Chapter 5

280 40 10
                                    

TANYA P.O.V

"Good morning Isabelle!" Bati ni Nathan pag-bukas ko ng pinto. Paano ba naman kasi ang aga aga may nakatok na.

"G-good morning." O///////O

"Oh, Nathan? Anong ginagawa mo dito?" Tanong naman ni Anton na nasa likod ko lang.

"Sinusundo ko lang si Isabelle. Di ko alam sabay pala kayo napasok."

"Iisa lang naman kasi ang school namin kaya sabay na kami napasok."

"Tara na Isabelle! Pasok na tayo!"

"Ah-eh.." Tinignan ko si Anton para humingi ng tulong pero tinignan lang ako nito at tinaasan ng kilay.

"Tara na Isabelle!" Bigla na lang akong hinila ni Nathan at tumakbo na papasok.

----

"T-teka! Dahan dahan! Wag ka tumakbo. Mahaba pa yung oras!"

"Bakit naman hindi? Gusto ko ikaw lang kasabay ko. Hayaan mo na yun si Anton, Malaki na yun."

"H-huh? Wala naman akong pake dun. Ayoko lang ng nagmamadali."

"Okay. Dahil medyo malayo naman na yung natakbo natin pwede na tayo maglakad."

"Teka. Bakit ba pumunta ka pa ng bahay?"

"Para nga sunduin ka. Ihahatid kita sa school niyo."

"Kaya ko naman mag-isa."

"Tsaka para na din. Yung makakakita satin iisipin na ako boyfriend mo at hindi si Anton."

Nagulat ako sa sinabi ni  Nathan. "Oh? Isabelle? Ba't biglang namula yang mukha mo?"

"A-ano bang  sinasabi mo?! H-hindi naman nila iisipin na boyfriend ko si Anton no! Ang alam nila mag-pinsan kami."

"Ganun? Eh di mas maganda!"

"Hays! Nababaliw na ata to! Sige na! Ayan na yung school ko oh! Umalis ka na! Papasok na ko!" Tinakbuhan ko na si Nathan bago pa niya ko mahabol.

ANTON P.O.V

Nakita ko na tinakbuhan ni Tanya si Nathan pagkarating sa tapat ng school.

"Huy! T-teka! Tinakbuhan nanaman ako." Nakapamewang habang kumakamot sa ulo na sabi ni Nathan habang tinitignan si Tanya sa malayo.

"Ano? Iniwan ka? Bakit kaya di ka pa pumasok?" Sabat ko naman.

"Anjan ka na pala. Papasok na ko.. Hinihintay lang talaga kita."

"Bakit naman? Ako na ba ipapalit mo kay Tanya? HAHAHA!"

"Loko! May ipapaabot ako.. Tumakbo kasi siya eh di ko tuloy nabigay.."

"Ano naman yun?" May nilabas na isang box ng chocolate at isang rose si Nathan sa bag niya at iniabot ito sakin.

"Iaabot ko sakanya? Ngayon? Eh ba't di na lang ikaw?"

"Nakita mong tinakbuhan nga ako eh. Dali na!"

"Oo na! May kapalit to ah!"

"Oo sa susunod. Sige na! Malalate na ko sa klase ko!"

Full HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon