Napansin kong naka titig lang siya sa akin... at oo tama ang kutob niyo... si Allysa na nga yun.
Ang ganda niya... nagagandahan talaga ako sa kanya nung unang kita ko palang sa ospital, at bilib ako sa katangahan nya dahil kung hindi namin sya naaksidente , di ko sya makikilala. Hindi ko siya napansin na dumating dahil panay ang kwentuhan namin nila Zack.
Allysa's POV :
First day of school, oh yeah !! so much exzoyyyted...
Papunta na ako sa room namin, at syempre mamemeet ko nanaman ang mga baliw kong classmates ! oo magkaklase parin kami dahil nasa Special class kami . hahah!
Pagpasok ko palang sa room nakita ko agad ang mga amiga ko ! naku naman talaga walang kupas ang kagandahan namin ! boom panes ! xD apat kami na mag bff sa room.
meet my amiga's :
Shila Ferrer - ang bruha
Rona Mendez - ang cute at sweet
Trixy Rafols - ang mayaman at mabait
at syempre ako... Allysa Perreras - ang pinaka maganda daw sa aming apat.
Pagkakita ko sa tatlo... may pinaguusapan sila at may tinitignan.
" Hoy !! ano na naman yang ini- ispatan nyo dyan ? ha? "
" oy! Allysa here you are, medyo late ka ata... " - Rona
" hoy... nakikita mo yun. yung lalaki na kausap nila Peter. Bago lang siya .. haha .. tranferee ata " - Shila
" ahhh..oo.. si.."
" Kilala mo... ???!! " - Trixy
" Ah,, hindi eh.. "
Omg .o_0 tama ba itong nakikita ko o namamalik mata lang, baka naman namatay na ako sa aksidente at guni- guni ko lang tong lahat... siya yung lalaki sa ospital yung anak ni doktora. ! O_0
tok !
" Aray ! "
" Ano bang ini- isip mo diyan, kilala mo ba yan o nagkita na ba kayo !? " - Shila
" Hindi nga sabi"
At nagchikahan lang kami ng nag chikahan... pero shocked parin ako sa nakita ko... sino kaya siya basta ang alam ko Santos yung apilyedo niya..
---------------------------
Zack's POV :
Ibang klase din tong si Havier, medyo tahimik pero ayos lang kasi sumasagot naman. Laro lang siya ng laro sa cellphone niya.
Ito namang si Peter lang magawa kundi pagtripan ako... hahay... !
Napag- alaman namin ni Peter na from America pala tong si Havier ... talagang ibang klase, bigtime.
At sa itsura niya... parang napakayaman niya talaga. Pero halos lahat talaga ng andito sa school namin mayayaman talaga.
Sa bagay iba talaga ang HBA kung ikukumpara sa ibang school.
--------------
Havier's POV :
Pagkatapos kong e introduce ang sarili ko na halos si Mrs. Reyes na ang nag sabi ng sasabihin ko.
Umupo na ako sa upuan ko, nasa likuran ako nila Zack at Peter. Pero ito si maam daig pa ang kidlat... may seat plan agad??? langya . -_-
" ok class please stand up and sa gilid muna kayo. "
Nagtawag na si maam isa-isa hanggang sa natapos.
At ... lahat ng mga babae nasa harapan. Kasi halos lahat kaming mga lalaki dun matatangkad kaya sa likuran kami nila. May apat na rows, at nasa ikatlong row kami nila Zack at Peter at.... nasa harapan ko mismo si Allysa. Hindi ko akalain na magtatagpo kami dito. langya .
Nagsimula na sa lesson proper si maam... tyanga pala , mapeh teacher namin siya at syempre ano pa ba pinambungad agad ang health sa klase niya. Wala namang binatbat ang lessons dito sa Pilipinas kesa sa America , sobrang advanced kasi dun... -_* boring..
Halos mapuno na ni maam ang black board, grabe mag lesson si maam ah... pero ako naglalaro lang ako ng games sa cp ko, at sinusulyapan ko lang ang board para malaman ko kung ano na ang pinag-uusapan. Sus ang dali- dali lng naman eh masyado ata seryoso tong mga kaklase ko grabe bawat detalye, take down notes? langya. di ako sanay jan. Ginagawa ko lang yan pag kailangan.
" Hoy ano kaba , bat ka naglalaro ng games sa cp mo?? " pabulong na sabi ni Peter.
" Bakit , bawal ba?"
" Hindi naman , pero ayaw mo bang makinig?? "
" Tsss . wag mag alala.. ayos lang ako. "
Ng biglang ...
" Oww ! ...Mr. Santos ! bakit ka naglalaro ng games sa cp mo, during may class ? " - taas ng energy
" Ah sorry po maam "
napayuko nalang ako. nakakahiya pinagtinginan nila ako lahat.
" Ok , therefore class ! get 1/4 sheet of paper ... and number it 1 - 20. move ! "
Lahat nag react sa sinabi ni maam pero wala silang magawa.
" Sabi ko naman sayo eh... " - Peter
" Ayos lang ako .. "
" Ikaw talaga Havier , first day palang ... nagka quiz agad tayo... "- Zack
Ngumiti lang ako at tiningnan ang board...
" Ok got it .. " bulong sa sarili.
------
Natapos na ang quiz ni maam , hindi naman ganun kahaba... medyo madali lang naman.
" ok let me announce the scores "
Marami ang nakakuha ng 15 below pero hindi ko pa naririnig ang pangalan ko.
" Havier Santos.......... hmmmm... 20."
Gulat ang lahat nung pagsabi ni maam na perfect ang score ko.langya... ilang beses na akong pinagtitinginan ah .
" May isa pang naka perfect.. Ms. Allysa Perreras... congrats sa inyo.
Ok good bye everyone !! "
" Goodbye and thank you maam! " - all
Ang taas talaga ng energy ni maam..Pagkatapos may narinig akong mga bulungan.
" Grabe siya , kahit hindi nakikinig na perfect niya parin ang quiz ... wow"
" naku sa umpisa lang porket gwapo at mayaman"
" hoy di niyo lang ba naisip, galing America yan, malamang advanced ang mga lessons dun noh "
" oo nga naman "
--------
Wala nalang akong kibo sa mga nangyari... pinagpatuloy ko nalang ang paglalaro ng games sa cp ko.
Gusto kong pansinin si Allysa pero ayoko. Isisikreto ko nalang na kilala ko siya. Pero walang sekretong di nabubunyag .. langya naman oh.
Natapos ang first day ko sa school na isang cool lang. Masaya na ako na may bago akong mga kaibigan.
Kahit hot topic ako ng ibang tao ayos lang... baka hot lang siguro masyado ang dating ko ngayong araw.
-------------------------------------
END OF CHAPTER # 4
BINABASA MO ANG
"MY ACCIDENTAL GIRLFRIEND"
Teen FictionIt deals with life's journey wherein you can find the true essence of reality , destiny , and love... A story of a young boy who is taking steps to be a man. Because for him , having a very steady life seems to be boring, he wants to explore and e...