Chapter 8

1.3K 33 1
                                    


Chapter 8

"IPAGPAALAM niyo ako" sabi ko kila Jess

Balak nila kasing pumunta sa Ilocos Norte at puntahan ang pinakamagandang resort doon. Sabi nila ay nababagay daw ang pangalan nitong Paraiso dahil malaparaiso daw talaga ang lugar. Sabi ko naman ay baka sa picture lang 'yon maganda. Ang sabi naman ni Jess maganda daw talaga doon dahil nakapunta na sila. Pati si Seth ay sinabing maganda ang lugar na iyon at tinawag pa nga itong Boracay of the North.

"Sige, ipagpapaalam ka namin" sang-ayon ni Alyana "Kaya nga binigyan tayo ng bakasyon para mag-enjoy pagkatapos ng pangi-stress nila sa atin. Lubusin naman nating lumabas habang may time tayo. Isa pa, deserve natin 'to, girl."

Sa totoo lang ay halos araw-araw na nga kaming lumalabas ni Seth kaya hindi naging ang summer ko.

"Paniguradong papayagan ka nila Tita kasi nagtop one ka." Confident na sabi ni Jess "Isa pa, kasama naman natin si Seth."

Pinapasok ko na sila sa loob ng bahay. Sinabihan ako ni Manang na dinner na at nandoon na sina Mommy sa dining room. Inanyayahan ko ang mga kaibigan ko na dito na sa bahay maghapunan.

"Good evening, Tita, Tito" masiglang bati nila Alyana at Jess.

"Good evening" ngumiti si Mommy at Daddy sa kanila

"Kamusta ang bakasyon niyo?" Tanong ni Mommy

"Masaya naman po, Tita" magkasabay na sagot nilang dalawa

"Mukhang masaya din po bakasyon ni Kai" malisyosang komento ni Alyana

"I think so, too" nakangiti din si Mommy "Palagi silang lumalabas ni Seth"

Nakita ko ang pasimpleng pagsiko ni Jess kay Alyana.

"Uhmm, Tita, Tito" hindi alam ni Jess kung ano ang sasabihin "May gusto po sana kaming sabihin"

"Ano 'yon?" Tanong ni Daddy

"Ilang linggo na lang po kasi pasukan na naman at gusto sana naming magkakaibigan na sulutin ang natitirang linggo" malumanay at magalang na sabi ni Jess

"At?" Nagtaas ng kilay si Daddy

"Gusto po sana naming pumunta sa Ilocos Norte. Gusto po sana naming puntahan 'yong sikat na resort doon. 'Yong Paraiso po" dahan-dahang sabi ni Alyana na para bang natatakot na magkamali.

"Alam na ba ng mga magulang niyo ang balak niyong 'yan?" Tanong ni Mommy

"Opo at pinayagan na po nila kami. Si Kai na lang po ang hinihintay namin" sagot ni Jess

"Kai, why didn't you ask us about this?" Dad asked in a monotone "Bakit ang mga kaibigan mo ang nagpapaalam para sayo?"

"Uhm. Baka kasi hindi niyo po ako payagan pag ako lang" tumungo ako

"Sino-sino ba ang mga kasama niyo?" Tanong ni Daddy

"Kami po sanang tatlo, si Seth, si Roy, at si Aaron" sagot ni Jess

Nakapunta na sila Roy at Aaron dito sa bahay namin noong nag group study kami at noong gumawa kami ng project. Minsan ay pumupunta sila dito para lang mag hang out kaya kilala na nila Mommy at Daddy ang mga kaibigan ko.

"Okay" sabi ni Dad bago sumubo

"What?" Lumaki ang mga mata ko "Really, Dad?!"

Ngumiti at tumango si Dad "Kung ako ,papayag ako dahil deserve mo ito at pinagkakatiwalaan kita. Kahit na may manliligaw ka ay hindi ka nagpapabaya sa pag-aaral. Besides, malaki ang tiwala ko kay Seth." Pagkatapos ay tumingin siya kay Mommy "Hindi ko lang alam kung papayag ang Mommy mo"

Till We Meet Again (YLS#1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon