History
Aliza's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Marie habang nagbabakasakaling may makuhang sagot sa mga katanungan sa utak ko. Umalis kasi sila kanina nina Migo, Vince, at Klay para maghanap ng pagkain ni Master Kenny.
Nagulat nalang ako ng umuwi sila na hindi kasama si Vince at sugatan pa si Marie. Ang sabi nila, inambush daw sila ng mga taga-CCD. Wala silang sinabi tungkol kay Vince.
"Hared-sama, gommenasai, It's all my fault!" sabi ni Marie.
Nandito rin kasi si Master Hared ang ama ni Master Kenny at sina Migo, Klay at ang iba ko pang kapwa katulong. Kaming mga katulong ay naka-pwesto lang sa likod.
"Hindi mo kasalanan Marie, kaya wag mo nang sisihin ang sarili mo" sabi naman ni Master Hared.
"Um..Marie-san.....where's Vince?" tanong ko ng makakuha ako ng tamang pagkakataon.
"Gommenasai Aliza–" hindi ko na pina-tapos ang sasabihin nya dahil hindi ko ito kayang marinig. Kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto habang unti-unting nalalaglag ang mga luha mula sa aking mga mata.
Nakarating ako sa paborito naming tambayan ni Vince. Ang garden. Napa-luhod na lamang ako at umiyak ng umiyak. Hindi ko kayang mawala sya sa akin. Ikamamatay ko yun. Parang wala ng kwenta ang buhay ko kapag wala sya.
Minahal ko sya ng higit pa sa buhay ko. He's my everything. Sya palagi ang kumo-kompleto ng araw ko. Nawawala ang pagod ko kapag nakikita ko sya at pakiramdam ko parang akong nasa-langit sa tuwing hinahawakan nya ang kamay ko.
Hindi ko hahayaang masayang lahat ng magagandang ala-ala namin ni Vince. Ililigtas ko sya ng ako lang mag-isa. Hintayin mo ako Vince, paparating na ako.
Kenny's POV
Kasalukuyan akong naka-upo sa sofa habang nag-iisip kung pa-paano ko muling mapapa-saya si Aliza. Dahil sa akin nakuha si Vince ng mga taga-CCD. Habang ako ay nakahiga lamang sa aking malambot na kama ay nagha-hanap ang mga tauhan ko ng pagkain ko.
Wala akong ibang ginawa kundi mag-wala kapag mas nararamdaman ko ang pagka-gutom ko sa mga tao. At kapag napapa-kalma na ay natutulog na lamang habang naghihintay ng pagkain.
"Kenny-sama, ano po ba ang iniisip nyo?" nagtatakang tanong sa akin ni Klay sabay inilapag sa maliit na mesa ang kape na dala nya. "Para sa inyo po!" sabi nya pa.
"It's all my fault Klay, hindi sana nakuha si Vince kung kaya ko lang kontrolin ang sarili ko mula sa pagka-gutom kay Shiro!" pagsisisi ko.
"Hindi Kenny-sama, kasalanan ko, hindi ko dapat hinayaan na malaman ng CCD ang bawat operasyon namin, naging-kompyansa ako, I let my gaurd's down that's why the CCD had figured out about us!" napalingon naman kami ni Klay sa pinagmu-mulan ng boses. It's Marie.
Tumayo ako dahil sa sinabi nya. Hindi nya dapat sinisisi ang sarili nya gayong ako naman ang dahilan kung bakit nila ginagawa ang mga bagay na yun. Ang maghanap ng makakain ko.
"At ngayon, nasa panganib na ang pamilyang ito ng dahil sa kapabayaan ko!" pagpapatuloy pa nya habang naka-yuko.
"Marie, don't blame yourself. Wala sa atin ang may gustong mangyari ito, pero wala na tayong magagawa, nangyari na, nagawa na natin ang mga pagkakamali natin at ngayon ang kailangan nating gawin ay itama ang mga mali nating nagawa!" sabi ko sa kanila.
"Anong gusto nyong gawin namin Kenny-sama?" interesadong tanong ni Klay.
"Alamin kung sino ang spy at patayin ito!"
Stella's POV
Kasalukuyan kong linilinis ang mga litrato ng mga ninuno ng pamilyang ito ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Tiningnan ko kung sino iyun at nakita ko si Wendy na nakangiti habang papalapit sa akin.