"Sa tingin mo I didn't reflect on this? God knows how I suppressed this for a long time!"
---
"Ay putek!" sigaw ko pagkababa ko sa basement ng condominium building na tinutuluyan ko. Perseus is standing in front of me. Halata na matagal na siya roon. Naalala ko ulit ang sinabi niya. Kumunot ang noo ko at lumapit lalo sakanya para sana sapakin siya. Ngunit napigilan niya ako dahil sinalubong niya ang kamao ko. At nagawa pa niyang ngumiti!
"Hoy Perseus Antonius! Nag drunk call ka ba kagabi?!" gigil na sabi ko. He chuckled.
"Hindi. I told you I'm serious about it!" Napansin ko na nakatingin saamin ang iilan. Nginitian ko naman sila dahil nawala ako sa sarili ko at nakalimutang nasa public place kami.
Hinila ko si Perseus. "Nasaan ang kotse mo?"
Huminto siya sandali at tinanggal ang kamay kong nakahawak sakanya tapos ako naman ang hinila. Kapal ng mukha hindi ba?! Pinatunog niya ang isang itim na kotse na hindi naman kalayuan sa entrance ng building. Akmang bubuksan ko na ang shot gun seat ay inunahan niya na ako at siya ang nagbukas nito para saakin. Natameme naman ako at agad na lamang pumasok na sa loob para hindi niya mahalata ang pagka- asiwa ko sa ginawa niya.
Never my enter life I have someone who will do this kind of move for me. Gaya nga nang sinabi ko, brusko ang galawan ko kung kaya't hindi ako tinuring na prinsesa ng mga barkada ko. Pumihit kaagad si Perseus para makapasok sa driver's seat. Nilakasan ko ang aircon bago magsalita dahil mainit sa pakiramdam
"So Perseus, ano iyong kalokohan mo kagabi? At hindi ba sinabi ko saiyo huwag mo na akong sunduin!" Hindi niya ako pinansin at ini-start na ang makina.
"Selene, seryoso nga ako roon!" sabi niya at nagsimula nang magdrive.
Umiling iling ako at sumandal sa upuan. "Hindi eh, imposible! Kakakilala pa lang natin!"
"Matagal na kitang kilala!" pagtatanggol niya sa sarili. "You know my Mom right? Si Beatrice Laxa- de Ayala? I already had a crush on you since we were a kid! See? I know you already for fourteen years!"
Nalaglag ang panga ko sa inamin ni Perseus. Pero imposible pa rin iyon!
"You're impossible!" Napa english tuloy ako!
"It is possible, Sel! Kaya nga I asked you last night if you do believe in love at first sight!" Humigpit ang hawak niya sa manibela ng sasakyan niya. "I don't know why. I just found myself after I watched you in SCQ, the following day I keep asking you to my Mom. Masaklap nga dahil hindi pa uso ang social media noon kaya around 2012, I tried to find you. Gladly, you had shows. Naging kuntento na ako roon."
Umiwas ako ng tingin. Iba't ibang bagay na ang pumapasok sa isip ko. How could he? I mean, we were so young back then, to feel what he is feeling right now is unbelievable.
"I know what you are thinking right now. Hindi ka naniniwala." Nilingon ko siya at pilit na magsalita pero wala akong mahanap na tamang salita para doon.
"N-nagulat lang ako. It's so sudden, Perseus." I tried to maintain my voice cool.
Huminga siya ng malalim. "I know. I just want to be straight- forward. Hindi naman kita minamadali."
Niliko niya ang sasakyan sa isang kanto. Hindi pamilyar saakin ang daan pero hindi na rin ako nagsalita dahil wala akong alam na sasabihin. My mind is still in awe and mess. Yup, fourteen years na ako sa showbiz at ganoon na rin daw katagal ang nararamdaman niyang pagkagusto pero imposible pa rin. He's a good- looking guy. For sure he will get girls and divert his attention. Idagdag pa na, nagpunta ito sa ibang bansa. For sure, maraming magaganda doon.
BINABASA MO ANG
Sure Thing (Moved to Dreame)
FanfictionFor Selene Agueda Cruz family, career and friendship matters. 14 years na siyang nasa industriya ng Show Business sa Pilipinas. She's been loved and adored by many. Love is not that catchy for her, sa paniniwalang bata pa siya at marami pa siyang ka...