Chapter 6

67 0 0
                                    

"Wag ka ng mag-alala. Hinding hindi ako inlove ako sayo ohhh... Bakit ba pakiramdam mo pa yata lahat kami ay naaakit mo..."

Iminulat ko ang mga mata ko. Nasa byahe parin pala kami papuntang Marikina.

Kanina pa ako tulog pero nagising ako sa ingay ng katabi ko at sa soundtrip ng sasakyan niya. Kumakanta siya. Wow. Si 69? May talent pala sa singing?

Nilingon ko siya. Aba naghe-headbang pa si Gago at feel na feel ang kanta.

"Lahat kami ay nandidiri sa iyo. Ikaskas mo na sana ang mukha mo sa semento ohhh. Di kami natuturn on, sa kutis mong kulay champorado....."

Habang kumakanta siya sumulyap siya sakin.

Pati sa balat ko. Tapos ngumisi.

Huh? Ako ba yung kinakantahan niya?

Hello! Ang puti ko kaya! Mahihiya ang balat ni Marian Rivera sa kutis ko. Syet.

Kapal talaga ng mukha. Iniripan ko nga. Ayokong masira ang araw ko kaya tumingin nalang ako sa kalsada. Please lang.

"Siguro nga naman ay may mas pangit pa sayo... Pero atleast.. Hindi sila nagpapacute, katulad mo ohhh..."

Patuloy parin siya sa pagsabay sa soundtrip ng sasakyan niya at feeling ko nakatingin siya sakin habang kumakanta siya. Bwiset.

Napa-yukom yung kamao ko. Automatic yan. Diko inutusan.

"Wag ka ng magpapanggap na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda dahil na alam naman namin na ang karakas mo ay ubod ng samaaaaaa ahhhhhhhh...."

Tumingin ako ulit sakanya ng masama.

"PWEDE BA 69!!!!!"

Killing Me SoftlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon