Hindi ko alam kung anong uunahin kong kainin sa dami ng nakahain ngayon sa harap ko.
Nakaupo kami ngayon ni 69 sa tapat ng isang long table na napakaraming pagkain. Malapit na rin akong masilaw sa mga makikintab at mamahaling mwebles sa paligid.Katabi ko si 69, habang si Henry naman ay nasa tapat namin at mahinahon na kumakain. Sa likuran namin ay ang mga kasambahay at security na nakatayo lang sa likod namin.
Sumenyas si Henry Lee at umalis naman ang mga tauhan nya sa likuran namin. Nanatiling tahimik ang paligid.
I break the silence na namamagitan sa amin tatlo.
"Mr. Lee, napakalaki po ng bahay na ito. Kayo lang mag-isa ang nakatira dito?"
Nagpunas muna ng labi si Henry bago ako sagutin.
"Yes, Iha. Pag minsan ay dumadalaw rito ang mga kapatid at pamangkin ko.. pero madalas ako lang mag-isa rito... atsaka ano kaba, Just call me Dad. Biyenan mo ako at isang pamilya na tayo. I hope you don't mind na dito na rin kayo titira."
Nag-ngitian kami sa isat-isa. Si 69, heto punong puno ang bibig ng pagkain kaya hindi makapagsalita at tumango tango nalang.
"Ilang taon naba kayong kasal, anak?"
"Magda-dalawang taon na, dad." Sagot ni 69 at pinisil ang kamay ko. Tinignan niya ako na parang mahal na mahal niya talaga ako. Napangiti ako sakanya. Parang totoo. Parang totoo yung mga tinatapon nyang titig sa akin na puno ng pagmamahal.
"Kailan niyo naman ako balak bigyan ng apo?" Sabi ni Henry na malawak na nakangiti sa aming dalawa. Halos mabilaukan ako sa sinabi nya pero pinili kong ipustura ang sarili ko.
"Gustong gusto na namin ni Belle na magka-anak, nahihirapan lang talaga kaming makabuo."
"Atsaka hindi pa kami nakakaalis at nakakapag-honey moon talaga ni 69." Kumunot naman ang nuo ni Henry sa nasabi ko. Shit.
"69?" Tanong niya habang nakatingin sa akin. Halata sa itsura niya ang pagtataka.
"69, nickname ko un sa Cebu dad." Mabilis na sabi ni 69. Tngina, ano bang nangyayari sa akin? This is not me. Bakit ganun ang nasabi ko?
Nakakunot parin ang nuo ni Henry na tila ndi niya maintndihan ang nasabi ko.
"I dont understand." Sabi ni Henry.
Susmaryosep! Gaaahd? Anong sasabihin ko? Jusko bahala na!
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita."69 po kasi ung favorite naming posisyon." Mabilis na sabi ko. Napainom naman ng tubig si 69 sa tabi ko. Halatang pinipigilan ang pagtawa.
Si Henry naman ay napahawak sa tyan niya habang tawa siya ng tawa. Nag-init ang magkabilang pisngi ko sa hiya.
Napatawa nalang rin kaming tatlo."Masyado kasi kaming naging busy nitong nakaraan sa trabaho namin sa Cebu kaya bihira lang kaming magkasama." Sabi ko nalang. Juskomaryosep. Namumuo na ang pawis sa gilid ng mukha ko.
"Well mga anak, ngayon hindi niyo na kailangang magtrabaho. Mamuhay kayo ng masaya ngayon at bumuo kayo ng magandang pamilya. Kahit anong gusto niyo, sabihin niyo lang sa akin. Panahon na para makabawi naman ako sa ilang taong pagkukulang ko sayo Jayden. After all, ikaw naman ang magmamana ng lahat ng ito." Sabi niya sa amin. Napangiti kaming dalawa.
Natapos ang dinner namin ng namamawis ang gilid ng ulo ko. Im out of words, hindi ko alam kung papaano isisingit na maitanong sakaniya ang issue ngayon tungkol sa kaniya bulang isang tiwaling senador.
BINABASA MO ANG
Killing Me Softly
RomanceThe country's two top agents bring in to a one mission. To become a husband and wife. How will be they able to pretend as a married couple if there's an intense rivalry between them?