Chapter 4

1.5K 37 1
                                    


Chapter 4

NASA likod kami ng bahay nila Jess. Naghanda sila ng mga iihawin at mayroon din silang sinet na bonfire. Kanina lang ay may mga kaibigan si Seth na dumating at inanyayahan sila ni Jess na sumalo sa amin.

Hindi ko na  ulit nakausap si Seth kanina dahil naging busy kami sa pagtapos ng aming project. Inabot kami hanggang hapon dahil gusto naming makasiguro na maganda at maayos ang pagkakagawa namin para makakuha kami ng mataas na marka.

Sila Seth at ang mga kaibigan niya ay umiinom ng beer pati na din 'yong dalawang babae na kaibigan niya ay beer ang iniinom. Kami naman nila Jess ay soda in can lang.

Hindi ko maiwasang mapalingon sa kanila paminsan-minsan lalo na doon sa babaeng parang linta kung dumikit kay Seth. Paano ba naman kasi, magmula nang dumating sila dito ay hindi na siya humihiwalay kay Seth parang ahas ang kanyang braso na nakapulupot sa braso ni Seth.

"Hindi ba natin nakuha 'yong hotdog?" Tanong ni Jess

Nilapitan ni Aaron si Jess "Wala ba diyan?"

"Wala. See?" Aniya nang makita nilang wala ngang hotdog

Tumayo ako "Nasa freezer, di ba?" Tanong ko "Ako na kukuha. I need to use the bathroom anyway."

Gumamit muna ako ng banyo bago kinuha ang hotdog sa freezer. Nadatnan ko si Seth doon na nasa harapan ng ref. Tumigil ako sa counter at hinintay siyang kunin kung ano man ang hinahanap niya sa loob ng ref.

"Hey" bati niya

Hindi ko siya pinansin, nagkunwari akong wala siya doon. Nang makaalis na siya ay binuksan ko ang freezer at hinanap ang hotdog. Hinalungkat ko ang loob nito ngunit wala namang hotdog. Baka naman nakalimutan nilang bumili?

Saktong pag-ikot ko ay nasa likod ko si Seth. Itinukod niya ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ko.

"Padaan" umirap ako

Hindi ko alam kung bakit niya ako nginingisihan. Kung akala niya ay madadala niya ako sa guwapong pagngiti-ngiti niya, puwes nagkakamali siya! Kanina lang busy siya doon sa babae niya at hindi namamansin tapos ngayon lalapitan niya ako?!

"Bingi ka ba?" Naiinis kong tanong

"Oo. Sorry. Nabibingi kasi ako sa tuwing nakikita kita." Inilapit pa niya ang mukha niya sa akin "Kung hindi mo naitatanong, bulag din ako. Nakakabulag kasi ang ganda mo"

"Korni!"

Inis ko siyang tinulak. Halos mag-init na ang buong katawan ko dahil sa pinagsasabi niya. Ang lakas pa ng halakhak niya kaya mas lalong nag-init ang aking mga pisngi.

"Bakit ka ba naiinis sa akin?" Tanong niya "Wala naman akong ginagawa sayo. Dapat nga ako ang magalit sayo dahil sa mga pinagsasabi mo sa akin kagabi."

"Bakit di ka na lang bumalik sa babae mo? Ayoko ng gulo Seth" bumuntong hininga ako "Hindi mo pa naman kayang i-tame yang mga babae mo sa tuwing nagwawala sila. Ayokong masabunutan"

Ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang hapitin niya ako sa kamay at muling isinandal sa ref. He stared at me as if he could see right through me.

"Are you jealous?" He smiled wickedly "Coz if you are, just tell me what to do, babe and I will oblige willingly."

"No. I am not" I answered with a straight face "Bakit naman ako magseselos?"

He shrugged his shoulders "I don't know. You tell me and I will give you all the rights"

"Tigilan mo ako Seth" umirap ako at pilit siyang tinutulak

He sighed heavily "You probably think that I don't deserve you, huh? Well, you're right. I'm an asshole, jerk, son of a bitch, you name it, but I'm willing to change for you. I'm willing to prove to you that I'm serious about you, that I'm not playing with you. The first time I saw you, it's as if you brought the light back into my dark world." He caressed my cheek with his thumb "As if I've finally found a reason to change myself for the best. So, here I am once again begging you to give me a chance"

Till We Meet Again (YLS#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon