Throwback:The Story Behind

94 4 0
                                    

Third year kami noon,weeks before vacation. . .

"Ikaw matandang bakla, pati ba naman tong boyfriend ko sinusulot mo?", sabi niya sa daddy niya nung makita niya kaming nag-uusap at nagtatawanan sa sala. "Grabe ka rin no? Ang landi mo"

"Mira,tigilan mo yan" ,awat ko sa kanya. Wala naman talaga kasi kaming ginagawa ng daddy niya.

Patuloy niyang nilait ung daddy niya at wala ng nasabi ung matanda.

"Tama na!", nasigawan ko na siya tapos hinila ko siya palabas ng bahay nila.

"Bitawan mo ako, ano ba!" sigaw niya. "Pati ba naman ung baklang un pinatulan mo? bakit? para ba ipasa -"

Hindi ko na siya pinatapos kasi alam ko na kung ano pinuputok niya, "Ano ba? bakit ka nagkakaganyan? Ganun na ba talaga tingin mo sa akin? Akala ko kilala na kita,hindi pala" galit na galit na sabi ko " Ung baklang sinasabi mo,tatay mo yun Mira.Ang daddy mo yun.Konting respeto naman."

Umiiyak na siya, "So-sorry! "  tapos humagulgol na siya

"Hindi sakin Mira.Sa daddy mo."

"T-tayo . .  . . p-rin naman diba?", tanong niya na parang may sumuntok sa puso ko

"Ha? tapos  "S-sorry" napaupo ako sa semento

"Uhm mmm ?" , mangiyak-ngiyak  siya

"Sorry kung iba ang , k-kung akala mo, look mahal kita pero bilang isang . . . . kaibigan"

"shh, all those days? lahat ng un? dahil kaibigan lang?"pinunasan niya ang mga luha niya,"Ughuhu I hate you!" pumasok na siya sa loob.

Umiyak na rin ako.

"Ang bobo mo Jeremy, bobo!" sabi ko sa sarili ko

Nung mahimasmasan ako, umuwi na rin ako.

Buti na lang Sunday kinabukasan. May time pa ako para magisip-isip. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kagabi.

Jeremy:Dre asan ka? pwede ba tayo usap?

Jefferson: Dito sa bahay. Bakit a?

Jeremy: Basta.

Sinabi kong magmeet kami sa dati naming tambayan bago namin makilala sina Marigold at Mira. Dun sa may bilyaran sa may 456.

"Nakakamiss din pala dito no?", sabi niya na inililibot ang paningin sa paligid.

Tahimik  lang ako.

"Dre ano na? Bakit tayo andito?" usisa niya

Kinuwento ko lahat ng nangyari kagabi. 

"Yan na ung sinasabi ko e, dapat kasi nilinaw mo sa kanya kung ano siya sayo nung una pa". . . "Anong na gagawin mo  ngayon?"

"Hindi ko alam. Bahala na." ,hindi ko talaga alam ang gagawin. Pinapunta ko siya para may mapagsabihan lang ako ng problema ko kasi baka mamaya sumabog na lang ako.

"Pero tanong ko lang, anong meron sa inyo ni sir? sineryoso mo ata ung biruan natin a " loko niyang sabi tapos tumawa

"Gago dre! "binatukan ko siya

"Aray!, biro lang naman."

"Tsk, alam mo di ka nakakatulong"

Teacher namin kasi si Sir Amarillo , daddy ni Mira, sa physics.

Fifteen minutes na wala parin si ma'am Robles. Sana di na siya pumasok. Ang kj naman niya kung magdidiscuss na siya e first day palang ng second sem.

"Haaay", soundtrip muna ako.

" Feeling my way through the darkness

guided by a beating heart

i can't tell where the journey will end

but i know where to start

They tell me I'm too young to understand

They say I'm caught upon dream

well life will pass me by if I don't open up my eyes

Well that's fine by me

So wake me up when it all over

when i'm wiser and older

All this this time i wa-"

Biglang may humugot sa earphone ko.

Pagtaas ko sa ulo ko papunta na siya sa harap.

"Komuconcert ka na pala dre", kantiyaw ni Jefferson sa likod. "So wake me up when it's all over. . ." ulet niya sa lyrics ng pinapangkinggan ko kanina.Pakshet talaga.

Sa lakas ng sounds ko kanina, di ko na namalayan na napapakanta na pala ako.

"Okay,I'll be your new teacher, Mrs. Robles resigned due to personal matters, please just bare with me and we'll be fine", unang sabi niya. "By the way, I'm Mr. Amarillo,I'm fabulous and I know it." pakilala niya sabay nagpose sa harap na nasa photoshoot.

"Bakla naman ata,hihihi"

"Kaanu-ano ni si Mira? "

"Baka daddy niya,haha"

"Paano? e bakla naman si sir.Hahaha"

Pinag-uusapan na siya ng mga kaklase namin sa likod. Mga gago! Mga chismosa.

"and Yes! you're right, Mira Bella Amarillo is my daughter.May problema?j", bilang pagkumpirma sa mga nagbubulungan. "Since today's just the first day of the sem, di muna ako magdidiscuss. Pero please pass one-fourth sheet of paper with your name"

Mas lumakas ung bulungan dahil sa sinabi ni sir pero, dahil excited lahat magbreak, binilisan naming magsulat.

"Okay,you can now have your break.See you tomorrow.",tapos nagpaalam na.

"Dre, surepass na tayo dun", confident na sabi ni Jefferson habang palabas na kami ng room.

"Pano mo naman nasabi un?"

"Kindat lang katapat nun dre, maniwala ka"

"Gago ka talaga, di ako katulad mo a"

Monday,after class namin kay Sir Amarillo

"Jeremy pwede ba tayong ma-usap?

pasensya kana kagabi ha?"

"Sige po, dun na lang po tayo" tinuro ko sa labas ng room kasi baka marinig at makita pa kami ng iba kong  kaklase."Okay lang po un sir! Nag-aalala lang ako kay Mira ngayon,"

"Alam mo kasi ung batang un, andaling madala sa mga lalaki kasi nga siya na ganito ako, sa paglaki niya hindi siya nakakita ng ung tunay na lalaki, ganun", malungkot na sabi niya.

Naiintindihan ko si sir pati rin si Mira. Sinisisi ni Mira ung daddy niya kung baket wala siyang mommy dahil noong bata pa siya,iniwan sila ng kanyang mommy kasi nalaman niyang ang pinakasalan at ama ng anak niya ay isang bakla.

My Double JeopardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon