Chapter 2

12 1 0
                                    

Naghihintay kami ng masasakyang fx dito sa simbahan. Kada may dadaang fx lagi nalang puno, paano kaya kami makakasakay niyan? Medyo kinkabahan ako, hindi ko alam kung ano ang dahilan. Mga kalahating oras na yata kami ditong nakatayo. Nakakainis na ha.

Biglang pumara sa harap namin, parang masikip yung loob nito. Ayokong pumasok. Pero lumakad si Art sa harap nito saka ito binuksan.

"Uy Ran, bilisan mo naman" Sabi niya saka pumasok sa loob ng fx at umupo. Nakakainis, napaka gentle man talaga nitong kaibigan ko. Imbes na paunahin ako, siya yung naunang umupo ng napakakomportable. Grabe talaga. 

"Ha? Eto na" Sabi ko agad at pumasok sa loob ng nitong sasakyan na 'to saka ko sinara ung pintan. Ako po yung nasa tabi ng bintana, at grabe siksik na siksik ako dito sa gilid. Medyo malaman kasi ako kaya yun medyo nahihirapan ako sa posisyong ito. Tapos parang wala lang sa kanya. Ang lalaking to talaga, hmph! Magkadikit na magkadikit kaming dalawa. Papa-sexy nga ako minsan! 

 Kinuha niya ung ipod niya pati yung earphones niya. Nakiniig na lang  siya sa music kaya hindi ako maka-chempo ng pagsasalita. 

"Uyv Art" Sabi ko. Pero di niya ako pinansin.

"Art!" Sabi ko sabay wave ng kamay ko sa harap ng mukha niya. Bigla niya kong tiningnan. 

"Bakit?" 

"Tingnan mo, diba ung cg ng Shinee magpe-perform mamaya? Excited na ako!" Sabi ko na parang kumikislap ang mga mata ko. Imagine? Fan kaya ako!

"Oo nga ee, gusto ko din yun. Pero mas maganda kung SNSD. Tas tingnan mo Ran" Pinakita niya sakin ung ipad niya. Tas nandun yung video ng EXO. Nilagay niya ung isa sa pares ng earphones niya  sa tenga ko. Tapos pinanood namin ung video. 

"Walangya! Galing talaga nila" Sabi ko habang nakangiti.

Tumawa lang si Art. Tapos yun tuloy-tuloy na yung pag-uusap namin. 

"Hahahaha ang pangit nung isa sa cg ng BAP" Mahina niyang sabi

"Eto naman! Feeling mo pogi, eh mas maayos pa nga mukha non kaysa sa'yo" Sabi ko at saka tumawa ng malakas. Tumingin lang siya sakin ng what-the look. Saka ako tumigil sa pagtawa.

"Joke lang yun" 

Tiningnan niya ako ulit nung look na yon.

"So?"

Ang suplado talaga. Daig pa yung babaeng may dalaw ee.

Ang tahimik, ang awkward talaga. Alam mo 'yon, hindi ako makahinga. 

"Huy libre mo ko mamaya" Sabi ko.

"Ha? Sige sige." Maikli niyang sagot habang nakatingin pa rin sa ipad niya.

"Weh? Talaga?" Bigla akong napangiti

"Oo nga. Sige wag na." 

"Ee! Gusto ko nga ee" Sabi ko sabay pout.

"Miss, pakihinaan lang po ang boses niyo. Nakaka-abala po kayo ng ibang pasahero" Sabi ng driver ng fx, Nakakagulat kaya, alam mo yung feel ko tong moment na to dahil manlilibre si Art, tas ...  tas ganto? Okay 'yan. Tumingin ako sa gilid ni Art, nakatingin ata sila samin. Pati yung nasa likuran at harapan namin. So, ganon talaga kami kaingay? Nakakahiya pala. Feeling ko namula yung mukha ko. Yumuko ako.

"Sorry po" Yun na lang ang nasabi ko.

Maya-maya nakarating kami sa SM. Pumasok kami saka dumaretso agad sa 5th floor. Ang haba ng pila. Alam ko namang makakaya namin kung pipila kami, kaso baka maubusan kami ng ticket. 

"Uy Ran baba na tayo." 

Dare-daretso kami sa pagbaba saka namin narating yung 1st floor. Di bale, sanay naman na kami dito. Pumila kami. Nakakapagod kaya tumayo ng matagal, pero okay lang. Nagkukwentuhan naman kami ni Art ee. Buti naman di na medyo awkward yung sitwasyon.  

At sa wakas! Pagkatapos ata ng isang oras mahigit? Hindi ko ko alam, di ko kasi masyadong napansin ang oras dahil sa pagdadadal-dalan namin. Buti talaga may tickets pa! Yes! Yes! Ang sayo ko grabe. Kahit pano sulit ung pagtayo ko don ha.

Ang dami-daming tao grabe. Baka magkawalaan kaming dalawa. Pero sana naman hindi. Wala kaya  akong dalang cellphone. Dala ko lang yung iphone ko, pang video lang! Kaka-excite talaga! Wihi! 

Hala ayan na! Malapit na. Dumating na yung fanchants ng BAP. Nakaka OMG talaga. Tilian yung mga babae doon. Gustoko ring sumigaw.  Hala ayan na, umaapak na sila isat isa sa stage. Ngiting-ngiti talaga ako. Di ko na mapigilan itong feellings na to. Tas nag-play na yung song! 

"AAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!" Sigaw ko. Ayan napatili na ako, di ko na kaya ee. Hinanda ko na yung iphone ko saka vinideohan. Hala ang galing-galing nila. FYI fan talaga nila ako. Bumili pa nga ako ng 2  nilang Album eh! Hahaha sulit talaga tong araw na 'to. 

"Ran!" May narinig akong tumatawag sakin. Lumingon-lingon ako. Sino kaya yung umiistorbo sa aking kasiyahan?  Saka ako tumngin sa gilid ko, ngek? Wala na si Art? Nasan na 'yon? 

"Ran! Dito" 

Nalilito ako. Nabibingi kasi ako ng ingay ng mga babae dito na ttumitili. Grabe sumasakit na yung tenga ko. Okay lang kapag ako,pero kapag sila. Hmmm. De joke. Wait, nasan na yung lalaking yun?

"Art!" Sumigaw-sigaw ako dun at nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Di ko talaga alam kung san ako pupunta. Kinakabahan na talaga ako. Hindi ko na gusto 'tong nangyayari.

Inikot ko yung mata ko, pero wala pa rin. Mas lalo akong kinakabahan.

Lub 

dup

Lub

dup

Yan ang sabi ng puso ko. Naririnig ko na ang mga tibok niya. 

Bigla nalang may humawak sa kamay ko. Tuwang-tuwa talaga ako. Buti nalang nahanap niya ako. Dare-daretso lang ang lakad namin na para bang dadalhin niya ako sa isang lugar. Basta ako go with the flow lang. Pero saan kaya?

Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. Parang ayaw niya akong pakawalan. Hala, ano to?

Lup dup Lub dup. ayan na naman si Puso. Kakainis. Pero, bakit mas bumibilis siya ngayon? 

Bakit parang sumasakit ata yung tiyan ko.

Eto ba yung Butterflies in your Stomach thing na sinasabi nila?

Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-ngiti.

"Ang hirap mong hanapin! Buti na lang nakita kita agad. Nag-alala talaga ako sayo. Next time kasi huwag kang aalis sa tabi ko"

What? Ano daw?

Ayaw mag sink in sa utak ko.

Nakakagulat. Nakakabigla. Nag-aalala raw siya sakin? Ayiee lang? Dapat ba akong kiligin? 

Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon