Chapter 1

2.3K 54 1
                                    


"Shit naman! Napaka arte akala mo naman kung kagusto gusto siya."

---

Hindi ako makasabay sa usapan nila dahil ewan! Hindi ko rin alam. Nakikitawa lang rin ako para hindi mahalata ang nararamdaman kong hindi ko rin alam. Nakikitawa naman na rin si Perseus at nakakasabay na rin sa kalokohan ng barkada. Ang dali niyang pakisamahan, ah? Buti na lang na kahit galing ng ibang bansa ay hindi presko at mayabang.

"Really, you two are bestfriends?" sabi ni Perseus kay Noah.

"Oo. Hindi ko nga alam kung bakit." sinamaan ko ng tingin si Noah.

"Ikaw pa talaga napilitan ah!" sabi ko at inirapan siya. Ganito kami magbiruan and it's our bond, simula pa noon.

"Eh ikaw Selene anong course mo?" si Perseus naman ang nakarap saakin.

Ito nanaman! Tumawa na lang ako kunwari para hindi mahalatang kinakabahan ako. "Multimedia Arts. Nakikita mo iyong chubby na iyon doon" turo ko kay Anikka. "Bestfriend ko rin iyon."

"Ah so matagal na kayo magkakilalang lahat?" tanong niya ulit. May accent pa ng kaunti ang pagsasalita niya. It's cute, though.

Ay jusko! Bakit ako ba kinausap nito pwede namang sila Noah na lang. Busy rin kasi ang lahat sa kanya kanya nilang mga jowa. Ako lang ang walang boyfriend dito o ka-ibigan.

"Ah, oo. Nagkasama kaming lahat sa isang child variety show tapos ayon nagtuloy tuloy na sa Star Circle." kwento ko. Tumangon tango siya.

"So bakit ka lumipat dito sa Manila?" ako naman ang nagtanong. Buti na lang ay hindi ako nautal utal!

"My Mom and Dad are here. Im also planning to enter showbiz here. But I took Business Management, Im also interested in Business." sabi niya at sumimsim sa iced coffee na iniinom niya.

"Oh. Parehas pala tayo." sabi ko. Bumaling naman ako sa mga barkada ko. "Tuloy ba ang basketball mamaya? Dala ko na mga gamit ko."

Ang sumagot ay si Gilbert. "Pass ako. May gagawin kami ni Erika."

"Sus. Lalandi ka nanaman." pang aasar ko. "Eh, kayo?" tanong ko sa ibang mga boys.

Lahat sila nagpass. "Mga talkshit kayo ah!"

"Ako. I'm available later." tumingin lahat kay Perseus.

Halos marinig ko na ang crickets dahil nakatingin lang sila saaming dalawa.

"Why are you guys surprised?" tumawa si Perseus. "I am also playing basketball."

Napa "Ah" sila. Halata naman sa height niya, imposibleng hindi narecruit ito sa school nila. Ako lang ang hindi kasi hindi ko alam kung maglalaro pa ako. Kakakilala lang namin tapos biglang ganoon? Teka nga, bakit ko ba bini-big deal eh part na rin naman siya sa barkada. I'm getting weird. Sure na.

"Sige. G ako." sabi ko at tumayo na. "Tara na Anikka, malapit na ang dance subject natin."

Nagpaalam na kami sa barkada at nauna na di ko na rin nilingon si Perseus na nakangiti saakin. Bakit ba ang weird ng nararamdaman ko? Siya lang naman iyon.

Sure Thing (Moved to Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon