Chapter 1

54 1 2
                                    

"Tingnan natin kung hanggang saan ang makakaya mo"

Napalingon ako. Hindi ko alam kung kanino nanggaling ang boses na to. Parang hinahamon ako nito.Game ako. Nakakaintriga. Pero hindi ko alam kung anong ibig-sabihin nito.

Simula na naman ng klase, hindi ko mapigilan ang sarili kong ma-excite at kabahan. Maraming tumatakbo sa isipan ko. Ano kaya ugali ng moderator namin? Sino-sino pa kaya ang mga kaklase ko?

Sa ngayon nakita ko ang sarili kong nakatayo sa harap ng pintuan ng classroom namin. Ang tahimik. Tapos nandoon pa 'yung naka-away ng section namin dati. Parang magiging battle-field ata itong room namin. Medyo masama pakiramdam ko tungkol dito. Pagpasok ko, tiningnan ko agad yung mga kaibigan ko. 

"Ran, wala ka pa ring pinagbago" Sabi ni Rea

Napatawa ako.

"Eto naman!" Sabi ko sabay tapik sa balikat niya.

"QUIET!!!!"  Suway ng Advisor namin. Nanlilisik ang tingin niya samin, wala naman kaming ginawang masama. Ang strict pala ni Maam. Ano ba yan, kinkabahan tuloy ako.

Wala kaming nagawa kaya nanahimik nalang kami. Umupo ako sa upuan malapit sa bintana bandang gitna. Nakita kong nagsi-datingan ang iba ko pang magiging kaklase. Okay naman, kasi yung kalahati nun ay Section namin dati. Tas yung kalahati ng isa pang kalahati yung naging kaaway ng Section namin. Yung natitira naman random na. Kasi naman, nagkaroon kami ng issue sa section na yon ee. Nako talaga.

Morning Ceremony muna, Prayer, tas Recess. Pumunta yung iba sa canteen. Ako dito lang, meron naman kasi akong baon na tinapay. Biglang tumayo si Ciel nang naka-ngisi. Alam ko na kung saan siya pupunta. 

"Hi Ran~" Sabi niya sabay upo sa upuan sa harapan ko. Nickname ko yung Ran, Ang kyut haha.

"Hi Ciel!" Bati ko rin. Saka ko kinuha yung pagkain ko. Tumingin siya dito, pero saglit lang. Ang babaeng ito talaga, kahit kailan mukhang pagkain.

"Gusto mo?" Pagaalok ko sa kanya.

"Hindi, may baon ako" Ani niya. Nako nahihiya pa siya, pero simula lang 'yan. Medyo ginagalang niya kasi ako ee. Pero kapag naka-buraot mode 'yan. Itago mo na ang pagkain mo. Mauubos agad yan nang hindi mo namamalayan.

"Uy pumayat ka saka gumanda ka teh!" Sabi niya ulit sabay thumbs-up.

"Loko to! Ang taba ko nga ee. Gandang bola yan" Sabi ko saka ko hinawakan ang taba ko sa aking tiyan. At nagpout. 

"Sus. Ran talaga" Sabi niya saka ngumisi at tumawa. May sapak talaga tong babaeng to eh. 

Biglang pumasok yung mataray naming moderator. 

"Go back to your proper seats" Sabi ni Maam

Tumayo agad si Ciel at bumalik sa upuan niya. Dapat talaga tabi kami. Kaso huli siyang dumating kaya ayun, umupo nalang siya sa available seats. Habang kumakain naisip ko si Amethyst. Siya talaga  yung pinaka-close ko, kahit ano pinagkakasunduan namin. Kaso may lahi siyang matalino kaya nasa-section 2 siya. 

Maya-maya nagbell na. Inayos na yung Sitting Arrangment namin. Tapos first subject. Natural kapag First Day, puro introduction 'yan. Pa-vertical yung ikot namin. Isa-isa kaming nag-pakilala. Pinakinggan ko sila, hanggang sa palapit na ng palapit sakin. Ayan, turn ko na. 

"Goodmorning everyone. My name is France Madrigal. 14 years old. I like reading books at Wattpad and listening to Korean Music." sabi ko at agad na umupo. Simple lang yung introduction ko. Bigla namang pumalakpak si Ciel. Napatingin ako sa kanya. Ang kolet niya.

Halos ganto lang ang ginawa namin all day. Tas uwian na!  Pumunta agad ako kay Ciel.

"Girl,di ako makakasabay ngayon. May pupuntahan kami ni Art ee" Sabi ko habang nakahawak sa braso niya.

"Alam naa!! Hahahaha joke lang. Sige sige. Byeee" Sabi niya. Siraulo talaga. 

"Bye"

Sabay kasi talaga kami umuwi niyan ee. Magkapitbahay kami sa isang Village. Kaso hindi kami sabay ngayon, bukas nalang.

Pagkalabas ko ng Gate ng school, nakita ko agad siya -si Art Perez. Bestfriend ko siya sa dati kong school. Actually matagal na kaming magkakilala. Matangkad siya, maputi, medyo masungit minsan. Kahit mataray yan kailangan ko siyang pagbigyan kapag nagaaway kami (minsan lang, pero most of the time ako lagi ang panalo), Well, may itsura naman siya. Pero no, i don't like him. As a friend lang.

"Tara na! Punta na tayo sa SM" Sabi niya saka niya pinatong ang kanang kamay niya sa aking balikat. 

"Sige. Tara naa" Sabi ko saka siya nginitian. 

Pupunta kasi kami sa Kfest. Kpop kasi kami pareho saka manlilibre daw siya. Haha minsan lang naman 'to. Buti nalang naka-civilian kami para pwede ang gala. Bawal kasi kaming lumaboy ng suot-suot ang aming uniform. Strict tong school na ito ee. Ie-enjoy ko lang ang araw na 'to. Natutuwa ako, parang may magandang mangyayari mamaya. Hindi tuloy maalis ang ngiti ko sa aking labi.

Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon