|1|

82 1 7
                                    

•ONE•

"Eeeeh, kailangan ko talaga nun eh." Bwiset 'tong lalaking to. Kapag ako nairita sisipain ko na talaga to eh.

"AYOKO NGA DIBA? HINDING-HINDI KO YUN GAGAWIN!" Naguusok na ang ilong at tenga niya at paluwa na ang mata niya sa galit. Bwiset, pakipot pa 'tong lalaking 'to sarap itapon sa ilog ng mataas na negosyante sa timog eh :3

I just rolled my eyes towards him, all along alam kong meron na siyang nagawa at ayaw niya lang ibigay sakin dahil nahihiya siya.

I just walked away at nagpaplanong bumalik na sa Careighthian's University but this asshole grabbed my precious hand. And placed a paper on my right hand.

I smiled. "Thank you :)" kinuha ko 'yung papel at pinat ang taas ng ulo niya na parang aso at tsaka umalis.

Phew, MISSION ACCOMPLISHED.

Naglakad lang ako papunta sa University.

"Hi, Neptune" Bati ni Mrs. Penny. Close ko yan, nililibre niya ko ng pagkaing binebenta niya eh.

"Hello" I waved tapos naglakad ko papunta doon sa stall niya. "Musta na po kayo?" tanong ko tapos kumuha ako nung cupcake na binebenta niya. Hihi, ang sarap. Pakagat na sana ako kaso pinigilan ako ni Mrs. Penny. Ngumuso ako at nagpacute. Sa huli, binigay niya nalang sakin :)

"Ayos lang naman, siya siya pumunta ka na sa paroroonan mo baka maubos pa 'tong paninda ko"

"Hahaha, Salamat Mrs. Penny! Sige po" Kumaway ako sa kanya habang naglalakad papalayo sa stall niya.

Nasa Central Marketplace ako na nasa timog ng Palasyo ng Careighthia. Maraming mga sasakyan, mga abalang negosyante at mga slaves ang nagkalat sa buong lugar. Kung mapapansin hindi na Hi-tech ang lugar na 'to at tinuturing probinsya na ng karamihan. Kagaya ni Mrs. Penny, hindi nila kayang gumamit ng teknolohiyang dala ng Mechanical Transparent Hologram dahil sa labis na kailangan ng kaalaman at kakayahan sa paggamit nito, at isa pa napakamahal ng mga gamit mula sa MTH.

Gayunpaman, napapalakad parin ito ni Queen Luna nang maayos. Si Queen Luna ay isang malupit at mabangis na reyna. Pinahahalagahan niya ang pagikot ng kayaman sa buong palasyo. Kung sinuman ang magnakaw at magtaksil ay lubos niyang pinarurusahan sa Arena of Careighthians na isa sa lugar na kinasusuklaman ko. Sa Arena nagaganap ang pagpaparusa at andito din and Annual Death Game. Kasuklam-suklam.

"Neptune!" Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses. It's September. Tumigil ako sa paglalakad at mabilis na inilagay ang papel sa maliit na shoulder bag na nakasabit sa akin.

"Ano yun?" She asked while pointing at my bag.

"Nothing. Papunta ka na sa CU?" Nagsimula na akong maglakad at inakbayan 'tong maliit kong kaibigang napaka-stretchable ng pisngi.

Magtimpi ka.

Magtimpi ka.

>.

Waaah, hindi ko kaya >.

*PINCHHHH*

"ARAY! TT.TT" Sorry, hindi ko talaga napigilan :3 "Lagi ka nalang ganyan."

"Haha. Bakit ba naman kasi tuwing nakikita kita lalong nagiging mataba yang pisngi mo"

"Lolo mo. Magtigil ka na nga"

"Patay na, wala na ang lolo ko. Anuba! Pauli- ulit XD" Sabi ko with a tone of sarcasm.

Hinampas lang niya ako. At ako naman tawa lang nang tawa. Paano ba naman kasi laging siya ang natatalo kahit siya naman ang nagsisimula.

Naglakad lang kami papuntang University. Dumaan kami sa Main Bridge papuntang palasyo. Ang University kasi ay nasa loob ng palasyo kasama ang mga tirahan na mga noble scholars ng Reyna. Ang palasyo ay may labis na pagpapangkat sa mga mamamayan. Ang mga pamilyang alipin ay nasa labas ng Careighthian's base. Malayo sila sa maunlad na buhay at ang pagabot ng tulong sa kanila ay malapit sa salitang imposible.

The Keeper of the LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon