*aj's POV*
Pag angat ko ng aking mukha upang alamin kung sino ang yumakap sa akin nakita ko na si Russell toh, may mga matatalim na tingin sa mga taong nakamasid sa amin
"Pare alam naman namin na pinagsamantalahan ka ng baklang toh ng malasing ka upang gapangin ka, ikaw na isang basketball varsity player at sikat sa campus papatol ng my huwisyo sa baklang yan?! " panunuyang saad ni Jonathan Alegre, ang team captain ng basketball varsity team
"Sus, okay ka lang? Ako ang nasa video at kagustuhan ko ang nangyari sa amin ni AJ, nagustuhan ko iyon at di ako magdadalawang isip na gawin uli yun basta kay AJ uli " nanguuyam ngiting saad nito at inakbayan ako at hinapit palapit sa katawan niya
"Pero lalake ka pare, at bakla yan, di pwede yun " parang pangungumbinse ni Jonathan kay Russell
"Oo alam ko bakla si AJ nong mga bata pa lang kami alam ko na hindi siya normal na lalaki. Pero what the fuck? ! Paki elam ko sa sexual preference niya? Siya ang nagIisang tao handang dumamay sakin sa lahat ng oras, ang taong di ako iiwan kahit bulol ako o iniwan na ng lahat mananatili siyang nasa tabi ko, mahal ko siya kaya nagawa kong makipagtalik sa kanya, Siya ang aking aso ang taong mahal ko! Sa pag ibig hindi naman yan namimili ng gender ng tao ah? Kusa mo yan mararamdaman " madiing deklarasyon ni Russell sa lahat.
Nagulat at literal pang napanganga ang iba sa sobrang shocked sa narinig, kahit ako nagulat, ang number one crush ko na minahal ko nung mga elementary pa lang kami ay mahal din pala ako.
"Sa mga eskandalong ito, sulit na, atleast mahal ako ni russell at yun ang mahalaga" saad ng aking isip
Hindi pa pala tapos si Russell at lumuhod ito sa harap ko at dumukot sa may bulsa niya at nagsalita na sabay abot ng kahon na may singsing "would you be my aso & my partner forever ?" Nagsusumamo nitong saad sakin
"Oo naman " naiiyak kong saad, wala na akong paki elam sa tsismis o bulungan, ng niyakap ako ni Russell yun lang sapat na Hinila na ako ni Russell palabas ng canteen na iyon at nagpunta kami sa room niya ,pagdating doon kinabahan ako ng malala ng makita ko mga magulang namin na nakaupo doo kausap sina slipher at ceaz, andun din si TJ, kazuya at hanah
"Oh andito na ang lovebirds" nakangiting saad ni slipher
"So ano ng label ng relasyon niyo? " tanong samin ng mga mama namin ni Russell
Bigla na naman ako pinagpawisan dahil di ko alam isasagot ko , naramdaman ko ang pagpisil ng kamay ni Russell na may lambing sa kamay ko at narinig ko na lamang ito nagsalita na "Ma, pa, Tita, Tito at guys kami na po pala ni AJ as in lovers" sagot nito na nakangiti
"Ay mare bonga! Kahit parehas na lalaki anak natin sila nagkatuluyan tuloy ang pagkakakumare natin " saad ng mama ni Russell. Nakangiti naman ng pagkatamis tamis ang mga papa namin .
"Di kayo galit? " nagtataka kong tanong
"Hindi anak, bata pa lang kayo natangap na namin na half half kayo lalo ka na lagi kang nakabuntot kay Russell " nakangiting saad ni mama
"Thank you " umiiyak ko ng saad sa kanila, napakasaya ko ng araw na iyon, nagkasiyahan pa kami sa room na iyon kasama classmates namin na binati pa kami ng best wishes, maya maya ay umalis na sina slipher at ceaz
*****************************
THIRD PERSON'S POV
*****************************"Tagumpay ang plano mo ceaz" nakangising saad ni Slipher kay Ceaz ng nakaupo na sila sa coffee shop na malapit sa school nila
"I know right? I told you hindi one way ang nararamdaman ni Aj, mahal din siya ni Russell, kailangan
lang ng isang senaryo na mag hahatid non at kumbaga sa
apoy pinagliyab ko ang baga ng damdamin ni Russell kay Aj " nakangiti saad ni ceaz kay slipher"Sinong accomplice? " tanong ni slipher
"Parating na siya" nakangising saad ni ceaz
Maya maya pa ay may dumating na tao, chinito, matangkad at maputi . Kumaway si ceaz dito at ngumiti ang taong yun at lumapit sa table nila at naupo
"Chryxz Yuweh Lee , chryxz tawag nila sakin " saad nung chryxz, ngumiti sina slipher at ceaz at sabay na nagsabing "welcome to us bitch"
OoOoOoOo
*AJ's POV*
Summer vacation outing naming magbabarkada sa iba,zambales beach resort nila ceaz at dun muli kaming nagsama sama, si TJ, slipher, ceaz, hannah, kazuya, thursday at chryxz, silang dalawa ang bago sa grupo namin, siyempre di mawawala si Russell, ang pinakamanahal kong amo
"Problema natin baka kumalat ang video nila Russ at Aj " saad ni hannah sabay runnga ng vodka
"It will never happen" paniniguro ni chryxz
"How can you be so sure? " saad ng nerd na si thursday
"Dahil mapapahamak ang taong gumawa ng video pag kumalat yun " nakangising saad ni ceaz
Naginuman pa kami na may bonfire, lasing na sila ng magsalita si Russell, "happy? " marahang tanong niya sa akin sabay akap at hinaput ako palaput sa kanya, nakasandal ako ngayon sa matipunong dibdib niya
"Yes" walang alinlangan kong sagot sabay saad ng "i love you amo ko" nakangiting saad ko dito
"Yang ngiting yan ang dahilan bakit crush kita noon, I love you too aso ko" saad nito sabay halik sa aking labi.
Wala na akong paki sa paligid, ninanamnam ko na ang halik ni russell sakin.
Ako si AJ. Ang aso ni Russell, ang taong kahalikan ko ngayon ay ang taong mahal ko at mamahalin ko habang buhay
At sana wag kayong sumuko na balang araw darating ang isang tad ni Russell sa buhay niyo uang isakatuparan ang sarili niyong forever :)
E N D :)
Thanks for the vomments :)

BINABASA MO ANG
DOSE BOOK 1 : Aso ni Russell
Teen FictionSi Aj ay ang bestfriend ng ex-loser now a jock na si Russell then Aj meet Irksiel and gis gang help him to build something in him Will he finds his own 'once in a lifetime love' even if they have scandal hangang kelan mo bang isantabi ang lahat para...