Hi, guys! This is my new story. San po suportahan niyo.
Enjoy reading!!!
-----
Sa mga gustong basahin ito ng may music play lang po ang video. Pa subscribe na lang din po sa channel ko. Thank guys!
"PAU, hindi raw makakarating si Mitos dahil nagkaroon daw ng emergency sa bahay nila, ano'ng gagawin ko?" kinakabahang salubong ni Saiki sa kanyang kaibigan na katatapos lang magperform sa stage kasama ang mga estudyante nito. Ang grupo na kasi niya ang susunod ngunit wala pa ang kanyang kapareha.
"Kumalma ka nga! Nakalimutan mo na bang professional ka? Yakang-yaka mo namang itawid yan kahit wala si Mitos, eh."
Ballroom dance kasi ang itinuro niya sa kanyang mga estudyante kaya naman kailangan niya ng kapareha. Ngunit paano niya iyon gagawin kung hindi ito makakarating? Buong buhay niya ngayon lang siya kinabahan ng sobra.
Recital nila ngayon at kailangan nilang mag-perform kasama ang kanilang mga estudyante. Ang recital o mini concert kasi ay isang programa para sa mga nais madagdagan ang kaalaman sa musika at higit sa lahat upang masanay na magperform sa harap ng maraming tao.
Gradute siya sa isang performing arts school kaya naman iyon ang napili niyang trabaho. Nagtatrabaho siya bilang instructor sa Shinning Star Studio o SSS. Hindi niya kasi hilig ang business na siyang ipinipilit sa kanya ng ama.
Bukod kasi sa pagsasayaw, nakahiligan na rin niya ang pagkanta at pagtugtog ng iba't ibang klase ng mga instrumento na namana niya pa sa kanyang ina na siyang naging mentor niya. Nakapagperform na siya hindi lamang sa bansa kundi pati na rin sa labas ng bansa.
"Sa una't sa huli ka lang naman sasabay sa kanila kaya huwag mo nang i-stress ang sarili mo." Napakagat siya sa kanyang hinlalaki na naging manerism niya na rin saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga bago umakyat sa entablado matapos tawagin ang kanyang pangalan.
UMAKYAT siyang mag-isa sa madilim na stage na tanging spot light lamang ang nagbibigay liwanag sa bawat galaw niya. Cha-Cha ang napili niyang tutugin dahil mas feel niya iyong sayawin.
Nagsayaw siya nang mag-umpisa na ang tugtugin kahit pa doble-doble na ang kabog ng kanyang dibdib. Masaya siyang sumasabay sa musika habang nakangiti nang bigla na lamang may mga kamay na pumulupot sa kanyang bewang. Muntik na niya itong itulak sa gulat nang mapagtanto niyang sumasabay ito sa pag-indak niya na ipinagtataka niya ng sobra.
Hanggang sa namalayan na lamang niya na ginagawa na pala nila kung ano ang ininsayo nilang sayaw ni Mitos.
Kaya naman kunot noong tinitigan niya ito nang magkaharap na sila ng tuluyan habang sabay pa ring sumasayaw.
"Sino ka?" Hindi niya napigilang tanong nang medyo nagkalapit ang kanilang mga katawan ngunit wala siyang natanggap na tugon mula rito. Hindi niya alam kung narinig ba nito ang sinabi niya o hindi.
Hindi niya maaninag ang buong mukha nito dahil sa maskara nitong hugis number 7 kung saan ang kanang pisngi at mga mata lang nito ang hubad. Sigurado siyang hindi si Mitos iyon dahil masyadong matangkad ang kasayaw niya ngayon.
Nakakabaliw ang natural na amoy nito na naghahatid ng kakaibang pakiramdam sa kanya lalo na nang dumapo ang kamay nito sa hubad niyang likod. May kakaibang kiliti na hatid iyon sa kanyang kabuuan.

BINABASA MO ANG
Heat of Passion [R-18]
RomanceHINDI lubos maisip ni Saiki kung bakit mayroong gustong kumitil sa kanyang buhay. Hindi rin niya alam kung may kinalaman din ba sa pagkamatay ng kanyang mga magulang ang gustong pumatay sa kanya. Dala ng trahediyang iyon naiwan siya sa pangangalaga...