IKAW 04

23 1 0
                                    


IKAW 04

Hindi ko maiwasan ang isipin ang mga titig mong iyon sa akin. Iyong emosyon na ipinakita mo sa akin.

Naramdaman ko ang lungkot mo nang bumaling ang iyong tingin sa akin noong araw na iyon.

Hindi naman sa masyado akong assumera ngunit naramdaman ko ang emosyong iyon, na tila ba'y nasasakta ka sa nakita mo, na nasasaktan ka na may kaasaran akong iba.

Kahit na anong isip kong wala lang iyon, ngunit ikaw mismo ang nagbibigay ng dahilan upang maisip ko na meron. Na mayroong halaga ang presensiya ko sa iyo.

Kinabukasan ay tila bangag ako, marami akong naiisip na hindi naman talaga kailangan. Ikaw iyong laman ng isipan, hindi ko talaga maintindihan. Hindi ko na maiwasan ang mga nangyayari...

Iyong mga titig mo, ang pakikitungo mo sa akin. Iyong bawat paglapit mo sa akin upang magkaroon ng mumunting pag-uusap na siyang iniiwasan.

Ikaw na ang naging laman ng aking isip. Bakit nga ba ikaw ang naiisip ko ni hindi naman dapat ikaw ang inaalala ko.

Ngunit sa bawat araw na dumadaan, habang ako'y binibigyan mo ng kaunting pansin ay naguguluhan ako. Kung iisipin ang lahat ng ito ay parang hindi naman malaking bagay ngunit iyon ang iniisip ko dahil nararamdaman kong mayroon kang ibang nadarama.

Base sa ibang ipinapakita mo ay taliwas sa sinasabi ng iyong mga mata. Minsan kasi ay inaasar mo ako lalo na kapag ako nalang ang mag-isa ay nagkakaroon ka ng lakas ng loob na lumapit, ngunit ako'y umiiwas... Umiiwas sa posibilidad na maaaring maging katulad ako ng ibang babae na... may gusto sa iyo.

Na baka mahulog ako't hindi mo masalo.

Na baka itong mga hula ko ay hindi tugma sa totoo mong dahilan. Na hindi tumugma sa tunay mong layunin kaya ganoon ka...

Naupo ako sa upuan nang makarating ako ng ating silid. Nakalimutan kong magka-row lang pala tayo at ang upuan mo ay isang upuan lang ang layo mula sa akin. May taong naka-upo sa pagitan nating dalawa na tila ba'y tutol sa pagtatabi natin.

Nag-anunsiyo ang ating guro na sagutan ang iilang katanungan sa ating libro kaya nagging abala tayo sa pagsagot.

Kinausap mo iyong babae na katabi mo-iyong nasa gitna nating dalawa. Tinanong mo sa kanya kung ano ang sasagutan doon na para bang hindi ka nakinig kanina. Sinagot ka naman niya sa mahinang boses tsaka nagpatuloy sa paggawa.

Hindi na muli ako lumingon sa iyo at itinuon nalanga ng atensyon sa ginagawa.

Iilang minuto pa ang nagdaan na katahimikan ng napahinto ako sa pagsusulat nang marinig ang mahina mong pagkanta.

"Somebody told me that you don't want me no more, no..."

Narinig ko mula sa iyo. Mahina at marahan ang pagbigkas mo ng bawat salita. Dinadama ang bawat salitang ipinahihiwatig ng kantang iyon. Natawa ang katabi kong babae sa pagkanta mo ng malungkot na kantang iyon.

Iyon pa pala, ang boses mong maganda at malumanay. Iyon pa pala ang isang bagay na nakalimutan kong mayroon ka. Ang napakaganda mong boses na nakakapagpatunaw ng aking puso.

Nakikisabay na iyong katabi natin sa pagkanta mo ng mahina na dinig na dinig ko. Hindi ako makalingon sa takot na maaaring may makita akong emosyon mula sa iyong mga mata.

"Somebody told me you're unhappy but it doesn't show..."

Gusto ko mang lumingon sa iyo ngunit hindi ko magawa. Nararamdaman ko ang lungkot sa iyong boses, na parang gusting-gusto mong maglabas ng sama ng loob. Sana ay makayanan ko iyon, makayanan kong making sa hinanaing mo. Sana ay maintindihan na kita.

IKAW(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon