan niya ko dito haha labsyu xandra! :*

Ayan, sorry sa soooobrang delay, kung bitin, may next chapter pa naman haha i'm experiencing a massive writer's block sorry ^___^v

enjoy reading! sana naman magvote kayo and comment.. it won't hurt naman right? haha isang click lang sa vote oh bwehehe :D

xoxo

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Bakit pakiramdam ko parang my kulang? Parang may nakakalimutan akong gawin... ano naman kaya yun?

May ilang buwan na rin kami ni Tristan bilang magboyfriend at girlfriend. Kung seryoso na ba itong relasyon na ito, siya nalang tanungin niyo, hindi ko rin kasi alam eh. Ayoko namang tanungin si Tristan kasi... parang.. ah basta yun! Nakakasakit sa ulo isipin kung ano yun, di bale, maalala ko rin siguro o mapapansin kung ano man un. Aaminin ko, masaya naman ako. Masayang kasama si Tristan, walang araw na hindi niya ako pinapangiti. Kung sakali man, hindi naman siguro masama kung mainlove ako sa kanya diba? Kaso...

Baka kaibigan lang talaga tingin niya sa akin. Ayoko namang magmahal kung ganun, masakit eh. Tsaka, parang hindi tama... Pakiramdam ko hindi dapat. Gusto kong malaman kung bakit kaso takot ako.

 ~~~~~~~~~~~~~~

"Mika! Pupunta ka ba sa canteen? Sabay na tayo maglunch?" Nasalubong ko si KC sa corridor, simula nung nakilala ko siya, dun ko lang napansin na madalas ko pala siyang nakikita dati. Magkatabi lang kasi rooms namin.

"Uhmm, sigurado ka?" Tanong ko sa kanya, napansin ko kasing tinitignan ako nung mga kaibigan niya. Parang iba yung tingin nila eh. "Oo naman, bakit hindi?" nagtatakang tanong niya, baka naman namalik-mata lang ako kanina? "Ah, wala naman." Nginitian ko nalang siya.

"KC, mauna nalang kami since hindi ka naman pala sasabay sa amin." Biglang sabi nung isa niyang kaibigan. Pakiramdam ko parang ayaw niyang sabayan ako ni KC. "Sure, sabi niyo eh" Nakangiting sagot naman ni KC, sabay harap sa akin. Napataas yung kilay nung nagsalita kanina pero ako lang ata nakakita, parang ang sama ng tingin niya sa akin. "Sure, next time sabihin mo nalang ng maaga kung hindi ka sasabay." Nginitian naman niya kami nung humarap sa kanya si KC.

"Sure, sorry kung biglaan ngayon. Gusto ko kasing kausain si Mika eh" pagkatapos nun ay pumunta na ng canteen yung mga kaibigan niya. Pagkaalis nila, hinila ako ni KC. Patakbo niya akong hinila kaya naman nagulat ako. "KC, bakit tayo tumatakbo?" hingal na hingal kong tanong habang tumatakbo paaykat ng hagdan. "Wala lang naman, trip lang. Dun tayo sa roofdeck para masaya!" natatawang sagot niya.

Grabe, napagod akong tumakbo paakyat. Si KC naman ngingiti-ngiti lang. Ano kayang meron?

"Alam mo, sa totoo lang, ayoko nang kasama yung mga yun. Pag kasama ko kasi sila dapat ganito ka, dapat ganyan. Hindi uso sa kanila ang magpakatotoo. I mean... I need a breath of fresh air" tumawa siya pagkasabi niya nun. Kaya siguro niya ako niyayang sumabay sa kanya. Pero, may hindi ako maintindihan. "Uhmm, kung ganun eh bakit kasa-kasama mo pa rin sila? I mean.. Uhmm.. di ba dapat pag kaibigan mo sila eh mas gugustuhin dapat nila na magpakatotoo ka?"

The Bet: Love or Break [short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon