Magdamag na naglaro ng MMOBA si Alexander. Napansin niyang halos wala na siyang nakakalaban na players sa Legend Of Heroes Online.
"Sigh! Ano ba yan ang boring na wala ng malalakas na player!" reklamo niya at napahawak sa noo.
Ng may lumabas sa screen ng monitor nito. Naagaw nito ang atensyon niya at binasa.
[You have receive a friend request from Moon Goddess]
"Hm? Moon Goddess... Ano naman kailangan nito?" taka ng binata at inaccept ito.
[Ting!]
[You have a message!]
Ng nakita niya ito ay pinindot niya ang read at binasa ang mensahe.
[Moon Goddess: Do you want to join in our team?]
Nagtipa siya sa keyboard at nagreply sa kaniya.
[Dragon Emperor: No need...]
Si Alexander kasi ay isang pro player ngunit walang totoong nakakakilala sa kaniya. Siya'y walang permanenteng Team at siya'y hinahire kapag may Boss Raid, Dungeon Raid, Team Battle at iba pa.
Duon siya nakilala, binansagan siyang "Master Tactician", "Battle God", at "The Lone Emperor".
Siya ang nangunguna sa ranking sa National at Global Ranking.
[Moon Goddess: Why? Do you... Have a Team already?]
Kilala niya si Moon Goddess sa game, isa siyang sikat at malakas na player. May taglay din siyang kagandahan na di matutumbasan, kagaya nga ng IGN niya isa siyang Goddess.
Myembro siya ng isang Rank 3 Team sa Global Team Ranking, ang Galaxies. Minsan na din na hire si Alexander sa Team na ito, at naging kaclose si Moon Goddess.
[Dragon Emperor: sigh... You know it's not my forte...]
[Moon Goddess: do you play the VRMMOBARPG version of LOHO?]
[Dragon Emperor: Not yet...]
Nagtagal pa ang usapan nila ng mga ilang minuto ng maisipan niya ng maglog out.
"Sigh..."
Tumayo siya at bumaba papuntang kusina.
"Oh nak sakto luto na yung pagkain!" sabi ng kaniyang ina.
Umupo na siya at sabay silang kumain ng kaniyang ina. Natapos ang kanilang hapunan na puro tukso ng kaniyang ina ang naririnig.
...
"Yawn!"
Isang normal na araw naman ang dumating ngunit makikita mo ang excitement sa mukha ni Alexander.
"Nak! May padala ka!"
Ng marinig niya ang mga salitang sinigaw ng kaniyang ina ay mas lalong lumawak ang ngiti sa kaniyang mga labi. Dali dali siyang bumaba ng kaniyang kwarto.
Ng makababa siya ay nakita niya ang box na hawak hawak ng kaniyang ina. Lumapit siya dito at kinuha ng may ngiti sa labi ang nakapaskil sa mukha nito.
"Kanino nanggaling yan nak?" tanong ng kaniyang ina.
"Na panalunan ko sa nilalaro kong game ma." simpleng sagot nito sa ina.
Kita mo ang di mawala walang ngiti nito. At kota mo ang mga kumikinang na mga mata nito. Ngumiti naman ang ginang ng makita ang mukha ng anak.
"Oh sya! Di na kita iistorbuhin at alam kong may gagawin ka pa." saad ng ina at kita ang nakakalokong ngiti.

BINABASA MO ANG
Legend Of Heroes Online
Science FictionSynopsis: In this era where the Online Games are the most popular and professional player is the most demanding job in the world. The Gaming Companies, they improved the games they developed. That is the born of Legend Of Heroes Online or LOHO, the...