CHAPTER TWO

2.4K 40 16
                                        

Hi guys! Hindi man nareach ang 20 votes, may 16 reads and 4 reads naman kaya naka-20 pa rin.

So here's the 2nd update

PS: i would like to thank mystic_mai for the cover....

Thank you sis and this chapter is dedicated to you!!!!

--------

Sa mga gustong basahin ito ng may music play lang po ang video. Pa subscribe na lang din po sa channel ko. Thank guys!

"YES, 'Ma?" walang ganang sagot ni Qpid sa ina nang sagutin niya ang tawag nito. Alam niya kasi kung saan na naman tutungo ang magiging usapan nila.

"Bakit hindi mo sinipot si Hope, huh? Pinaghintay mo sa wala iyong tao, nakakahiya!" bulyaw nito dahilan para ilayo niya sa kanyang tainga ang kanyang cellphone.

"Sinabi ko naman na po sa inyo dati pa na ayokong nirereto niyo ako kung kani-kanino." Alam niyang malapit na mawala sa kalendaryo ang edad niya pero hindi naman niya maatim ang mga nirereto sa kanya ng kanyang ina.

Hindi naman siya pintaserong tao pero hindi niya maiwasang mangutiya sa tuwing nakakaharap niya ang mga babaeng pilit pinagtutulakan ng kanyang ina sa kanya.

Kung hindi maitim, dapa ang ilong, kung hindi maarte, matigyawat. Minsan naman kung anong kinaganda, kinapangit naman ng ugali. Iyong mukhang malinis pero may dala-dala namang pasabog sa kili-kili't bibig.

Napapailing na lang tuloy siya sa tuwing naaalala niya ang mga araw na iyon. At hindi na niya hahayaan na madagdagan pa ang kakaibang karanasan niyang iyon.

"At kailan mo balak mag-asawa, huh? Kapag menopose ka na?" Napahawak siya sa kanyang sintido.

"Ma, hindi ako babae para mag-menopos."

"Kahit na! Hihintayin mo pa bang ma-expired 'yang egg cell mo bago ka mag-asawa? Aba! Gusto ko pang makita ang apo ko sa tuhod!"

Hinilot niya ang kumikirot na niyang ulo. "Kumalma ka nga, 'Ma. Saka wala kaming expiration."

Wala pa kasi siyang matinong tulog dahil sa mga report na ginagawa niya idagdag pa ang sermon ng kanyang ina.

"Kahit na! Hindi kita pinangalanang Kupido para tumandang binata!"

"Ma—"

"Ah, basta! Ire-reshedule ko ang date ninyo ni Ho—"

"I'm busy," putol niya sa ina.

"Isa pa iyang trabaho mo! Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin ang offer ng daddy mo para hindi ako nag-aalala sa tuwing may misyon ka!"

Nais na kasing isalin sa kanya ng ama ang kanilang kompaniya na ilang beses na rin niyang tinanggihan. Mayroon pa kasi siyang misyon na hindi pa nareresulba kahit hindi na iyon parte ng kanyang trabaho, kaya hangga't hindi niya naaayos iyon ay hindi siya aalis sa sinumpaan niyang trabaho.

"Sinabi ko naman na po sa inyo na last na 'to kaya hayaan niyo na ako. Kapag natapos ko naman ang misyon ko ako na mismo ang lalapit sa inyo."

"Ano'ng last? Nakakailang last ka na sa akin, Kupido, huh?"

"Ma, promise, last na talaga 'to."

Narinig niyang bumuntong hininga ang ina. "Pagbibigyan kita ngayon sa kagustuhan mo basta tuloy ang date niyo ni Hope, maliwanag? Ayokong mapahiya ulit."

Heat of Passion [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon