Spy
Lorylie's POV
Kasalukuyan akong naghu-hugas ng pinggan ng biglang may nag-doorbell. Tinapos ko muna ang ginagawa ko bago pinag-buksan ang nag-doorbell. Sino kaya yun?
"Oh Ayumi, napadalaw ka?" tanong ko sa kanya tsaka sya pinapasok.
Nandito kami ngayon sa sala at naka-upo lang sya, ni hindi man lang nya sinagot ang tanong ko. Umupo ako sa isang sofa sa harapan nya.
"May kailangan ka?" paunang tanong ko sa kanya.
"May aalokin sana akong trabaho sayo tutal graduate ka na naman at wala ka pang trabaho!" diretsong sagot nya.
"Anong trabaho naman yan?" pagtataka ko.
"Spy" simpleng sagot nya.
Wait, Ano raw? Spy– as in espiha?
"Para saan?" tanong ko habang hindi parin maka-paniwala sa inaalok nya sa aking trabaho.
"Para sa CCD, kamakailan lang ay may na-discover ang mga tauhan namin na ang mga Devils ay bumalik para mag-hasik na naman ng lagim at may pinaghi-hinalaan kaming pamilya na sila ang sumo-suporta sa mga yun at gusto kong pasokin mo ang pamilyang yun para mangalap ng impormasyon!" she explained.
"Pagiisipan ko!" sabi ko sa kanya at umalis naman sya agad dahil may kailangan pa daw syang gawin.
CCD. Commission of Counter Devils. Sila ang tinuturing na bayani ng mundo noong nag-hasik ng lagim sa mundong ito ang mga Devils. Sila ang gumawa ng paraan para talunin ang mga kalaban. Nag-imbento at kung anu-ano pang mga bagay-bagay ang ginawa nila para talunin ang mga iyun.
Mga nag-graduate lang sa Hero Academy ang mga nakakapag-trabaho duon. At isa sa mga graduate doon ang kaibigan kong si Ayumi. Sya yung nag-alok sa akin ng trabaho.
Actually, sabay kaming nag-graduate sa school na yun pero mas pinili kong mamuhay ng tahimik kaysa sa pasokin ang komplekadong trabaho. Plano ko naman na mag-trabaho sa CCD pero kailangan ko munang mag-pahinga pagkatapos kong mag-graduate tutal may pera pa naman ako.
Yung tungkol naman sa kaibigan kung si Ayumi. Gusto rin naman nyang magpahinga muna kaso kinailangan nyang mag-trabaho kasi kailangan nya ng pera para ipagamot ang nanay nya at pag-aralin ang kapatid nya. Gusto kasi ng kapatid nya na sundan ang yapak ng ate nya kaya nag-aaral din ito sa Hero Academy.
Hero Academy ang pinangalan sa naturang school dahil ang school lang na ito ang nagtuturo ng mga bagay-bagay tungkol sa mga armas na kontra sa Devils at technique kung paano sila labanan. Tinuturo rin sa school na ito ang trabaho ng bawat isa sa CCD.
Ang mga Devils ay ang mga nilalang na pinaghi-hinalaang experimento ng isang di nag-tagumpay na sceintist. Maaari daw na isa itong virus na ang mga hayop lang ang nagkakaroon. Meron din namang nag-sabi na nag-mula sila sa ibang mundo pero wala pang nakakapag-patunay nito. Nagka-katawang tao daw ang mga ito kaya malaya silang gawin kung ano man ang gustohin nila. May iilan daw sa kanila ang namuhay na bilang mga normal na tao.
By the way, nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nagmu-muni-muni. Wala akong magawa. Ewan ko kung tatanggapin ko ba ang alok nya o patuloy paring mamumuhay ng tahimik. Na-realize ko rin na kailangan kong mag-trabaho para sa future ko. Kaya napag-desisyonan ko na tanggapin nalang ang alok ni Ayumi.
Agad kong dinail ang number at agad naman nya itong sinagot. Para sa future ko at ng mundo.
"Hello Lory, napatawag ka?" nagtatakang tanong nya sa kabilang linya.
