Isang salita na may pitong letra
Isang salita na sa akin ay nag bigay ng pag asa
Pag-asa na nagbibigay saya na
Sa tuwing maalala ang pangako mong
Hihintayin kita
Hindi pa man kita nobyo
At wala pa sa atin ang salitang TAYO Ngunit sa pangako mo
Ay kumapit ako na magkakaroon rin ng Salitang ikaw at ako
Mahirap man ang umasa sa salitang Ikaw lang talaga
Lalong lalo na kung hindi naman
Tayo palaging magkasama at minsan
lang sa isang linggo magkita Yung tipong dadaan lang na sa
Tingin mo ay walang nangyari Yung tipong hanggang titig lang
Kasi sa bawat hakbang na aking gagawin
Ay iniisip kong ikaw ba ay may pagtingin talaga sa akin?
Mahirap.Oo mahirap ang kumapit sa isang
Pangakong alam mo naman na pwedeng mapako
Yung masaya ka lang sa una Sa mga matatamis na salitang
Tayo lang talaga at gusto kitang maging asawa
Mga matatamis na salita Na itinuring kang parang prinsesa
Ngunit sa tuwing maalala ang realidad na
Hanggang salita ka lang pala ay
Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig
Na pinipilit ang sarili na
Ako na lang at huwag ka ng humanap ng iba
Ang Pangako mo ang dahilan ng
Aking kasiyahan kaya huwag mo namang
Palitan na maging pait sa aking karasanasan
Alam ko na ikaw ay totoo Totoo sa mga salitang ipinangako
Na sa darating na kaarawan mo
Ay makilala ko ang mga miyembro ng pamilya mo
Oo,nagagalak ako lalong lalo na sa
Araw na maitanong mo kung "pwede ba maging Tayo?"
At maisagot ko ang pinakamatamis kung "Oo
Mahal, ang pangakong iyan ay ating panghahawakan
Kahit na ilang,oras,araw,linggo o buwan man ang dumaan
Ang tibok ng puso ko ay walang ibang kailangan
Maliban sa natatangi mong pangalan
Mahal,sa pangako mo na tanging Ikaw lang at ako
Pangakong balang araw ay magiging Tayo
Kakapit ako
Sapagkat ang salitang yan ay
Nag mula sayo
Ngunit,
Anong nangyari?
Bakit ikaw ay nawala
Nawala na parang bula
Iniwan mo ako na lumuluha
Pinag mukhang tanga
Pina ASA at ngayon ay wala na
Nag tiwala ako sayo
At sa pangako mo
Naghintay ng sobrang tagal
Pagkatapos ngayon ay
Malalaman Kong may
Iba ka ng mahal
Pero okay lang
Okay lang sa akin
Tanggap ko yun at
Hindi na iisipin
Ang pangako mong
Una mong kinalimutan
Kalimutan.
Oo, dapat ng kalimutan dahil
Ito ang magbibigay sa akin ng kalayaan
Kalayaan.
Na magbibigay sa akin ng tunay na kasiyahan
Salamat.
Salamat sa pangako mo
At ng dahil dito
Mas naging kilala ko ang sarili ko.~Shemay💕