..................
Napasandal si Elixir sa kanyang upuan at mariin napapikit. He's not thinking clearly. He's distracted. And it's because of the woman. He followed his plan to a T. He was wrong, hindi ito agad agad sumuko dahil nakatagal pa ito ng dalawang lingo sa kumpanya niya. Two weeks! Dalawang linggo na nitong ginugulo ang sistema niya. And he can't do anything about it. The woman is doing good. Competent. More than competent. Hindi niya iyon inaasahan. Nakakasabay ito sa lahat ng demand niya. At hindi niya ito nariringgan ng reklamo. Well so far... Kung tutuusin ay maiksi lang ang dalawang lingo pero sa pakiramdam niya ay napakatagal na.
The woman is distracting as hell without even trying to. Lahat ay napapansin niya sa dalaga. Lalo siyang nababaliw sa mga suot nito araw araw. Ilang beses na niya itong napagsabihan sa suot. Lagi lang siyang nitong tinataas ng isang perpektong kilay kapag pinagsasabihan niya bago sundin ang utos niya. She followed orders wordlessly. And for some reason, mas kinaaiinis niya iyon. Pakiramdam niyo natalo siya.
Irrational, yes.Not that there's anything wrong with her clothes. Hindi naman pampokpok. She just looks good in everything. In dress, in pants, in turtle necks, in blacks, in grays or even in browns. Elixir gave up. Katulad na lang kanina, nakasuot ito ng itim na damit na umabot hanggang tuhod nito. It was supposed to be a demure, formal attire dress, close-necked with long sleeves covering her entire arms. But it fit her body perfectly. Not too tight fitting, just perfect. She partnered it with very high red Louboutin stiletto. Matched that with red lipstick. Should be illegal. It was another torture to Elixir. And he had better things to do than ogle his assistant.
Like now.
"Is there anything else sir?" tanong nito sa kanya matapos ilapag ipinatimpla niyang kape sa kanyang mesa.
"No, you can go now." Pilit ang pagngiti niya.
When she turned back, the pencil style skirt showing the sexy sway of her hips as she walk. Down, boy. He silently berate himself.
Hindi naman talaga dapat ito ang nagtitimpla sa kanya ng kape. It was usually Ella's job. Pero dahil gusto niya itong pahirapan ay ito lagi ang inuutusan niya simula ng unang ara nito. And he likes her coffee too. He likes it very much. Sigurado siyang ito mismo ang ngtitimpla nito. Ella's coffee tasted differently. As well as Luca's. Cassandra did magic in his coffee. Mukhang my diploma ito sa pagiging barista.
He was busy mulling over that, stacks of papers lay on his desk untouch, when the door opened again.
His mouth turned down. He's not ready for another distraction.
"Go away Baltimore. Wala akong oras sayo." asik niya sa kaibigang bagong dating.
"Wow. Ramdam na ramdam ko na welcome ako dito. Thanks ha" sarkastiko sabi ni Andreus na lumapit sa kanya. Andreus Baltimore, one of his long time and admittedly trustworthy friend. Kahit madalas ang sarap patayin. Like now.
"I thought I took the wrong turn pagpasok ko kanina. Kung hindi ko pa nakita sa labas ang mukha ni Luca na nagmana sayo ay malamang bumalik ako sa elevator. Bat may pa-flowers ka na sa opisina mo? At pink ung kurtina mo sa labas, naglantad ka na ba?". Umupo ito sa harap niya at ininum ang kape niya. "Sarap nitooo ah. Sino nagtimpla malamang hindi si Ella, pangit ng kape nun eh, black coffee na nga lang di pa pinatawad, mas mapait pa sa ampalaya."
Humahanga siya sa dami ng topic na naisisingit nito sa bawat sentence na lumalabas sa bibig nito. Ilang beses niya na itong ipina-blacklist sa kompanya niya pero nakakalusot itong puntahan siya kung kailan nito gusto. Money works. Dahil mukha nasusulsulan nito ang mga gwardya niya sa baba. Hindi niya naman sinisesante ang mga ito dahil baka siya na mismo ang maubusan ng makukuhaang gwardya sa dalas ng pagdalaw sa kanya ng kaibigan. Mabuti nga iyon at mabawas bawasan ang yaman nito. Palagi kasi itong pumupunta sa opisina niya na parang walang sariling kumpanyang pinapatakbo. Pag nalugi ang business nito ay hinding hindi niya ito papautangin.
"Ba't ka nandito? Nakita mong nagtatrabaho ako."
"Wala ka namang ginagawa ah. Nakatulala ka lang naman pagpasok ko. Tingnan mo nga tong mga papeles mo dito. Halatang di nagalaw." Pinitik nito and stack ng papeles na nasa harapan niya.
"Busy ako. Nagpapahinga lang ako saglit. Kaya lumayas ka na."
"Di mo man lang ba ako tatanong kung bakit ako nandito?"
"Hindi. Dahil sigurado akong walang kwenta yun."
"Ouch. Sadista ka talaga. Namiss lang naman kita. Isang buwan kang ding MIA sa Pinas. Ba't di mo man lang ako tinawagan? Di ka naman sumasagot sa mga tawag ko. Kahit text di mo pinapansin. Nag email din ako sayo pero di mo din pinansin!" Hinanakit nito.
"Ano kita girlfriend ko? At isang linggo lang akong nawala hindi isang buwan . Si Elric ang kamustahin mo dahil iyon ang tatlong buwan ng di nagpaparamdam iyon."
"Bakit girlfriends lang ba ang pwedeng tawagan? Biased ka." Hindi nakaligtas sa kanya ang plural term nitong ginamit. Girlfriends. Babaero kasi. "Saka kausap ko lang si Elric kagabi. Lagi kaming nagtetext. Ikaw lang tong isnabero." Istorbo talaga. Si Elric and isa pa nilang matalik na kaibigan, na aminado siyang mas matino sa kanya. Kaya siguro nagagawang pagbigyan nito si Dreu.
"Ang ganda ng wallclock mo sa labas ah. Akin na lang"
Ang tinutukoy nitong orasan ay pagmamari ng magaling niyang assistant. Nakasabit ito sa may labas ng opisina niya at kitang kita ng mga papasok. Carbon copy ng orasan ng mga Weasley sa Harry Potter. Iba nga lang ang mga nakasulat katulad ng 'Lumos' na nakatapat sa 8:00, 'Great Hall' na naka-caps lock at nakatapat sa 12:00 at 'Dobby is free' na nakatapat ng 5:00. Meron ding 'chocolate frog' na nakalagay sa pang 10:00 at 'Butterbeer' ng 3:00. Sigurado si Elixir na mauuna itong mananakaw kaysa sa gold speckled Parker pen niya. Madami pa namang naglipanang kampon ni Harry Potter sa mundo. Katulad ng kaibigan niya.
It's 2:00 o'clock. Paniguradong nakatapat sa 'Potions' ang oras. Hindi pa pala siya na-nanghalian. At tuluyan na siyang nawalan ng mood magtrabaho sa pagdating ng istorbo.
"Fine. Let's go out. Ella! Prepare my things. I'm leaving." Tawag niya gamit Ang intercom.
"Ha? Baket tayo lalabas? Di naman kita niyayaya ah. Uy, balita ko umalis na ang assistant mong si Marco. Umalis ng di mo sinesesante, bakit? Sino ngayon ang bago mong assistant? Di ko nakita sa labas." Sinasabi na nga ba niya. Uso din ang lalaking tsismoso. Like Andreus. Malamang nasa pantry si Cassandra matapos niyang utusang pagtimplahin ng kape. Mabuti na din dahil sa ganda nito, hindi ito palalampasin ng kaibigan.
"Ella!" tawagan niya ulit sa assistant. Where the heck are his keys?
"Anong bulaklak to?" tanong ulit ng kaibigan.
"Santan." Sagot niya. "Wag mong hawakan. Mamatay yan."
Maski siya ay hindi alam ang halaman na nakadisplay sa gilid ng conference table niya. Pero sigurado siyang hindi ito santan. Courtesy of who-else-would-even-dare? Its on a sleek flower vase na bumagay sa disenyo ng kwarto. The flower itself is a mixture of white and baby blue. Mukha itong exotic at bihirang makita sa bansa. Pero sinigurado niyang hindi itong galing sa pera ng kumpanya. He's not stingy, but flowers are not on his priority.
Where the hell are his keys?
Narining niya ang pagbukas ng pinto inaakalang si Ella iyon pero ang maganda mukha ni Cassandra ang kanyang nakita. Shit.
"Ella's not here Sir. Pinababa nyo sa accounting. Hindi pa po nakakabalik. I can do it instead" Napasulyap siya sa kaibigang animong natulala. Bahagyang nakanganga.
Marahas siyang napabaling muli sa dalaga. "Call Luca."
One shapely eyebrow arch in question. "You asked Luca to attend a meeting for you at the Milton Hotel an hour ago." Shit. Oo nga pala. Masyado siyang ditracted kanina at si Luca na ang pina-aattend niya sa dapat na ala-una niyang meeting. Where the fuck- oh there it is, his car keys. Natabunan na ng mga libro sa side table niya.
" I can-,"
"No." Putol niya sa sasabihin nito habang nililigpit ang dala dalang leather briefcase. "I'm leaving. Just make sure to finish the reports I requested from you. Send it to my email by five today and a hard copy should be on my table by tomorrow morning." There all set.
"Well... well ... well... hello there..." For the nth time in the past 30 minutes, Elixir silently cursed. Shit!
BINABASA MO ANG
His EA wears Prada
RomanceBreaking news: Who: Cassandra Catalina Amanda Saavedra Romano and Elixir Delmar What: Sole princess of Romano Group of Companies, Cassandra Saavedra Romano, is now officially working. Scoop: Delmar Tech owner, business tycoon Elixir Delmar, went b...