"Tinatanggap ko na ang offer mo!" diretsong sagot ko sa kanya. Kaysa naman sa magpaligoy-ligoy pa ako.
"Sigurado ka?" paninigurado nya.
"Sure na ako!" pag-confirm ko sa kanya.
"Wala nang atrasan 'to!" pagpapa-alala nya.
"Alam ko!"
"Magkita tayo bukas, i-t-text ko sayo ang address" sabay ibinaba ang tawag.
Hindi ko na po-problemahin ang pakikipag-laban tutal mahilig naman ako dun. Sa away. Palagi kasi akong napapa-trouble noong bata pa ako. Natigil lang noong nag-aral na ako sa HA.
Maya-maya pa ay itnext na sa'kin ni Ayumi ang address kung saan kami magkikita. As usual, sa paborito nyang tambayan. Ang cafe. Hay Ayumi, hindi ka parin nagbabago. Mahilig ka parin sa kape.
Klay's POV
"Klay-san!" tawag sa akin ng isang katulong.
"Nani?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Kenny-sama is–" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya dahil kumaripas na ako ng takbo papunta sa kwarto ni Master Kenny.
Pagkarating ko doon ay hindi ko mapigilang maawa kay Master Kenny. Nagwawala sya. Nagulat nalang ako ng isa sa mga galamay nya ang bumulusok papunta sa akin na agad ko namang iniwasan.
"Patawarin nyo po ako sa gagawin ko Kenny-sama!" paghingi ko ng tawad sabay inilabas ang galamay ko at ginamit ko iyun para gapusin sya.
"The inhibitor!" sigaw ko na agad namang naintindihan ng mga katulong at tinurokan ng pampa-kalma si Master Kenny. Agad naman itong tumalab kaya naka-tulog agad si Master Kenny.
fast forward
"Klay, bakit ka nandito?" dahan-dahang tanong sa akin ni Master Kenny pagka-gising nya.
"Linilinisan ko po ang kwarto nyo habang tulog po kayo!" magalang na sagot ko sabay inilagay sa aking dibdib ang ang aking kanang kamay sabay yumuko bilang pagggalang.
"Arigatou gozaimasu, please continue working for this family!" sabi nya na syang dahilan para maluha ako.
"Hai!" I quickly answered.
Lorylie's POV
"Ohayo gozaimas!" sabi ko sa sarili sabay bumangon at ginawa ang morning rituals ko.
Mamaya pa namang 10:00 AM ang pagkikita namin ni Ayumi kaya lilinisin ko muna ang buong bahay.
fast forward
Kasalukuyan akong naa-ayos ng sarili sa harap ng isang malapad at hugis bilog ito. Kitang-kitang sa salamin ang repleksyon ng mukha ko. Ang singkit kong mga mata. Mapupulang mga labi. Pinkish na pisngi. Mahahabang pilik mata. Mahahabang buhok na kulay itim. At ang perfect shape ng ulo ko.
Kung titingnan para akong isang mahina at walang kwentang tao. Mala-inosente man ang pan-labas kong anyo, mala-halimaw naman ang ugali ko. Pero weather-weather lang yun. Nagiging halimaw ako kapag naga-galit. Kaya wag nyo akong galitin ha! Lagot kayo sa akin.
By the way, papalabas na ako ng bahay ko ng biglang may umagaw ng atensyon ko. Tiningnan ko iyun at nilapitan. Pinulot ko ito at kinilatis. Ang ganda nito. Kanino kaya 'to?
_______________________,
Author's note:
Konnichiwa minna-san.
May mga japanese pong linya ang mga character kaya para lang po ang story na'to sa mga otaku katulad ko. Pero kung gugustohin nyo pong malaman ang meaning i-google nyo nalang po. Gommenasai minna-san.
Yung napulot nga po pala ni Lorylie ay isang diamond necklace. Wag pong spoiler ha. Malalaman nyo naman po kung kanino ang kwentas so tiis-tiis lang minna-san at ipag-patuloy ang pagbabasa.