CHAPTER THIRTY SEVEN: Nasa huli ang pagsisisi...

62 2 0
                                    

Hello people! Hahaha syempre people alangan namang dog? Sensya nakasinghot ng chocolate... ano connect? Hahaha

Funny story: (Kaengotan)

Nagsusulat ako ng pang ch. 39 tapos bigla pumasok sa isip ko na tingnan bigla profile ko sa wattpad. Pagkakita kita ko nasa ch. 36 huli kong update. Napa facepalm ako hahaha

Ulyanin ako eh... akala ko naipost ko na yung kasunod yun pala... napanaginipan ko lang pala yun. Tingnan mo pati sa panaginip ko yung story na ginagawa ko pa din nasa utak hahaha

Ok tama na yang nonsense na yan. Start na! XD

***

RICKY’S POV

Time flies so much… Isang buwan nalang at magpapaalam na ako bilang si Cassy.

I’m going to miss Paula… even Trent and especially Sean.

Mamimiss ko din ang pakikipag iringan kila Chloe at yung may pagka masokista na si Deuce. Seriously hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siya nasapak, nasampal, natadyakan, etc.

Naman o! Bakit ngayon ko pa naisipan magdrama? Alam ko naman na panandalian lang itong pagpanggap ko...

Hindi ko naman kasi alam na makakahanap ako dito ng kaibigan...

Hindi ko inaasahan na mag-eenjoy ako sa pagpapanggap...

Hindi ko inaasahan na maiinlove ako... and what’s worst is he’s my sister’s boyfriend.

Speaking of sister… madalang nalang tumawag si Cassy. Umuwi siya nung Christmas pero habang nasa bahay kami kasama sila papa ay para siyang nasa kawalan.

Pag kaming dalawa naman ang nasa kwarto ni hindi man lang siya nagkwe-kwento. Tipid din ang pagsagot niya sa akin---well minsan ganun talaga siya--- na para bang wala yung kaluluwa niya sa katawan niya.

A day after New Year’s ay bumalik siya sa Australia. Iyon na ang huling pag-uusap namin.

Naisipan ko tuloy na i-overseas call siya pero biglang nag play ang Roar na kinanta ni Katy Perry indicating na may tawag ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang screen.

“Hello?”

[“Hello Cassy…”]

“Sean… bakit ka napa---”

Hindi pa man ako tapos magsalita ay nagsalita na siya at sa sobrang bilis ay hindi ko na halos maunawaan ang pinagsasabi niya and it’s actually kind of amusing dahil ni hindi man lang siya nabulol sa kung ano mang sinabi niya.

Daig pa niya ang hinahabol ng sampung kabayo… “Sean pwedeng pakiulit? And this time slowly? Ala akong naintindihan eh…”

[“Aalis ako kasama si Trent at ang iba ko pang classmate para gumawa ng thesis and then my mom suddenly said that I need to look after my sister. Akala ko naman kung kelan pero nagulat ako at bigla nalang silang parang kabute na sumulpot sa apartment namin and now I need someone to babysit her.”]

“And your telling me this because?” alam kong mukha akong ewan sa tanong ko na iyon kahit na alam ko na ang gusto niyang iparating.

[“Can you babysit Angel for me?”]

I knew he would say that! “Bakit ako?”

Miss Prim and Proper or Miss Rock Star Rebel?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon