SAVED BY CHAPTER # 5

9 1 0
                                    

  First week ko na dito sa HBA. Langya naman ... halos sabi nung ibang kaklase ko ang weird ko daw, pero bilib daw sila sa katalinuhan ko.

Balita yun nina Zack at Peter sa akin.

Wala rin akong pakialam kahit anong sabihin nila .

  ..Recess..

  Pumunta kami nila Peter sa cafeteria ng school... ang laki ng cafeteria nila at masasarap pa ang mga pagkain. Parang mabubusog talaga ako dito. Sila Zack at Pete bumili ng burger at iced tea... at ako naman bumili na all time favorite ko , Potato fries , bumili ako ng lima nito ang sarap kasi eh. At bumili narin ako ng ice tea.

   " Ui Pete...  ano yang ginagawa mo ??? O_o "

  " May pagtitripan ako "

* Bumili ng dalawang iced tea si Pete , nagtaka nga kami ni Zack kung bakit siya bumili ng dalawa... yun pala may pagtitripan lang siya, at hindi lang yan nanghingi rin siya ng toyo at suka... tapos sila hindi nagulat na limang potato fries ang binili ko ? langya. -_- nasanay nadaw sila... kasi first week ko palng wala na daw akong ibang kinain sa recess kundi potato fries... tss. Balik tayo kay Pete. Nilagyan lang naman niya ng maraming  toyo ang iced tea at pati suka di pinatawad , ibang klase naman talaga tong si Pete.  Kung sino man ang makakainom nun.. siguradong mababadtrip !

" Sigurado ka ba diyan Pete.? " - Zack

" hehehe ! ayos to bro , wala tong palpak ! "

" Ikaw talaga ... " sabay batok ko sa kanya.

Nilagay ni Pete ang iced tea sa isang table dun sa cafeteria. At may card pa itong nakadikit di ko nga lang nakita yung nakalagay kasi nawili ako sa kakakain ko ng potato fries at kakalaro sa cellphone ko.

...Maya-maya...

" Andiyan na sila " - Pete.

Napatingin ako kung saan nakatingin si Pete . Nakita ko si Allysa at ang mga barkada niya. Langya baka si Allysa ang pagtitripan nitong si Pete, agad kong tinanong si Pete.

" Hoy Pete sino bang pag titripan mo sa kanila ?! "  medyo pasigaw kong sabi.

" Sino pa ba , edi yung pinakamaganda sa kanila ... si Allysa Perreras... matagal ko na yang nililigawan kaso sa huli babastedin lang pala ako. Sobrang badtrip ko nun , kaya ngayon gusto kong mabadtrip din siya. ! "

Agad akong tumayo at naglakad ng mabilis papunta sa table nila ...

" Hoy san ka pupunta ! " - Zack at Pete.

Nabasa na nga ni Allysa yung card at nung nalaman niya na para sa kanya yung iced tea kinilig naman ang mokong , pati yung mga kaibigan niya kinikilig din. Ng akmang iinumin na niya , at nakangiti pa talaga siya ha.

... Slow- mo ...

Dahan - dahan niyang tinapat ang plastic na baso sa bibig niya at akmang iinumin na niya ito . Ng dumaan ako sa tapat niya at dahan dahang tumama ang siko ko sa baso.

... End of Slow - mo...

* Bogshh *

Tumilapon ang baso sa sahig at napasigaw sila. Dirediretso lang ako sa paglalakad at tinakpan ko nalang ang mukha ko ng potato fries na bitbit ko kasi yun na kasi ang sumagi sa isip para di nila ako mamukhaan at mabilis na akong lumabas ng cafeteria.

Peter's POV :

" Ano bang ginagawa niya ! sinira niya ang plano ko... Havier naman "

Narinig ko nalang na sumigaw si Shila...

" Walang 'yang lalake yun ah !!! , tinuruan ba siya ng magandang asal !!! " 

Dahil sa lakas ng sigaw niya pinagtinginan siya ng ibang studyante dun sa caf... Pero nagtataka parin ako sa ginawa ni Havier.

Rona's POV:

Huminahon ka nga Shila ... , pingtitinginan na tayo, oh..

Ibang klase rin yung lalaking yun ah.. hindi lang man nag sorry. Sino ba siya sa akala niya . Buti nalang at hindi namin siya namukhaan kundi inupakan nayun ni Shila.

Allysa's POV :

Tumahimik nga kayo !!!

*Nakita kong gulat na gulat sila, nung sumigaw ako. Wag nga kayong magsalita ng kung ano ano ! wala siyang kasalanan ...

" Paanong wala eh kitang kita naman kung anong ginawa niya sayo , sinadya niya yun , halatang halata ! " - Shila

Oo nga sinadya niya yun ! kasi kahit natapon ang iced tea ... natalsikan ako ng kaunti sa bibig ko at lasang toyo na may suka ang iced tea na yun, siguro may balak na masama ang naglagay nun dito mismo sa table natin at siguro matagal na niya tayong minamanmanan kasi pati table natin kabisado na niya. Kung sino man yung sumagi sa akin , niligtas lang niya ako.

O_o

o_O

o_o

  

Yan lang naman ang pinakita nilang reaksyon sa akin... at umalis narin kami kaagad sa caf. kasi medyo nagskandalo na kami masyado...

Pero sino kaya yung lalaking yun... at nagtakip pa talaga siya ng junkfood sa mukha niya, para di namin siya mamukhaan. Sa pagkakaalam namin , sabi kasi ni Trixy potato fries daw yung tinakip niya sa mukha niya.

hmmmm...

sino kaya yang Mr. Potato na yan.

Havier's POV :

Langya naman kasi tong si Pete ( Peter ) eh...  Bat pa kasi sa lahat pa ng pagtitripan si Allysa pa. Salamat kay potato fries at naitago niya ang identity ko... badtrip naman eh , eh kasi naman may dalawa pang  potato fries na naiwan sa table namin. At hindi ko nainom yung iced tea ko. Sayang naman.

Dumiretso nalang ako kaagad sa room at inantay sina Zack at Pete. Nilagay ko kaagad ang potato fries sa bag ko para wala ng ibang makakakita.

Pero nakita kong dumating na sila Allysa at ang mga kaibigan niya..

Normal lang naman ang mga mukha nila at parang walang nangyari, parang kinikilig pa nga ang mga mokong. Bahala na silang manghusga.

Pero may isa pang problema, patay talaga ako neto kay Pete.

------

  At eto na nga at dumating na sila...

Umupo na sila at ...

" Ano bang nangyari sayo? bat mo ba yon ginawa ?? " pabulong na sabi ni Pete.

" Masama kasi yun "  seryoso kong sagot

" Ano?? , naku naman Havier , basag trip ka naman ... haha ! hayaan mo na iba nalang pagtitripan ko... kung si Zack nalang kaya ... hahahaha! "

" Gusto mo upakan din kita ? " - Zack

Ibang klase talaga tong mga mokong nato... hoo... kala ko magagalit na si Pete sa akin yun pala magbibiro ulit.

Pero may tinanong ulit si Pete sa akin.

" Ui Havier... bat mo nga ba niligtas si Allysa ??? "

" a-ah-a... kasi.."

Ng biglang dumating na ang teacher namin...

wohoooo... saved by the bell ! \('o')/

-------------------------------------

          END OF CHAPTER # 5

"MY ACCIDENTAL GIRLFRIEND"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon