Kuya Alfie

442 22 4
                                    

Vice's POV

Nagising ako sa marahang tapik sa braso ko kasabay ng pagsakit ng ulo ko. Napasapo ako sa kumikirot kong ulo bago dahan dahang binuksan yung mata ko.

Kinikilala ko yung lugar. Pero hindi ko talaga maalala kung saan ito. Nasa isang silid ako. Maaliwalas sa loob kaya napapikit ulit ako at lalong sumakit ang ulo ko.

"Hang over ba?"

Nagulat ako nung magsalita yung taong kasama ko sa loob ng kwarto. Napatingin ako sakaniya. Si Kuya Alfie. Kunot noo akong napaupo sa kama.

"Kuya Alfie, paano ako napunta dito??"

Tanong ko sakaniya. Napangiti lang siya. Tapos nilibot ng mata ang paligid. Ginaya ko siya at napagpad yung tingin ko sa isang picture frame na nasa ibabaw ng study table.

Si Vin.

"Nasa condo ba tayo ni Vin?"

Tanong ko. Tumango naman siya sabay lakad palapit sa study table at kinuha yung picture frame.

"Pilit kang pinapauwi ng mga kaibigan mo kagabi. Kaso naubos na sila hindi ka pa nila napilit umuwi. Naiwan si.... ewan kung Bong ba.. kasama ka pero talagang ayaw mo umalis kaya sinabi ko na lang na hayaan ka na niya at kami na muna bahala sayo."

Kwento niya habang tinititigan ang mukha ng nakangiting si Vin sa frame. Dahan dahan akong tumayo kasi naalala ko sabi ko kay Jaki sasamahan ko siya sa Antipolo.

Bigla kong naalala na nakipaghiwalay na pala siya saakin.

Biglang parang sinaksak yung dibdib ko at napaupo ako ulit sa kama.

"Nakipaginuman ka pa kay Kiko bago ka tuluyang nawalan ng malay kaya inuwi ka na lang namin dito. Binihisan nga pala kita kasi nagsukahan mo yung suot mong damit."

Sabi ni Kuya Al saakin habang maingat niyang inaayos yung frame sa lamesa.

"Tara na sa labas naghanda ako ng hang over breakfast para sayo."

Sabi niya sabay ngiti. Napatingin ako sakaniya. May kung anong gaan ng pakiramdam akong naramdaman. Parang tunay ko siyang kuya. Nauna siyang lumabas at nagpunta muna ako sa CR para maghilamos at magmumog bago sumunod sa kusina.

Pag pasok ko sa pamilyar na kusina ay nakita ko agad yung mga nasa ibabaw ng lamesa. Eggs, saging, pancakes at kung ano anong klase ng prutas. May tasa din na may laman ng tea sa amoy ko eh ginger tea.

"Upo ka. Kain na."

Sabi ni Kuya Alfie. Umupo naman ako sa tapat niya at kumuha ng pagkain. Tinikaman ko yung ginger tea at nasarapan naman ako.

"Vin, would always prefer ginger tea over peppermint pag may hangover siya."

Sabi ni Kuya Alfie. Tumango lang ako at inubos yung tea. Gumaan naman agad yung pakiramdam ng ulo ko.

"Anyway, bakit mo nga pala ako gustong makausap kagabi?"

Seryosong tanong ni Kuya Alfie saakin. Bumuntong hininga ako at tumingin sakaniya.

"I think ako ang nakakuha ng puso ni Vin."

Sabi ko. Nagsmile siya. Mukhang hindi naman siya nagulat sa sinabi ko.

"I know."

Sabi niya. Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ko. Nung una akala ko okay lang na malaman ko pero ngayon parang hindi ko alam ang gagawin ko.

"Paano....?"

Tanong ko sakaniya. Tumayo muna siya at kumuha ng kape sa dalawang tasa. Binigay niya saakin yung isa.

PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon