Isang Araw

738 21 0
                                    

Alas sais pa lang ng umaga ay gising na ako at nasa loob na ng shower room para maligo.

Napakalamig ngayong araw na to kahit naka full blast na yung heater ng kwarto.

Natapos ako naligo at naka bathrobe na bago ko buksan yung maleta ko.

Kinuha ko yung kulay dark blue ko na button down shirt tapos yung off white ko na woolen sweater, itinabi ko muna habang naghahanap ako ng pantalon.

Nagsuot ako ng itim na denim jeans tapos yung nilabas kong damit kanina.

Nagrrubber shoes na ako nung may kumatok sa pintuan ko. Naglakad ako papunta dun tapos binuksan.

Si Jackque.

Nakasuot ng navy blue na turtle neck, grey na scarf, itim na jeans, sneakers at hawak niya sa kamay niya yung itim niyang trench coat.

Binuksan ko ng malaki yung pinto para papasukin siya.

"Upo ka muna. Kunin ko lang yung scarf ko tsaka coat tapos tara na."

Sabi ko. Sumunod naman siya saakin tapos umupo sa isa sa mga upuan na andun.

Hinablot ko na lang yung itim kong cashmere na scarf tapos yung itim ko ding trench coat tsaka siya nilapita.

" Train to Busan? "

Nakangiting sabi ko sakaniya sabay offer ng kamay ko para alalayan siyang tumayo. Kinuha naman niya yun tapos nakanguting sumagot.

"May zombies ba?"

Biro niya. Binitawan ko yung kamay niya bago tinignan yung relo ko. 7am.

"Wala pa, maaga pa eh. Puyat pa mga yun."

Biro ko na nagreward saakin ng malakas na hampas sa braso.

"Sira!"

Sabi niya sabay lakad palabas ng kwarto. Nakangiti lang akong sumunod sakaniya.

Dalawat kalahating oras ang biyahe mula sa Seoul Central Station hanggang Busan kaya napag desisyunan na lang naming sa tren na kumain ng agahan.

Dumaan na lang kami sa isang convenience store ng makakain.

"Woah. Grabe ang ganda ng tren nila dito. Walang binatbat yung MRT at LRT!"

Manghang manghang sabi ni Jackque habang nakatingin sa bintana ng tren. Nakakatuwa siya, para siyang bata.

"First time mo din ba dito?"

Baling niya saakin ng hindi niya namamalayan na nakahawak na pala siya sa kamay ko. Dala ng excitement.

"Hindi. 3rd time ko na dito sa South Korea. Gusto ko nga next time sa North naman eh."

Natatawang biro ko sakaniya.

"Buti naman. Kasi first time ko, may tour guide na ako."

Biro niya ulit sabay baling ulit ng atensyon niya sa labas ng bintana. Hindi niya pa din inalis yung pagkakahawak sa kamay ko. Tinignan ko yun, napakaputi ng kamay niya, halos makikita mo na yung ugat sa loob.

"Hindi ka ba natatakot? Hindi mo naman ako masyadong kilala."

Sabi ko sakaniya. Hindi niya ako nilingon pero halatang napangiti siya.

"Hindi. Kamukha mo kasi si Ate Vice, kaya parang at ease akong kasama ka."

Sabi niya bago humarap sakin at nagmake face. Maiinis na sana ako pero sobrang cute niya natunaw agad yung inis ko.

"Pano kung manyak pala ako tapos rerape-in kita tapos itatapon ko yung bangkay mo sa dagat?"

Pananakot ko sakanya. Napahagalpak lang siya ng tawa tapos pailing iling na tumingin saakin.

PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon