Chapter 3

11 3 0
                                    

Skye's POV

Naghihintay ako dito sa park. Hinihintay ko si Tyler, pinapunta nya ako dto ewan ko ba may importanteng sasabihin daw sya. Nakaupo ako dito sa swing, naghihintay ng isang batang lalaking na may isang importanteng ibabalita sa akin. Napabuntong hininga na lng ako. Kay tagal naman nya.

Natanaw ko na siyang naglalakad palapit sakin. Tumayo na ako at nakangiting sinalubong siya.

"Antagal mo, kanina pa kita hinhintay" kunwaring nagtatampo ako. Antagal niya kayang nawala. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya kasama ang pamily niya.

Hindi nagbago ang expression niya, seryoso parin siya. Nagsimula na akong kabaha. Hindi siya ganito. Kapag nagkikita kami lagi siyang nakangiti at laging ginugulo ang buhok ko pero ngayon hindi niya ginawa.

Nagulat ako nang may tumulo sa kanyang mga mata, mga luha niya. "B-bakit? Bat k-ka umiiyak?" naguguluhang tanong ko. Nangingilid narin ang aking mga luha.

"I'm sorry" sabi nya habang patuloy pa rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Sh*t may ginawa ba ako? Oh di kaya may sinabi akong masama?

"B-bakit ka nagsosorry, T-tyler?"ako naman eh paluha na. Ganito kami its either iiyak kaming dalawa o may isang hindi iiyak sa amin para patahanin ang isa.

"S-sorry skye, kung n-ngayon lng ako magpapaalam" pasingit nya habang tuloy pa rin ang pag-iyak nya. Hinaplosan ko na lng ang kaniyang likod. Bat naman sya magpapaalam? May pupuntahan ba sya? Aalis ba siya? Iiwanan ba niya ako? Andaming kong tanong sa kanya pero hnd ko masabi ang LAHAT ng tanong ko.

"A-alis ka ba? Tyler iiwanan mo ko?" hayss natatakot na ako. Siya lng naman ang kilala at kaibigan ko dito sa bagong bahay namin.

"Pasenya na Skye hindi ko naman kasi ito ginusto ehh, kailangan na kasi naming bumalik sa States. Malala na kasi yung condition ni lolo eh." sabi niya habang pinupunasan nya yung mga mata nya. And I just give him a side-hug. Huminga na lng din ako ng malalim. Naiintindihan ko naman siya ehh. Kailangan sila doon. Kailangan sya ng kaniyang lolo. I wouldn't be selfish, ang tanga ko na ngay pag pinilit ko siyang magpaiwan. Mamatay yung lolo niya na wala sya? Tanga ko na ngay. Mabilis pa naman akong maguilty.

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon