Overture

17 4 0
                                    

Overture



"Bakit ka nag-iisa rito? Ayaw mo bang makipaglaro sa kanila?" Tanong ng isang binata sa batang nakaupo sa bakal na duyan.

Napapailing ang bata ng hindi tumitingala sa binata. Napasulyap saglit ang binata sa mga batang masayang naglalaro sa kanilang mga dalang laruan. Binisita ng magbabarkada ang isang orphanage na malapit ng ilipat ng lugar, ang Children of the Streets.

"Gusto mo bang samahan kita rito?" Muling tanong ng binata ngunit hindi na ito nakatanggap pa ng sagot mula sa bata. Ni tango o pag-iling, wala.

Tahimik siyang umupo sa kabilang duyan at panaka-nakang sinusulyapan ang bata. Hindi niya maiwasang maawa rito dahil ramdam niya ang pangungulila nito sa pamilya. Wala na ring pamilya ang binata dahil sa isang hindi inaasahang trahedya kaya siguro nag-umpisa ang pagbisita niya, kasama ang mga kaibigan, sa mga orphanage.

"Kuya, ano pong ginagawa niyo rito?" Tanong ng isang batang lalaki na may dala-dalang malaking kulay pulang truck na laruan.

"Sinasamahan ko itong kapatid niyo. Ayaw niyo ba siyang kalaro?" Malambing na usal ng binata at ginulo ang buhok ng batang lalaki.

Napaatras ang bata na ikinagulat ng binata.

"Pero kuya, wala naman po kayong kasama?" Naguguluhang pakli ng batang lalaki at hindi makatingin sa duyan na ginagalaw ng hangin.

"Huh? Katabi ko naman siya, a? Anong sinasabi mo?"

"Kuya, umalis na po kayo riyan. Wala po kayong kasama. Hindi po siya totoo. Gumising ka po, kuya."

Tumakbo ng mabilis ang bata at pumunta sa tumpok ng mga bata. Napalingon ang lahat sa binata na nakaupo sa duyan at kaagad naman silang nag-iwas ng tingin. Nabitawan nila ang mga laruan sa pagmamadaling makapasok sa loob ng malaking lumang orphanage.

Naiwang nakanganga ang binata at sinundan ng tingin ang pagtakbo ng mga bata. Nabaling ang tingin niya sa mahinang naglalakad na batang babae na may dala-dalang lumang teddy bear. Napalingon siya sa katabing duyan, wala na roon ang bata. Dali-dali niyang binalikan ng tingin ang batang babae. Naglalakad na ito paakyat ng hagdan at papasok sa orphanage.

Naguguluhan siya sa inasta ng batang lalaki kanina. Anong ibig nitong sabihin?

※※※

This will be written in Tagalog-English. I hope you'll also support this. Thank you.

13 Days To GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon