Like ko?

76 3 0
                                    

"S-so punta tayo?" tanong ko sa kanya habang palabas na kami ng school.

Hindi siya nakasagot kasi may tumawag at parang ansaya-saya niyang kausap ito.

"Ah sige." binaba na niya ung phone "Ay sorry, may lakad pala ako,bye!" umalis na siya. wow lang ha,iniwan niya ako basta-basta. Di man lang niya tinanung kung okay lang na mag-isa ako. Hay. Pero ano ba naman kasi pakialam niya sa akin? Sinaktan ko lang naman siya.

Ang lungkot naman, akala ko masaya ngayon kasi friday at makapaglalaro ako.Then something came to my mind."Hay"

Sino kaya ung imimeet niya? Hala, baka ung Terrence na un.Buti di pa siya nakakalayo kaya nasundan ko siya at andito kami ngayon sa. .  . mall.At confirmed ung lalaking kasama niya nga nung first day ang imimeet niya,ung Terrence.

Sinundan ko sila sa dress shop, department store, at kahit san sila nagpunta.Nagmumuka na akong tanga sa ginagawa ko. Grabe lang. Kung hindi lang kita kaibigan Mira, hindi ko gagawin to.

Bigla silang nawala,huh? san na kaya ung mga un? Pumunta ako kung saan sila kanina. Wala. Tapos.

"Sinusundan mo ba kami?" sabi ng isang babae na kaboses ni Mira. Lumingon ako, si Mira nga. Kasama si Terrence.

"Ah uhmm ah uhm" hindi ako makapagsalita. "H-hindi a, p-punta ako sa playhouse no,baka ikaw-" tumingin ako sa Terrence "kayo ang sumusunod sakin,haha,gusto niyong sumama?"

"Okay lang sa akin" sabi nung Terrence na nakangiti pa.

"No way! tara na nga." sabi kaagad ni Mira tapos hinila na niya si Terrence. Ung mukha ni Terrence parang ansaya.Kinabahan ako.

Mira,hindi mo kilala yang kasama mong yan. Sasaktan ka lang niya at gagamitin.Kahit ganun ang nangyari, sinundan ko parin sila hanggang sa umabot kami sa bahay tapat ng bahay nila.

Lumabas na ng kotse si Mira tapos nagpaalam.Nung nakapasok na siya sa gate nila. Umalis na rin ako.

Pagdating ko sa bahay,dumiretso agad ako sa kama ko. Hindi na ako kumain,nakakatamd, pagod akong nag ala ninja sa mall kakasunod sa kanila.

Habang nakahiga ako naisipan kong iopen ung IG ko, baka nagpost ulet si Julia my girlfriend,pampataganggal ng pagod.

"Ay grabe! sabi nila-" nakita ko ung post ni Marigold. Picture nilang dalawa ni Jefferson sa may park. Loko tong mga to.Magdedate lang pala sa park,nagpalusot pa.

comment

Ah ganun? may mabigat palang kukunin ha?

post. . .

posted.

Nagscroll down pa ako para makita kung may bagong post si Julia. Wala. Kaya pumunta na lang ako sa profile niya.

Grabe ang ganda niya talaga super. Sheyt!

Notification

"Haha sorry Sheremy,nagenjoy ba kayo?" reply ni Marigold sa comment ko kanina

Hindi na ako nagreply kasi may nagpost, 2 seconds ago. Si Mira Bella Amarillo kasama ung Terrence na un with a caption," I enjoyed it, see you again soon" with hashtags #Greattime #luckytohaveyou #thebest

"Nagpost siya kasama-" sheeesh malandi din tong babaeng to. Ano ba ginawa niyang Terrence na yan sa yo huh? Hmmm. grabe lang. kung hindi lang kita kaibigan pababayaan na talaga kita sa kanya.

Tinignan ko kung may iba pang posts na kasama niyang ung lalaking un.

1

. . .

2,3

.

.

.

4 pics na kasama ung lalaking un? at may video pa.

Inopen ko pero mahina ata net ko kaya nireload ko at tinap kung ung play sign.

Biglang nakita ko ung heart sign, sheyt nalike ko na.

"Sheyt!"

Nataranta ako, inunlike ko agad. Sana naman hindi niya nakita un. Online pa naman ata siya. Sheyt talaga.

Kanina pa ako baliktad ng baliktad diti sa kama ko.Iniisip ko parin kung nakita ba niya ung aksidenteng paglike ko sa video nila.Leche!

Me: Dre ano na gagawin ko?

Jefferson: tuloy mo lang yan dre

Hindi na ako nagreply. Gusto ko ng tumigil.Hindi ko kaya. Pero

.

.

.

hindi ko siya kayang pabayaan.

My Double JeopardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon