The Sweetest Revenge (One Shot)
“Liam, iniwan na niya ako” sabi ko habang umiiyak. Si Josh, ang boyfriend ko, 1 year din ang aming relasyon, at hindi ko alam kung bakit nakipaghiwalay niya sa akin, dahil maayos naman kami, at wala akong nakitang mali sa amin.
“Buti nga at nauntog na sia” sabi ni Liam habang tumatawa.Jerk
“I hate youuu!!!” I said at pinagbabato ko siya ng unan. Pero dahil magaling siyang umilag never siyang natamaan.
“Biro lang Jas, tahan na.”pagkakalma niya sa akin. “Mabuti nga at tapos na kayo, mawawala na rin siya sa buhay mo. At babalik na ang Jasmine Nicole Fernandez at last!” sabi niya habang nakataas pa ang kamay niya. Totoo ang sinabi niya, mula ng makilala ko ang lalaking iyon, madalas na akong magcutting sa klase na hindi ko naman gawain dati. MInsan pa nga, nagpasundo ako kay Liam pag ginagabi ako dahil sa kalasingan,at pinagalitan niya ako dahil kung hindi daw siya maagang nakarating baka daw nagtake advantage na sa akin si Josh.
“Akala ko mahal niya ako Liam, bakit ganon? Nagawa parin niya akong iwan sa kabila ng ginawa ko para sa kanya. Bakit?” Tanong ko habang hindi parin siya tumitigil sa pagiyak. “Liam, wag kang gagawa ng kung ano sa kanya, kilala kita. Promise mo Liam wag mo siya paghihingantihan” tumitig ako sa mata niya kahit namumula na ang mga ito dahil sa kakaiyak.
“Hindi ko gagawin sa kanya yun” He said and I hugged me. “Move on Jas, maraming naghihintay sayo,sa iyong muling pagbabalik” biro niya at tinapik niya ako sa likod at nakangiti na. “You’re more beautiful when you smile, so keep smiling Jas” and I hugged him again.
“Nako, si Jas at Josh naghiwalay na daw”
“May pagkakataon na akong magpapansin kay Josh”
“Huwag mo silang pansinin Jas, wala lang sila magawa sa buhay.” Sabi niya sa akin habang papasok kami sa school.
“Jassss!” biglang tawag ni Cassy sa akin, seatmate and friend ko. “Wala na daw kayo ni Josh?” tanong nito.
“So, nabalitaan mo na rin pala. Oo Cassy, ganoon talaga. May nawawala may bagong dadating” ngiti kong tugon.
“Nakamove ka na talaga? Gulat na tanong ni Cassy. Tinignan ko si Liam at pangisi ngisi lang siya. At tumango na lang ako kay Cassy bilang tugon at umalis na kami dahil malalate na kami.
“Don’t cry na Jass” sabi ni Liam sa akin. Lagi siyang nandiyan para sa akin at sobrang thankful ako.
“Yep!” ngiti kong tugon at nagpaalam na kami sa isa’t isa. Hindi kasi kami magkaklase. Sinalubong agad ako ng mga kaklase kong tsismosa. Pati ba naman kayo? Bulong ko sa sarili ko.
“May third party ba Jas?”
“Ba’t mo pinakawalan?”
“Akin na siya Jas ha”
“Wala third party na involve, kagustuhan namin ang nagyari, siguro hanggang doon na lang talaga ang relasyon namin kaya I let him go. And yeah sayo na siya” sunod sunod na sagot ko sa mga tanong nila.
“Ang dali mong nakamove on ha. Meaning may bago na?” tanong uli ng isa.
“Kasi balita ko Jas, nagkabalikan sila Josh at ng ex-gf niya” tugon ng isa
“Yeah It’s just that madali naming natanggap break up naming, and yes may bago na ako” pagsisinungaling ko. Nakamove on na pala yung Josh na yun, ang kapal talaga! Inis ko sa sarili ko.
“Sino naman?” sabay sabay nilang tanong.
“Si Liam” sabi ko na nkachin up. Lord, sorry po. Nagulat silang lahat sa pag-amin ko. Mabuti na lang at dumating na ang teacher namin kaya hindi na sila nagusisa. But, I’m sure kukulitin parin nila ako after breaktime. Haaay ano ba etong pinasok mo Jasmine!
BINABASA MO ANG
The Sweetest Revenge (One Shot)
Novela JuvenilSi Jasmine, nagmahal pero sinaktan at iniwan. Naisip niyang para makaganti, nagkunwari silang may "relasyon" ni Liam, ang bestfriend niya. Pero ano ang gagawin ni Jasmine, kung siya mismo naiinlove na kay Liam? Handa kaya si Liam na saluhin siya?