New friend
Skye's POV:
"Ahhhhh!!" hingal na hingal akong nagising. Ito na naman, parehong panaginip parehong bangungot.
"5:45 am" basa ko. Maaga na naman nagising. Agad na akong nag-ayos para sa pagpasok ko ay handa na ako.
Bumaba na ako ng kwarto ko at dumiretso sa kusina kung saan nakita ko si mama na nagluluto ng pang umagahan. Binati ko naman siya at binati niya ako. Nang matapos na akong kumain nag-ayos na ako at lumabas ng bahay.
Nagtataka ako kasi parang may nagmamasid sakin. Hmp, hahayaan ko na lang at sumakay na ako ng kotse ko. Nga pala gusto kong ipakilala yung aking baby. My black Mercedes-Benz. Such a beauty.
Ng makarating na ako sa academy, pinark ko na ang aking sasakyan.
Habang naglalakad ako papasok ng may nakabangga sakin kaya tuloy mapaupo ako.
"Ouch!" habang hinahaplos ko ang aking pwet. Ano ba! Hindi na nga maganda yung umaga ko tas may babangga pa sakin. Nako!!
Nagulat na lang ako ng may mga kamay na nakahawak sakin at pinatayo ako.
"Okay ka lang ba?" tanong ng isang babae. Mahaba ang buhok mapayat pero hindi naman yung ang payat masyado, maputi din siya at matangkad.
"Pagpasensyahan mo na ako hindi ko kasi tinitignan yung dinadaan ko" yumuko naman siya. Hala! Ganun lang yuyuko na, nu ba.
"Okay lang ate alam ko naman na hindi mo sadya dba..."
"Gervie. Gervie Valerie Watson" Watson? Kanila ba yung Watson's Store? Basta yung Watson's.
"Ahh, ako nga pala si Phoebe Skylar Hale" pagpapakilala ko.
"Nice to meet you Phoebe, ahh tara na baka mahuli pa tayo" tumango naman ako bilang pagsang ayon. "Ano nga ba pala yung section mo? Mukhang nakita na kasi kita eh"
"Section A"
Nagulat na lang ako ng bigla siyang sumigaw. Baliw na ata siya, hahaha sama ko.
"Yieeee! Magkaklase pala tayo eh. Kaya pala, tara pasok na tayo at pakikilala kita sa mga kaibigan kong sina Lebys" hinila niya naman ako pero bago pa kami makalayo huminto ako at napahinto siya.
"Si Lebys kilala ko na sya pati sila Mia, Francisco at Deimine" pagpapaliwanag ko sa kanya. Kitang kita naman sa kanyang mata ang pagkabigla.
"Talaga?" tumango ako para sumagot "Great! Para maging super duper close tayong lahat at maging barkada!" halos mapabingi nan ako sa kanya.
"Aray! Ingay mo beh" sabi ko kaya ngumuso siya.
"Alam mo kapareho mo rin sila, sinasabing ang ingay ko, hmp!" napacross arms naman siya. Aba! Totoo naman kasi eh ang ingay nya.
"Totoo naman ehh, tara na nga pasok na tayo baka malate pa tayo" napakamot na lang siya sa ulo at sumama rin sakin.
BINABASA MO ANG
Everything Has Changed
Teen FictionDo you even wonder what will your best friend look like after he left for how many years? ................ Well gayan ang maramdaman ni Phoebe noong iniwan sya ng childhood best friend nya na si Tyler. Ano kaya ang gavawin nya kapag nalaman nya na n...