CHAPTER THREE: Operation: Be Prim and Proper

132 2 1
                                    

Yey! Nakapag update ng two chapters! Yung mga nagbabasa po ng ETERNAL LOVE baka by this weekend ako makapag update o next week na. Exam na eh kaya busy busyhan muna me!

Next time nalang po update dito uli! Enjoy reading po sa inyo! :)

Time skip tayo…

Naka graduate ang kambal. Si Cassy as expected valedictorian ng school nito at si Ricky well pasang awa ang mga grades pero at least naka graduate.

***

RICKY’S POV

Ok so ako nga pala uli si Ricky and Cassy’s here in my room because she said that if I go to hers I’ll just get scolded. Kung siya naman daw ang nasa kwarto ko siguradong wala lang kay mama. Unfair di ba? Pero sanayan nalang yan. Anyway start na daw ng “Operation: Be Prim and Proper”. Leave it to Cassy to come up with this kind of things.

“Ricky that’s not the proper way to walk! Don’t you know na panget ang pag slouch? It’s so unlady like. You should straighten up your body and walk like a ramp model.”

“What? There’s no way I’m walking like that!”

“But Ricky that’s how I walk!”

“See? I told you Cassy I can’t do it. First lesson palang tayo palpak na kaagad ako. Bukod sa physical appearance wala na tayong pagkakamukha.”

“Sige I’ll demonstrate first tapos gawin mo ha?”

Nagsisisi na ako sa naging desisyo ko! Totoo nga ang kasabihang nasa dulo ang pagsisisi. Urghhhh! Sa totoo lang kaya ko naman talagang lumakad ng ganun dahil nakikita ko minsan sa tv ang mga fashion shows na pinapapanood ni mama kay Cassy pag napapadaan ako sa entertainment room papuntang kwarto ko. Hindi ko lang talaga masikmura na lumakad ng ganun with matching swaying of hips.

Ugh! Nakakasuka lang! Mas gugustuhin ko pang makipagbasag ulo nalang.

“So nakita mo na? Gawin mo na dali!”

Nang makita nitong ayaw ko tumayo mula sa sahig ay hinila niya ako hanggang sa mapatayo niya ako. Since di hamak na mas malakas ako kay Cassy eh let’s just say inabot yata kami ng kalahating oras dun. Mula sa pagkaka slouch ay nag straight body ako at naglakad ng gaya ng napapanuod ko sa tv. Habang ginagawa ko ito ay nananalangin na din ako na sana bumilis nalang ang oras ng matapos na ito. Tumigil lang ako sa paglalakad at pag-iikot sa kwarto ng pumalakpak si Cassy.

“Wow! Pwede ka palang model Ricky?”

“Sige mang asar ka pa. Hindi ko na ito itutuloy sige ka.”

“Joke lang naman pero pwera biro ang galing ng performance mo. Medyo may angas pa din ng konti but we can fix that later now I want you to walk like that while wearing this pumps!”

Feeling ko luluwa na ang mga mata ko mula sa eye sockets ko ng makita ang bitbit niyang pumps daw! Naupo ako sa may gilid ng kama at hinayaan si Cassy na isuot sa akin ang high heels. Unti unti akong tumayo at muntikan pa akong matapilok ng ilakad ko ang mga iyon buti nalang nakabalanse agad ako pero hindi ko napigilang magmura.

“Punyeta naman toh o!”

“Ricky ang bibig mo! I don’t swear... scratch that. I do swear but only sometimes so please refrain on swearing kahit konti lang? And put some poise in it?”

Kung sakaling nasa anime show kami baka bigla nalang akong bumagsak sa sahig. Anak ng tipaklong naman akala ko naman babawalin akong magmura yun pala sasabihan lang akong bawasbawasan ang pagmumura at lagyan daw ng poise?!

“Cassy naman may poise man o wala mura pa din yun.”

“Eh bakit ka ba kasi nagmumura?”

“Tinatanong pa bay un? Itong pumps mo na ito saan mo nabili o mas tamang tanungin sino ba ang umimbento nito? Feeling ko mapuputol tong pagkanipis nipis na heels na FOUR inches! FOUR! Papatayin mo yata itong paa ko eh!”

“Masasanay ka din diyan. I seldom wear flat shoes.”

“Hindi ba pwede ko nalang sabihin na palaging nagkakapaltos ang paa ko kaya tinigilan ko an ang pagsusuot ng pumps?”

“Hindi pwede. C’mon may benefit din naman tong pina practice natin. Hindi ka na mahihirapan maglakad kapag nag high heels ka in the future.”

“Never akong magsusuot ng ganito in the future! Mapuputol lang ang mga paa ko dito.”

“Ang dami mo talagang reklamo Ricky di ka ba nauubusan?”

“Kung ikaw man ang nasa sitwasyon ko at sabihan kitang lumakad ng parang siga hindi ka magrereklamo?”

“Of course I will! It’s so unlady like.”

“See what I mean?”

“Ok you proven your point but the longer we take here the longer days or weeks were going to take before you succeed in becoming a temporary me.”

“Oo na gagawin ko na basta kasalan mo pag hindi na ako nakalakad!”

“Yes Ms. Yamato after this naman I’m going to teach you how to pick the right clothing for the day and color combinations na tama.”

Sigurado ako maya maya lang tumitirik na mga mata ko sa kunsumisyon!!!

Wala akong alam sa fashion! Hello I’m a musician! Can’t this f*cking day just end already?!

(Bibilisan ko na po ang pagsusulat ah? Di ko na masyadong idedetalye inaantok na ako eh tsaka tama na yang isang scene na yan hahaha.)

THIRD’S POV

Sa bawat araw na lumipas kung ano ano ang pinapagawa ni Cassy kay Ricky. Mula sa paglalakad, pananamit, table manners, sa pagsasalita and finally sa mukha. Kalahating oras yata silang nag aaway dahil ayaw ipagalaw ni Ricky ang mukha niya kay Cassy pero sa huli wagi si Cassy. Ipinilit ni Cassy ang summer dress nito kay Ricky at nagpunta ng spa at parlor. Pag uwi nila ay agad silang nagtungo sa kwarto ni Ricky. Tumingin silang dalawa sa salamin at halos lumuwa ang mata ni Ricky ng makita nito ang sarili sa salamin.

Note: Wala ang parents nila dito. Nasa vacation house ang mga ito ng time na yan. Hahaha

“Is this really me?”

“Of course. Our lessons are done. We succeeded in our Operation: Be Prim and Proper.”

“Kahit ilang araw mo na yang binabanggit di ko pa rin mapigilan mapangiwi. Only you would come up with something like that.”

“I think it’s cute. Anyway simula ngayon patulugin mo muna si Ricky Yamato. Ikaw na muna ngayon si Cassy Yamato.”

“Yeah I know. Two more weeks before school starts huh?”

“Yup! I can’t wait to go to Australia!”

“Basta Cassy mag iingat ka dun at pasalubong ko ha? Dapat madami at abuso ka!”

“Opo na but thank you. I love you Ricky.”

Hindi na siya pumalag ng yakapin siya nito. Never pang nanghingi ng request ang kapatid niya and she’ll do everything she can so that her sister can have enough freedom to fulfill her dream. She has to erase any trace of Ricky Yamato in her to do that.

I know this will be hard but I need to do this. For my sister…

*** 

Pangit nung dulo noh? Sensya na lutang na isip ko niyan. Wala ako maisip na maganda eh pagtiyagaan niyo nlng hahaha. Babawi nlng me next tym! :)

Miss Prim and Proper or Miss Rock Star Rebel?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon