CHAPTER 2:

58 2 0
                                    

TERRENCE’S POV

I am not Keira’s first.

Si Keira ay nabibilang sa mga makabagong babae sa panahon ngayon.

Tinalo niya pa ako, kalalaki kong tao sa edad kong bente ay birhen pa din ako.

Ay mali! Hindi na pala. Kinuha na pala ni Keira ang pagka birhen ko kani-kanina lang.

Natatawa nalang ako sa sarili ko.

Hindi ko alam kung tama ba ito o mali.

Sigurado, pag nalaman ito ng aking butihing ina ay baka itakwil na niya ako.

Pero, wala akong pinagsisisihan sa nangyari.Mahal ko si Keira. Ang girlfriend ko.

Keira is my ALL FIRST.

First Girlfriend.

First Kiss.

First Love.

First.. Sa alam mo na! ^_^

Lahat gagawin ko para sakanya.

Andito nga pala kami nagyon sa Condo niya. Sa loob ng kwarto niya habang nakahiga sa napakalambot niyang kama.

Tulog na tulog pa din ang babaeng pinakamamahal ko. Saglit kong inilipat ang aking tingin sa bedside table upang kunin ang aking salamin at buksan ang lampshade. Sinuot ko iyon at tinitigan ang magandang mukha ng Keira ko.

Haaay. Napaka ganda talaga ng babaeng to. Naalala ko tuloy yung unang beses na makita ko siya.

FLASHBACK..

Naglalakad ako nun sa locker section ng Old Building sa school namin ng biglang mahagip ng aking mga mata ang isang napaka gandang babae.. Bahagya akong natulala at batid kong ako ay napanganga.

Ang buong akala ko ay may isang anghel na bumaba sa lupa upang ako ay sunduin. Kung gayon lamang ang nais ng Diyos na mangyari sa aking buhay ay hindi nako magpapatumpik tumpik pa na sumama sa napakagandang anghel na ito.

Yun lamang ay bigla akong napatigil sa pagiilusyon ng may isang lalaking lumapit sakanya at hinalikan siya sa labi. Hindi lang ito basta halik. Mariin ito at kulang nalang ay hubaran siya.

Gusto ko sanang sabihin sakanila ang mga katagang “GET A ROOM” nung mga oras na iyon. Yun ang madalas kong naririnig sa mga banyagang palabas. Grabe. Ang kaninang anghel ay naging isang GEISHA. Ah ewan ko! Pwede bang ihalintulad yung ginawa niya sa isang Geisha? Teka, ano nga ulit yung Geisha?

 END OF FLASHBACK..

 

Kung ano man yung mga nakita ko nung araw na yun ay hindi naging hadlang para hindi ko magustuhan si Keira. Ewan ko ba, TL ako sa babaeng to. Uso paba sayo yun? Saken oo. Simula noon, lagi ko ng inaabangan si Keira sa school. At kada linggo ay naglalagay ako ng sulat sa locker niya para mapansin niya ako. At dahil nga TL ako sakanya, nagresearch na din ako about sa buhay niya.

Doon ko nalaman na isa pala siyang anak mayaman. Kaya pala sikat na sikat siya sa Unibersidad na pinapasukan namin. Anak siya ni Mr. Ramon Gallentes. Sino bang hindi makakakilala sa taong ito?

Ramon Gallentes is one of the most successful business man in our country. They owned the Gallentes’ Real Estate Corporation.

Nagtataka ka siguro kung bakit ako nakapasok sa Unibersidad na pinapasukan namin ni Keira? Nakapasok ako sa Unibersidad na yon dahil sa scholarship na nakuha ko sa pagiging Valedictorian ko noong High School.

At nagtataka ka din siguro kung saan ako nagaaral? Aha! Sikreto na yun. Baka hanapin mo pa ang Keira ko at agawin mo saken. Kaya wag nalang. HAHAHA. Clue? Ang Unibersidad na pinapasukan namin ay makikita mo lamang sa Maynila. Sa University Belt.

Teka, andami ko ng sinabi pero hindi pa din ako nagpapkilala..

Ako nga pala si Terrencio Sebastian. Short for Terrence. Para medyo cool at akma naman sa henerasyon ngayon. Pero sabi ng aking nanay mas bagay daw ang Terrencio sa pagmumukha ko.

Isa lamang akong simpleng estudyante. Hindi sikat. Hindi mayaman. Hindi gwapo. Pero may abs. KAPAL.

Dalawa nalang kami ng aking nanay Loida sa buhay. Limang taon pa lamang ako ng iwan kami ng aking ama. Mas pinili niya ang una niyang pamilya. Sa madaling sabi, isa akong anak sa labas.

Pero para sa akin, masuwerte pa din ako dahil meron akong isang ina na nagmamahal sa akin at hindi ako kalianman iiwan.

Isang taon nalang at matatapos ko na din ang kurso kong Business Administration. Marami akong pangarap sa buhay. Natupad ko na ang isang pangarap ko sa buhay.. Si Keira.

Hinawakan ko ang pisngi niya at inayos ang iilang hibla ng kanyang buhok na tumatakip sa mala anghel niyang mukha..

OOOPPPSSSS!!!!!

Nagising ko yata siya!

Unti unting gumalaw ang talukap ng mga mata ni Keira. Humiga ako  ng maayos at tinanggal ang kulay itim kong salamin at inilagay muli sa bedside table at dali-daling pinatay ang lampshade.

Hinintay ko ang susunod na gagawin ni Keira.

Whoa! Niyakap ako ni Keira! Ang sarap pala sa pakiramdam na yakap ka ng babaeng dati rati at pinapangarap mo lang..

Unti – unti kong ipinikit ang aking mga mata. Niyakap ko din siya ng sobrang higpit.

Hanggang sa antukin ako at makatulog na may ngiti sa aking mga labi.

Love, Terrence.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon