Chapter 3

14 0 0
                                    

"Ang hirap mong hanapin! Buti na lang nakita kita agad. Nag-alala talaga ako sayo. Next time kasi, huwag kang aalis sa tabi ko" Medyo galit niyang sabi.

Yun na nga, hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya. Ang lalaking parang matigas na bato, agad lumambot dahil lang sa nawala ako (saglit) ? No way! Ni hindi nga ako makatingin sa kanya kase naman,  Ang weird-weird talaga ng feeling ko. 

"Mary, alis na ba tayo? Okay lang ba? Kung gusto mong mag-ikot okay lang naman, dadalhin kita kung saan mo gusto ha? Sabihin mo lang sakin, ako na ang bahala" 

Ano? Mary? Excuse me ho, ako si France! Si Ran! Hala, anong nangyayari sa lalaking to, kung sino-sino nang babae ang pinagsasabe. Nagdududa na ako.

"Wait, humarap ka nga sakin" 

Binitawan niya ang kamay ko saka humarap sakin. Matangkad siya, tanned color saka medyo may muscle-muscle. Ang hot niya! hahahha lol. Tas may parang pagka-singkit yung mata niya. Mayroon siyang makapal na kilay, at mahabang pilik-mata. Kaya naman pala iba ang tono ng pagsasalita ng lalaking to ay dahil hindi siya si Art. Ano ba yan?! Tapos hinawakan niya pa yung kamay ko, hala girl. Nakakahiya! Tumitig siya sakin, medyo gulat na gulat. 

"Mary, anong nangyare sayo? Bakit parang.. tumaba ka lalo? Pero pumuti ka! Hala, anyare?" Gulat pa rin yung mukha niya,

"Baliw! Hindi ako si Mary." Sabi ko na medyo nahihiya.

Biglang may dumating na babae. Mas matangkad ako ng konti, mas maputi ako, pero mas mataba ako. Cute siya. Simple pero masarap kasama. Yan si Mary. Kakalase ko siya last year. Na-adik din ata sa KPOP kaya nandito.

"Hoy Matthews! Walang ya ka, iniwan mo ko" Tas bigla niyang kinotongan sa ulo si Matthews.

"Mary! Akala ko siya ikaw." Tumawa siya na parang nagso-sorry. "Sorry na"

"Okay lang, mabait naman ako. Hindi mo ba siya kilala?" Sabi ni Mary habang nakatitig sakin. Bigla naman akong tiningnan ni Matthews at inobserbahan ako ng maigi. Iba talaga yung dating ng mata niya. 

"Ooohh! Siya yung kaklase natin, wow what a coincidence! Bat ka pala nandito?"  Sabi ni Matthews.

Wow, Kaklase ko pala siya. Saka hello, kaya nga ako nandito kasi may KFEST. Ngumiti nalang ako.

"Kasi may KFEST, saka mag-kaklase pala tayo?" Medyo saryoso ako sa tanong ko,

"Ha? Di mo ko nakilala? Ansakit naman" Biglang tumawa si Mary. Ibig-sabihin niya ata, buti nga sayo. Haha, ang kyut nila. 

"Sorry, di kasi ako masyado nakinig, Ano, iwan ko na kayo, hinahantay na kasi ako ng kasama ko" 

"Ran, sino yong kasama mo?" Bigla siyang tumawa. "OMG! HAHAHA Sino yon? Boyfriend mo?" Sabi ni Mary saka tumawa ng tumawa. 

"Ha? Sino?" Medyo nagtaka ako. Hindi ko naman kasama si Art.

"Ayun," Sabi niya sabay turo sa likuran ko. OH MY G! Nasa likuran ko na siya agad. Ang bilis ha.

"Uy, bat ka nandito?" Bigla kong sinabi.

"Syempre, magkasama tayo, diba" Medyo cold yung tone niya. 

"Onga, pero di yun yung ibig kong sabihin, Ok?" 

"Wait Ran, Alis na muna kami. Bye!" Sabi ni Mary saka kumaway.

"Tandaan mo ko ha, ako si Matthews!" Sabi niya at bigla siyang ngumiti. Parang namutla ata ako don.

Umalis na sila. May date ata, haha.

"Wow, kinilig ako" Sabi ni Art ng walang emosyon.

"Eto naman! Ang sama talaga neto sakin" Sabi ko sabay siko ko sa  kanya.

"Grabe, naka ilang points ka dun ha, mostly yung hawak kamay scene niyo. Tapos yung pula-pula factor mo." 

Napangiti ako doon.

"Hoy, wag ka. Ang taba mo kaya." Medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Oo alam ko namang mataba ako, pero bawal ba akong kiligin? Hard talaga niya.

Dare-daretso lang kami. lumakad kami sa mga Resto.

"Kain muna tayo, libre ko na" Sabi niya. At saka kami tumigil sa harap ng Jollibee. Kumain kami, daldal lang siya dun ng daldal. Di ko nalang pinansin. Hmph. Nakaka-insulto kasi yung sinabi niya sakin. Alam mo yun? Kung ikaw kaya nasa pwesto ko, diba?

Pagkatapos naming kumain, pumunta kami ng Blue Magic.Malapit na kami sa harap nito.

"Bat tayo nandito? Sino bibilhan mo?" Aba lumalandi din tong batang to ah, sino kaya yon?

"Secret." Maikli lang niyang sinabi.

Pumasok kami sa loob. Nagikot-ikot lang ako pati siya. Nagulat ako kais may nangalabit sakin- si Art. May hawak siyang Teddy Bear. Bigla niya itong tinakip sa kanyang mukha. Ano kaya ang pakulo nito at may ganto ganto pa siyang nalalaman?

"Sorry na, galit ka ba?" 

Nakakagulat naman 'tong ginawa niya, Never pang nag-ganto tong bespren ko ha.

"Hindi, nainis lang ako." Sabi ko ng madiin.

"Oo nga, kaya nga sorry na." 

Tumingin ako sa malayo. Saka siya umalis sa harap ko, pagdating niya binigay niya yung Teddy Bear sakin. Nanlaki yung mata ko.

"Para sakin to?"

"Hindi, bitbitin mo" Sabi niya. 

Tss. Akala ko pa naman para sakin na. Hindi talaga siya nagbabago. Art is Art. Buti na lang, mas gusto ko kasi kapag medyo cold siya, parang ang cool kasi. Naalala ko tuloy nung elementary kami (gr. 6) 

"Bakit ka nandito sa section na to? Eh ang bobo-bobo mo! Hindi ka nararapat dito, sabit ka lang" Sabi ng Aisha. Isa siya sa pinakamayaman na pamilya sa school namin. Walang may guts na pumalag sa kanya. Wala, Kaya lahat sumusunod lang sa kanya. Wala silang karapatan na barahin siya, siya ang Reyna sa School ko dati.

Nadapa ako. Ang dilim ng paningin ko. 

"Itigil niyo to. Kayo ang bully niyo." May isang boses lang akong narinig. Madiin ito. Pero dahil sa boses na ito, feeling ko safe ako.Yan si Art ang tinatawag na Prinsipe sa school ko dati. Pinagtanggol niya ako sa Reynang ito. 

"Pasalamat ka ikaw ang Prinsipe dito. Dahil kung hindi, malilintikan ka samin." Sabi ng isa kong kaklase na si Ash. Isang alipin ng ng Reynang nasa harapan ko.

"Sige subukan niyo lang, baka mas malayo pa ang marating niyo" 

"Ang yabang mo.." Hindi na natuloy ni Ash ang sasabihin niya dahil kay Reina.

"Hayaan mo na siya... " Dahil sa salitang iyon, umalis silang lahat sa harapan namin.

"Eto panyo" Hinagis niya ito sakin. " Tumayo ka na diyan." Sabi niya saka umalis.

"Salamat" Mahina kong sinabi. Saka ako tumayo. Lagi to saking nangyayari, pero ito na yata ang pinaka-malala. Nanghihina na ang tuhod ko, pero mas pinilit kong tumayo, kahit naduduwag ako. Ang lupit nila. Ang sama nila. 

Masama ang loob ko, pero parang okay na. Yan ay dahil sa lalaking ito.Sa pagkakataong ito, may nagtanggol sakin. Parang may nakaintindi na rin sakin. Kahit natatakot ako sa kanila, nagpapasalamat pa rin ako dahil may naging liwanag ako. 

Si Art ang Savior ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Between Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon