Simula

2 0 0
                                    

" Alam mong bata pa ako at marami pa akong gustong gawin". Sinabunutan niya ang medyo magulo niyang buhok kaya lalo itong gumulo. I can see the frustration on his face. Pero kahit na anong gawin niya sa mukha niya, nandito ako at humahanga pa rin sa kanya.

" Marami pa akong pangarap" tumingin siya sakin na para bang ako ang solusyon sa problema niya. Tumalikod siya sakin at tinakpan ng dalawang kamay ang kanyang mukha.

I know, mahirap ito para sa kanya. Masyadong mabigat ang responsibilidad na ito para sa kanya. Ako man sa sarili ko ay nahihirapan at hindi ko alam ang gagawin. Masyado pa kaming mga bata para dito.. pero anong magagawa ko kung nandito na ito. Hindi ko na mababago ang katotohanan... Ginawa namin itong dalawa. Dapat lang na panindigan.

" Alam mo naman iyon Diba?". Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

I look at him with teary eyed.. hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam ko love, alam ko... It's just that ikaw lang talaga ang alam ko na makakaunawa sa akin ngayon, dahil alam ko sa sarili ko na mahal mo ako. Well, that's what i know.

" My mom decided to take me in Italy...to finish what i started."Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

Bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit
Hindi ko ito alam?. Tama ba na makaramdam ako ng guilt? My mind is crowded with so much thoughts. I don't know what to do?...  Pakiramdam ko tuloy ako ang hahadlang sa mga gusto at pangarap niya.

Hindi ba ako kasama sa mga pangarap mo? Hindi ba ako kasama sa mga gusto mong marating?. Dahil ikaw, kasama ka sa lahat sa akin. Gusto kong sabihin iyan sa kanya, gusto kong yakapin siya, gusto kong maging masaya siya. Madami akong gusto para sa kanya na minsan nakakalimutan ko kung anong para sa akin.

" Lay... Please.. say a word. Hindi ko na alam ang gagawin ko"

" Why didn't you tell me?" Pagod akong tumingin sa kanya. Umupo ako sa pang isahang upuan sa harap niya habang nakatayo pa rin siya. Sinundan niya ako ng tingin pag upo.

" Tell you what?" Umangkla siya ng upo sa harap ko at muling hinagilap ang mga kamay ko.

" Na may balak ka palang pumunta sa Italy." Umamo ang mukha niya at hinaplos na naman ang puso ko sa nakita. Bakit ba kahit anong gawin niya pareho pa rin ang reaksiyon ng puso ko.

" Ngayon ko nga sasabihin sayo, pero naunahan mo ako.... I'm sorry." Hinaplos niya ang siko ko pababa sa mga daliri ko... Then he entertwined  our fingers. Lumalambot ako tuwing nararamdaman ko ang haplos niya, pakiramdam ko natutupok ako sa apoy ng mga daliri niya.

" Kailan ang alis ninyo?" 

" Maybe, next month. The enrollment will probably start after this month. I'm not sure, that's what my mom said."

" Okey, your mom will be happy kapag sumama ka sa kanya."

"Is it okey with you?" Lahat naman okey sakin kapag ikaw ang paguusapan. Basta sa ikakasaya mo, hindi ako magdadalawang isip.

" How about your condition?"

Nakakaiyak lang, dati kung makapag imagine ako ng buhay kasama siya parang walang katapusan. Walang araw na hindi ko inisip ang buhay kasama siya.... Bata pa man ako pero siya na ang gusto kong makasama. Hindi ko naisip na pwedeng mangyari ito, naging mapusok ang puso namin..nagpadala sa kasiyahan na nararamdaman. Hindi ko naisip na pwedeng mawala siya at baka makahanap pa ng iba. That's what i know... Walang araw na na hindi ko naramdaman kung gaano siya akin at ganon din ako sa kanya.

Sobrang mahal ko ang lalaking ito... Minsan inisip ko he's too good for me. Sa dinami dami ng humahanga sa kanya ako yung nakita at pinili niya. He's too good that i thought i was dreaming.

" I was just kidding."  Hindi ko alam bakit iyan ang nasabi ko. Hindi ko nagawang pigilan ang bibig ko.

" Kidding... w what?. You're just kidding?" Tumayo siya at nangunot ang nuo habang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

" Are you sure? Cuz it's not funny Lay."

" I was kidding" tumayo din ako at lumapit sa kanya.

Hindi pa rin nagbabago ang itsurang ipinakita na para bang kung nahihirapan at naguguluhan siya kanina ay mas magulo ngayon. Sino nga ba ang hindi maguguluhan pagkatapos kong sabihin na buntis ako tapos babawiin ko din at sasabihin kong joke. Wow! Lay... Proud na ako sa katangahan mo. Panindigan mo iyan hanggang dulo.

" It wasn't funny" I know, stupida ka Lay, napakagaling mo mag isip.
" I thought it was true!"

Humalakhak ako dahil sa frustrated niyang mukha para kapanipaniwala ang joke ko. Para hindi niya maisip na nasasaktan ako sa mga pinagsasabi ko.

" I'm sorry love" lumapit pa lalo ako sa kanya at niyakap siya. I just want to hug him tight right now. To feel his love. He hugged me back, and then he tap my back like a baby. I love this guy so much!

" Don't do that again" he said while snipping my scent. Of course! I won't do that again dahil ito na ang last. I just want to feel you right now, at least for now. For the last time.

I hope my lies won't hunt me in the future. And that's the most stupid lie I've ever done in my life.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PAINFUL Where stories live. Discover now